#AskDok: Ilang araw pwede maligo pagkatapos manganak?

Narito ang sagot ng mga eksperto sa madalas na itinatanong ng mga bagong panganak na babae lalo na ang mga first time moms.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang araw puwede maligo pagkatapos manganak ang buntis? Alamin ang sagot ng mga eksperto.

“Kailan ba ako pwedeng maligo?”

Isa ito sa madalas na tinatanong ng mga babaeng bagong panganak na nakakakuha ng sari-saring sagot.

Paniniwala ng mga matatanda, dapat ay hindi muna agad maligo ang bagong panganak. Kailangan muna ay lumipas ang isa o hanggang dalawang linggo bago gawin ito. Sapagkat, ang paliligo ay maari daw magdulot ng binat at maging dahilan ng pagkabaliw ng babaeng kapapanganak pa lamang.

Nakakatawa mang isipin pero aminin, isa ito sa mga paniniwala na hanggang ngayon ay maraming sinusunod natin. At isa rin sa mga paniniwalaang pinabubulaanan ngayon ng mga doktor.

Ilang araw puwede maligo pagkatapos manganak ang buntis?

Para alamin ang katotohanan sa paniniwalang ito, kumonsulta kami kay Dr. Maureen Laranang, isang OB-Gynecologist mula sa Makati Medical Center.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Ayon kay Dr. Laranang, ang paniniwalang bawal maligo ang babae pagkatapos manganak ay isang pamahiin lamang. Sa katunayan, hinihikayat niya ang mga nanay na maligo at panatiliin ang kalinisin ng kanilang katawan.

“May mga patients pang nagtatanong na kung bawal ba maligo? Actually, sinasabi namin dyan is pamahiin lang po ‘yan ng matatanda. Ina-advise namin is maligo, panatalihing malinis ang katawan.” aniya.

Bakit kailangang maligo ng nanay?

“A person can bathe immediately after giving birth vaginally. Think about all of the water births!”

Ito ang pahayag ni Leigh Anne O’Connor, isang international board-certified lactation consultant mula sa New York. Dahil paliwanag niya, maliban sa nakakatulong ang paliligo sa maligamgam na tubig sa healing process ng isang babae, nakakarelax rin ito ng kaniyang isip at katawan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Sinuportahan naman ni Dr. Laura Fijolek McKain, isang OB-Gyne mula sa Wilmington, North Carolina, ang pahayag na ito.

Ayon sa kaniya, ang paliligo sa maligamgam na tubig pagkatapos makapanganak o warm bath ay therapeutic. Dahil sa tinutulungan nito ang mabilis na paghilom ng episiotomy o sugat sa panganganak ng babae, pati na ang pamamaga ng hemorrhoids kung siya ay nakakaranas nito. Nakakatulong rin ito para maibsan ang tension at pagod ng kaniyang katawan.

“The warm water can soothe the episiotomy repair and ease swollen hemorrhoids. It can also help to ease the tension and fatigue that go along with having a new baby at home.”

Dagdag naman ni Dr. Laranang, importante sa nanay na maligo, at panatiliing malinis ang katawan, lalo na ang kaniyang dede at nipple area.

“At the same time pati yung breast and nipple area kailangan malinis kasi si baby magbebreastfeed doon.  So iyon po ang kailangan natin, personal hygiene.” aniya.

Kailan naghihilom ang sugat mula sa panganganak?

Pero bagamat gustung-gusto nang maligo ng bagong nanay, minsan ay nag-aalinlangan pa siya kapag naaalala niya ang kaniyang sugat. Natatakot kasi siyang basain ito at magkaroon ng infection.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Para linawin ang ganitong agam-agam, itinanong rin namin kay Dr. Laranang kung kailan ba talaga masasabing tuyo na ang sugat ng isang bagong panganak? Narito ang kaniyang sagot tungkol dito:

“Generally, kasi within the first week matapos manganak ay ang period of recovery.  So ito nagrerecover ng physically, emotionally at mentally ang isang bagong panganak. Also in this period kailangan talaga na magkaroon ng sapat na pahinga si Mommy.” aniya.

Dagdag pa ng doktora, para sa mga babaeng nanganak sa pamamagitan ng normal delivery, karamihan sa kanila ay nakakarecover at natutuyo na ang sugat sa loob ng isang linggo. Para naman sa mga nanay na sumailalim sa cesarean delivery o CS, umaabot rin ng isang linggo bago matuyo ang kanilang sugat at 6 na linggo naman para tuluyan itong maghilom.

Mga na-CS, pwede na ba maligo agad?

Subalit, paano naman ang mga nanay na sumailalim sa cesarean section o CS? Pwede na kaya sila maligo kahit hindi pa tuyo ang kanilang sugat?

Mayroong magkakaibang pananaw ang mga eksperto rito.

Ayon sa American Pregnancy Association, mas mabuting hintayin ng isang babaeng na-CS na maghilom muna ang sugat niya sa tiyan bago maligo, o kapag tuluyan nang natapos ang bleeding o kaniyang pagdurugo.

Ayon naman sa health website na New Health Guide, madalas ay aabutin ng isa hanggang tatlong linggo ang healing process ng mga babaeng nanganak sa pamamagitan ng cesarean section delivery. Bawat hakbang din na kanilang gagawin ay dapat alam o may pahintulot ng kanilang doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Freepik

Pero ayon kay Dr. Laranang, ligtas naman para sa mga CS moms na maligo basta na-discharge na sila sa ospital. Dahil aniya, bago pauwiin ang pasyente, nililinis na nila ang kaniyang sugat at nilalagyan ng waterproof na tape para hindi ito mabasa kahit maligo ang nanay.

“Usually before kami mag-discharge ng patient kami ang unang naglilinis ng sugat. Naglalagay kami ng poividone iodine o alcohol sa sugat tapos tinatakpan yan ng waterproof self-adhesive dressing. Importante ito kasi si mommy paguwi niya makakaligo agad ng hindi nababasa ang sugat niya.” paliwanag ni Dr. Laranang. “And then inaadvise namin after 1 week punta ulit sa clinic tapos doon na namin tinatanggal iyong self-adhesive dressing. So kung nakita naming tuyo na iyong sugat, walang nana o kahit anumang discharge hindi na namin ito tinatakpan.” dagdag niya.

Tamang pangangalaga ng sugat ng bagong-panganak

Bukod sa paliligo para mapanatiling malinis ang katawan, narito pa ang dapat tandaan ng mga bagong-panganak na nanay para masigurong malinis at gagaling kaagad ang kanilang sugat.

Normal delivery

May tahi man o wala, mahalaga pa ring linisin ang iyong pwerta para maiwasan ang infection at mapadali ang paghilom nito.

 “So whether na-stitch siya o hindi, importante pa rin ang hygiene sa area na iyon. So kailangan hugasan ang pwerta 2 times a day, morning and night with mild soap and lukewarm water,” ani Dr. Laranang. 

Pwede ring gumamit ng mga feminine wash na may povidone-iodine o chlorhexidine digluconate para mabawasan ang posibilidad ng impeksyon.

Cesarean delivery

Ayon sa doktora, bago lumabas ng ospital, tinuturuan rin ang mga CS moms ng tamang pangangalaga sa kanilang sugat.

“Syempre tinuturuan rin namin si mommy ng wound care sa bahay. Maglalagay parin ng alcohol o povidone iodine para tuloy-tuloy talaga iyong paghilom ng sugat. Importante rin iyong added support ng binder and any other symptoms like pamumula, pamamaga, kung may discharge o nana sa sugat ay kailangan nilang pumunta sa OB para irecheck ulit ito. ” aniya. 

Iwasan rin ang pagkamot sa inyong sugat para hindi ito magkaroon ng impeksyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mapa-normal man o CS, narito ang dapat tandaan ng mga nanay kapag kapapanganak pa lang:

  • Magpahinga hangga’t maari lalo na sa mga oras na tulog si baby upang manumbalik agad ang lakas.
  • Humingi ng tulong sa iyong asawa, mga kamag-anak, o kaibigan sa paggawa ng mga gawaing bahay.
  • Iwasang magbuhat ng mabibigat at pag-ire para hindi bumuka ang iyong tahi.
  • Inumin ang gamot na inireseta ng doktor sa tamang oras.

Huwag ring kalimutang bumalik sa iyong OB-GYN para sa follow-up chekup isang linggo matapos manganak para matingnan niya kung tuyo na ba ang iyong sugat at kung naghihilom ba ito nang maayos.

Tandaan, panatiliing malinis ang iyong katawan para makaiwas sa sakit pagkatapos mong manganak. Kung mayroon kang napapansing kakaiba sa iyong sugat, huwag mahiyang kumonsulta sa iyong doktor.

 

Dito sa theAsianparent Philippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.