#AskDok: Ilang araw puwede maligo pagkatapos manganak?

#AskDok: Ilang araw puwede maligo pagkatapos manganak?

Narito ang sagot ng mga eksperto sa madalas na itinatanong ng mga bagong panganak na babae lalo na ang mga first time moms.

Ilang araw puwede maligo pagkatapos manganak ang buntis? Narito ang mga sagot ng eksperto.

Ilang araw puwede maligo pagkatapos manganak ang buntis?

Isa ito sa madalas na tinatanong ng mga babaeng bagong panganak na nakakakuha ng sari-saring sagot. Paniniwala ng mga matatanda, dapat ay hindi muna agad maligo ang bagong panganak. Kailangan muna ay lumipas ang isa o hanggang dalawang linggo bago gawin ito. Sapagkat, ang paliligo ay maari daw magdulot ng binat at maging dahilan ng pagkabaliw ng babaeng kapapanganak palang. Kakatwa mang isipin pero aminin, isa ito sa mga paniniwala na hanggang ngayon ay maraming sumusunod sa atin. At isa rin sa mga paniniwalaang pinabubulaanan ngayon ng mga doktor.

Ilang araw puwede maligo pagkatapos manganak ang buntis

Image from Freepik

Sagot ng mga doktor at eksperto

Paliwanag ng mga eksperto, ang paliligo pagkatapos manganak ng isang babae ay naka-depende sa magiging payo ng kaniyang doktor. Ngunit madalas kung ang isang babae naman ay nanganak ng normal delivery o sa pamamagitan ng vaginal birth ay puwede siya ang agad na maligo sa oras na handa na siya. Basta’t kailangan lang ang tubig na kaniyang ipaliligo ay warm o maligamgam.

“A person can bathe immediately after giving birth vaginally. Think about all of the water births!”

Ito ang pahayag ni Leigh Anne O’Connor isang international board-certified lactation consultant mula sa New York. Dahil paliwanag niya maliban sa nakakatulong ang mga warm bath sa healing process ng buntis ay nakakarelax rin ito ng kaniyang isip at katawan.

Para sa mga normal delivery, puwedeng agad na maligo basta maligamgam na tubig ang gagamitin

Ilang araw puwede maligo pagkatapos manganak ang buntis

Image from Freepik

Sinuportahan naman ni Dr. Laura Fijolek McKain, isang OB-Gyne mula sa Wilmington, North Carolina ang pahayag na ito.

Ayon sa kaniya, ang paliligo sa maligamgam na tubig pagkatapos makapanganak o warm bath ay therapeutic. Dahil sa tinutulungan nito ang mabilis na paghilom ng episiotomy o sugat sa panganganak ng babaeng buntis. Pati na ang pamamaga ng hemorrhoids kung siya ay nakakaranas nito. Nakakatulong rin ito para maibsan ang tension at pagod ng kaniyang katawan.

“The warm water can soothe the episiotomy repair and ease swollen hemorrhoids. It can also help to ease the tension and fatigue that go along with having a new baby at home.”

Ito ang pahayag ni Dr. McKain. Dagdag pa niya, dapat ay warm bath o shower lang ang gagawin ng buntis at hindi ang pagbababad sa bath tub. Ito ay upang maiwasang ma-infect ang episiotomy o sugat sa pwerta na dulot ng panganganak.

“As for the hot tub, I’d be more cautious. Because the water isn’t drained after every use, the only way it would be safe before six weeks is if the tub is meticulously clean. You don’t want to risk an infection during these critical early weeks while you are still healing. And you don’t want to risk harming anyone else, either. If you’re still bleeding, you could contaminate the tub, making it unsafe for others.”

Ito ang dagdag pang pahayag ni Dr. McKain.

Para sa CS, kailangang maghintay ng 1-3 linggo

Paglilinaw pa niya ang agad na paliligo ay advisable lamang para sa mga babaeng nanganak sa pamamagitan ng vaginal birth o delivery. Dahil para sa mga nangangak sa pamamagitan ng cesarean section delivery, mas mabuting maghintay ng isang linggo o hanggang sa humilom na ang abdominal incision o sugat sa tiyan bago ang paliligo. O maghintay sa go signal ng doktor bago gawin ito. Ito ay upang maiwasang mabasa ang sugat sa kanilang tiyan na maaring pagsimulan ng impeksyon at komplikasyon.

Ganito rin ang naging pahayag ng American Pregnancy Association o APA. Ayon sa APA, mas mabuting hintayin ng isang babaeng nangangak sa pamamagitan ng cesarean section delivery na maghilom muna ang sugat niya sa tiyan bago maligo. O kapag tuluyan ng natapos ang bleeding o kaniyang pagdurugo.

Ayon naman sa health website na New Health Guide, madalas ay aabutin ng isa hanggang tatlong linggo ang healing process ng mga babaeng nanganak sa pamamagitan ng cesarean section delivery. At bawat hakbang na kanilang gagawin ay dapat alam o may pahintulot ng kanilang doktor.

Sa oras naman na pinayagan na ng doktor na maligo ay dapat maging maingat parin sa paggawa nito. Mag-ingat sa paghakbang sa banyo upang hindi madulas. Gumamit lang din ng maligamgam na tubig at mild na uri ng sabon. Huwag ding kukuskin ng kahit ano ang sugat o tahi. Tama lang na madaanan ito ng dumadalay na tubig at sabon. At saka ito punasan ng dahan-dahan ng towel upang matuyo.

Ilang araw puwede maligo pagkatapos manganak ang buntis

Image from Freepik

Iba pang dapat tandaan para sa mas mabilis na paggaling ng babaeng bagong panganak

Maliban sa tamang paraan ng paliligo, ay may iba pang dapat alalahanin ang mga babaeng bagong panganak para sa kanilang kaligtasan at mabilis na paggaling. Ang mga ito ay ang sumusunod:

  • Maghinga hangga’t maari lalo na sa mga oras na tulog si baby upang manumbalik agad ang lakas.
  • Humingi ng tulong sa mga kaanak, kapamilya o kaibigan sa paggawa ng mga gawaing bahay.
  • Iwasang magbuhat ng mabibigat o gumawa ng mga gawaing kakailanganin ng pwersa o lakas.
  • Inumin ang gamot na inireseta ng doktor sa tamang oras.

Kaya ang sagot sa tanong na, ilang araw puwede maligo pagkatapos manganak ang buntis? Ito ay naka-depende sa uri ng delivery na pinagdaanan ng isang babae at sa payo ng kaniyang doktor.

 

Source:

APA, New Health Guide, Baby Center, NorthWestern Medicine, Romper

Basahin:

5 tulong na kailangan ng bagong panganak na misis mula sa kaniyang mister

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner