8 bagay na hindi mo dapat sabihin sa mga magulang ng only child

Bagaman hindi mo intensyon na makasakit ng damdamin, may mga bagay na hindi mo dapat sabihin sa mga magulang na may solong anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nanggaling ako sa isang pamilyang may tatlong anak at ako ang panganay sa magkakapatid. Naranasan ko ang ‘pros and cons’ ng pagkakaroon ng mga kapatid kaya noong ako ay nagpasyang bumuo ng sarili kong pamilya, gusto ko ring magkaroon ng dalawa o tatlong anak.

Sa walong taon naming pagsasama ng aking asawa, iisa ang naging anak namin.

Bagaman hindi naman kami nagmamadali sa buhay, may mga pagkakataong nakakaranas kami na makatanggap ng mga salita mula sa ibang tao dahil sa pagkakaroon lamang ng iisa ang anak.

Hindi man nila intensyon, may mga bagay na nakakasakit sa damdamin naming mga magulang. Kaya naman nais kong ibahagi sa lahat ang mga bagay na hindi dapat sabihin sa aming mga may solong anak.

Mga bagay na madalas sabihin sa mga magulang na iisa ang anak

1. “Malungkot siguro ang anak mo”

Una sa lahat, magkaiba ang pagiging mag-isa sa pagiging malungkot.

Naranasan kong mahiwalay sa aking kapatid ng dalawang taon noon dahil kinailangan kong mag-aral sa Maynila habang nakatira ang pamilya namin sa Cainta, Rizal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi ko naman naranasang maging malungkot noon kahit wala ang kapatid ko. Kumportable naman akong naglalaro nang mag-isa sa bahay ng lolo at lola ko. Minsan, nakikipaglaro ako sa mga kapitbahay at mga pinsan ko kaya hindi naman ako nababagot.

Sa sitwasyon ng anak ko, nakikita kong masaya naman siya kahit iisang anak siya. Nakikihalubilo siya sa mga kaklase at kalaro kapag magkakasama sila sa labas ng bahay.

2. “Walang tutulong sa anak mo sa pag-aalaga sa inyo ng asawa mo pagtanda ninyo”

Maaaring totoo, ngunit wala namang garantiya na kapag marami kang anak ay marami rin ang mag-aalaga sa inyong mag-asawa sa pagtanda ninyo. May mga pagkakataon na kahit sampu ang anak ay iisa lang sa sampung iyon ang mag-aalaga sa inyo sa pagtanda. Ang nakakalungkot ay kung minsan, walang anak ang nais na mag-alaga sa mga tumatanda nilang magulang.

Hindi natin kayang hulaan ang mangyayari sa hinaharap, kaya masakit para sa isang tao na gawin siyang guilty dahil iisa ang anak niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. “Madali lang sa ‘yo ang maging magulang dahil iisa lang ang anak ninyo”

Ang sagot ko diyan ay oo at hindi.

Oo, dahil wala akong aawatin kapag nag-aaway ang magkakapatid kasi iisa ang anak ko. Iisa lang din ang pag-aaralin ko at iisa lang din ang gastos ko sa lahat ng pangangailangan ng bata.

Ngunit hindi rin madali ang magkaroon ng solong anak dahil tao ang pinapalaki ko at hindi alagang hayop sa bahay. Nangangailangan ng buong atensyon at pagmamahal ang anak ko. Kailangan siyang gabayan upang maging mabuting mamamayan.

Kahit ilan pa ang anak ng mag-asawa, walang madali sa pagiging isang magulang.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

4. “Hindi ka pa tunay na magulang hangga’t hindi ka pa nagkakaroon ng isa pang anak”

Ito ang isa sa mga nakakagigil na sinasabi ng ibang tao sa aming mag-asawa.

Hindi batayan ng pagiging tunay na magulang ang bilang ng mga anak. Simula pagbubuntis at panganganak ay isa na kaming magulang. Kung ano ang hirap ng magulang na may maraming anak ay siyang hirap din na nararanasan naming mga magulang na may solong anak.

5. “Lalaking spoiled ang anak ninyo dahil only child siya”

Ang kadalasang persepsiyon ng mga tao sa mga only child ay laki sa layaw. Hindi ‘yan laging totoo.

Bagaman nasa mga magulang ang desisyon kung palalakihing spoiled ang kanilang mga anak, hindi ito kadalasang nangyayari dahil buo ang atensyong ibinibigay ng mga magulang sa solong anak. Mas matindi ang disiplina ng mga magulang na iisa ang anak.

Sa kaso namin, wala kaming balak na palakihin ang aming anak na sunod sa layaw. Hindi lahat ng gusto ng anak namin ay sinusunod namin. Ginagabayan namin siyang maigi upang sa huli ay hindi niya kami susuwagin paglaki niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

6. “Makasarili ka siguro kaya iisa lang ang anak mo at ayaw mo ng sundan”

Isa ito sa pinakamasakit na narinig ko mula sa isang kakilala.

Nagkaanak ako sa edad na 24 at nalaman ko mula sa OB Gyne ko na himala para sa akin ang magkaanak agad pagkatapos maikasal (honeymoon baby ang anak ko) dahil mayroon akong Polycystic Ovarian Syndrome o PCOS. Ang kondisyong ito ang dahilan kung bakit limang taon na ay hirap pa rin akong magdalantao.

Hindi dapat hinahamak na makasarili ang mag-asawa o ang isang ina dahil may dahilan na kagaya nito kaya iisa lang ang naging anak nila.

7. “Kung lumaki siyang bakla/tomboy at hindi magkaka-anak, hindi kayo magiging lolo at lola”

Hindi dapat pinanghihimasukan ang personal na buhay ng isang tao at kami bilang magulang niya ay irerespeto kung anuman ang gender preference na nanaisin ng aming anak sa hinaharap.

Aaminin naming magiging disappointed kaming mag-asawa kung hindi man kami magiging lolo at lola sa hinaharap ngunit hindi naman dapat na maging rason ang bagay na ito para lang pilitin kaming magparami ng anak.

Hangad namin ang kaligayahan ng anak namin kaya hahayaan namin siyang magdesisyon ukol sa pagpapamilya niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

8. “Kailan niyo siya susundan? May balak ba kayong sundan siya?”

Madalas itong sabihin sa amin ng mga kamag-anak namin.

Para sa akin, personal ang tanong na ito dahil maraming dahilan ang bawat magulang kung bakit iisa ang anak nila. Maaaring may medikal na kondisyon din sila gaya ko, o dumaranas ng pinansyal na problema. Puwede ring may malaking problema sa pagsasama ng mag-asawa.

Ang sagot lang namin sa mga nagsasabi nito ay “Kung ano ang i-adya sa amin ng Panginoon, tatanggapin namin.”

 

Source: Parents.com

Images: Shutterstock

BASAHIN: The advantages and disadvantages of raising a child without grandparents