Ilang buwan pwede magwalker ang baby: Advantages at disadvantages nito

Ligtas ba ang worker sa mga baby? Alamin ang sagot ng expert dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang buwan pwede magwalker ang baby?

Ang ilang mga tao ay naniniwala na ang mga baby walker ay kapaki-pakinabang para tumulong sa pagtuturo sa sanggol sa paglalakad. Alamin dito kung ilan buwan pwede magwalker ang baby. 

Walker sa baby

Ang baby walker ay isang pabilog na frame sa mga gulong na nagpapaupo sa isang sanggol na hindi pa natutong maglakad.

Ang ilang mga tao ay naniniwala na ang mga baby walker ay kapaki-pakinabang para sa kanilang mga sanggol, upang aliwin sila at tumulong sa pagtuturo sa kanila sa paglalakad.

Subalit, maaaring mapanganib ang mga baby walker at maaari talagang maantala ang pag-unlad ng paglalakad ng iyong sanggol.

Paano natututong maglakad si baby

Karamihan sa mga sanggol ay pumasa sa mga sumusunod na milestone habang natututong maglakad:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Paggulong sa sahig
  • Paggapang
  • Pag-upo
  • Paghila ng sarili upang makatayo

Nangangahulugan ito na ang mga sanggol ay kailangang gumugol ng maraming oras sa sahig para pag-aralan at makasanayan ang mga aktibidad na ito.

Larawan mula sa Shutterstock

Ilang buwan pwede magwalker ang baby?

Bagama’t walang nakatakdang naaangkop na edad kung kailan pwede magwalker ang baby, ang lakas, paglaki at laki ng sanggol ay kailangang isaalang-alang bago gumawa ng desisyon. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang buwan pwede magwalker ang baby? Ang mga walker ay karaniwang idinisenyo para sa mga sanggol sa pagitan ng edad na 4 hanggang 16 na buwan.

Bukod dito, kailangang maiangat ng sanggol ang kanyang ulo nang medyo matatag at mailapat ang kanyang mga paa sa sahig kapag inilagay sa walker, upang magamit ito.

Ilang buwan pwedeng magwalker ang baby: Advantages

  1. Karamihan sa mga baby walker ay nilalagyan ng mga simpleng laruan o atraksyon upang panatilihing abala ang sanggol. Idinisenyo ang mga ito upang pasiglahin ang paglaki ng kaisipan at magbigay din ng visual stimulation. 
  2. Sa tulong ng walker sa baby, maaaring mahikayat ang iyong sanggol na gawin ang kanyang mga unang hakbang. Tinutulungan nito ang sanggol na maunawaan kung paano makakapaglakad kapag nakatayo, at paano ang tamang postura para dito.
  3. Ilang buwan pwede magwalker ang baby? Ang mga batang nasa pagitan ng edad na 8 hanggang 12 buwan ay masigasig sa pagtuklas ng kanilang kapaligiran. Ang isang walker ay maaaring magbigay sa kanila ng kadaliang kumilos na kailangan nila at tulungan silang imaniobra ang kanilang sarili nang walang anumang tulong.

Ligtas ba ang walker sa baby?

Ang isang kamakailang pag-aaral ay nagpapakita na kahit na matapos ang mga bagong pamantayan sa kaligtasan ay inilabas noong 2010, ang mga walker sa baby ay nauugnay pa rin sa libu-libong pinsala sa mga bata bawat taon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang pag-aaral ay nagpapakita na habang ang mga pinsala ay bumaba sa huling 10 taon, ang mga walker sa baby ay responsable pa rin para sa maraming pinsala sa ulo at leeg – kabilang ang mga bali ng bungo.

Maaaring maipit ang kanilang mga daliri, hilahin ang mga bagay sa kanilang sarili, o kumuha ng mga mapanganib na bagay (tulad ng matulis na bagay o mainit na likido) na kung hindi man nakasakay sa walker ay hindi nila maabot.

Bukod dito, ang mga bata ay maaaring mahulog sa mga walker at masaktan. Mayroon ding mga pinsala mula sa mga laruang nakakabit sa isang baby walker.

Ilang buwan pwedeng magwalker ang baby: Disadvantages

  1. Magkakaiba ang milestones ng mga bata. May mga sanggol na gumagamit ng mga walker na maaaring matutong maglakad gamit ang walker sa baby sa loob ng ilang buwan at mayroon namang hindi. 
  2. Dapat sundin ng iyong sanggol ang roll-sit up-crawl-walk na routine kung saan mahalaga para sa kanya na manatili sa sahig. Ang pag-eehersisyo na ito ay nakakatulong sa pagpapalakas ng lahat ng mga kalamnan na kailangan para makatayo o makalakad. Maaaring pigilan ng isang walker ang iyong sanggol na gawin ito at makapinsala sa normal na pag-unlad.
  3. Ang mga bagay na hindi maabot ng gumagapang na sanggol ay maaaring maabot ng isang sanggol sa isang walker, at ito ay maaaring maging sanhi ng pinsala.
  4. Maaaring masugatan ang mga daliri ng iyong sanggol dahil ang disenyo ng walker ay maaaring may natitiklop na bahagi o bisagra.
  5. Ang walker na may mga gulong ay binabawasan ang oras ng iyong atensyon kung ito ay bumilis nang bumibilis at maaaring humantong sa isang aksidente.

Nakakatulong ba ang walker sa baby?

Ang mga baby walker ay hindi nakakatulong sa isang sanggol na matutunan ang paglalakad. Sa katunayan, ang mga walker ay maaaring makahadlang o maantala ang iyong sanggol sa pagkamit ng mga mahahalagang milestone na ito.

Ang mas maraming oras na ginugugol ng mga sanggol sa isang walker ay mas maraming pagkaantala ang kanilang nararanasan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dahil sa walker, nahahadlangan ang oras ng iyong sanggol upang magawa ang mahahalagang, paulit-ulit na paggalaw na kailangan para maabot nila ang kanilang mga milestone sa paglalakad.

Ang mga sanggol ay madalas na gumamit ng kanilang mga daliri sa paa kapag sila ay nasa walker o jumper, na nagpapahigpit ng muscles at Achilles tendons.

Ito ay nakakasagabal sa normal na pagkatuto nila sa paglalakad. Dahil nakasanayan na nila ang walker sa baby at kung paano nila gamitin ang paa dito, madalas nilang gustong gamitin ang kanilang mga daliri sa paa, na hindi ang karaniwang paraan upang makapaglakad ang isang bata.

Kapag ang mga sanggol ay nakaupo at hinila ang kanilang sarili, natututo sila kung paano magbalanse. Ang isang sanggol ay hindi nagiging balanse sa isang walker. Kaya naman naaaantala ang pag-aaral ng paglalakad dahil sa walker sa baby.

Ang pagiging nasa isang walker ay nangangahulugan din ng mas kaunting oras sa mga kamay at tuhod sa isang pag-crawl o pre-crawling na posisyon. Ito ay mahalaga sa pagbuo ng weight bearing sa pamamagitan ng parehong pelvis at balikat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang iba’t ibang mahahalagang galaw ay kailangan upang makasanayan ng isang sanggol ang paglalakad. Ngunit, sila’y nakakakuha ng mas kaunting mga pagkakataon upang isagawa ang mga ito kung sila ay nasa isang walker.

Ilang buwan pwede magwalker ang baby: Ano ang alternatibo dito?

Sinabi ni Dr. Giuliano mula sa Cleveland Clinic na mayroong mga nakatigil na kagamitan sa paglalaro na mas ligtas na alternatibo. Lalo na kung nais mo lang namang makagawa ng gawaing bahay habang naglalaro si baby. Ang isang simpleng solusyon ay ang ligtas na ilagay ang iyong sanggol sa kaniyang high chair.

Kasama sa iba pang mga opsyon ang paggamit ng playpen. Mayroon ding pagharang sa isang bahagi ng silid gamit ang mga baby gate.

Gayunpaman, kahit na ginagamit ang mga inirerekomendang pamamaraan na ito, pinapayuhan ni Dr. Giuliano ang mga magulang na tiyaking nakikita ang kanilang anak sa lahat ng oras.

Pagdating naman sa paggamit ng anumang device para sa sanggol. Pinakamahusay na tiyaking tama ang device para sa laki ng bata. Mayroong mga prescribed ages ng bata para sa bawat laruan.

Mga dapat isaalang-alang kung gagamit ng walker sa baby

Hindi inirerekomenda ang paggamit ng walker sa baby dahil na rin sa mga risks na dala nito. Ngunit, kung ikaw man ay nakapagdesisyon na gumamit pa rin ng walker, maaaring tugunan mo ang ilang isyu sa kaligtasan ng baby walker bago aktibong gamitin ng iyong anak:

  • Tiyakin na ang baby walker ay ginagamit sa patag at pantay na floor lamang.
  • Ilayo ang sanggol at walker sa mga hagdanan at tubig tulad ng pool.
  • Dapat ay mayroong responsableng nasa hustong gulang na nasa paligid habang ginagamit ng sanggol ang walker.
  • Alisin ang matutulis na bagay o ibabaw mula sa paligid. Ang mga mabibigat o nababasag na bagay ay dapat ilipat sa ibang lugar.
  • Alisin ang lahat ng mapanganib na bagay sa lugar. Kabilang dito ang mga kable ng kuryente, maiinit na inumin, mga kemikal na panlinis, o apoy.
  • Tiyaking may lock at mekanismo ng pagpepreno ang walker.
  • Huwag ipagamit ang walker sa baby bago pa man ito matutong maupo o maglakad.
  • Limitahan ang oras ng iyong sanggol sa walker nang hindi hihigit sa 15 minuto.

 

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Margaux Dolores