X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Paano kapag nag-skip ni baby sa paggapang? Ito ang sagot ng mga eksperto

4 min read

Nakaka-excite sa tuwing maririnig ang mga babies na sabihin ang kanilang unang salita. Ganito rin kung sila ay makikitaang natututo nang gumapang.

Ibig sabihin kasi nito nagsisimula nang mag-develop ang kanilang mga buto sa katawan. Dito rin kasi magsisimula ang proseso ng kanilang paglalakad. Bakit nga ba mahalaga ang paggapang ng mga babies? Ano ang sinasabi ng study ukol dito?

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Bakit mahalaga ang paggapang ni baby?
  • Bilang magulang, anong pwede mong gawin para matulungan si baby sa paggapang?

Bakit mahalaga ang paggapang para sa mga babies?

Kadalasang nagsisimula ang crawling o paggapang ng mga bata sa edad na 8.3 buwan. Ayon din sa mga pag-aaral 85 hanggang 96 na porsyento ng mga bata ang gumagapang gamit ang kanilang mga kamay at tuhod.

Ayon sa mga researcher, importante ang paggapang sa mga bata para malaman nila ang risk perception. Ang risk perception na ito ay makatutulong sa kanila para matukoy ang tama o mali sa mga sitwasyon.

May kaugnayan din ang paggapang para mapaunlad ng mga babies ang kanilang spatial skills, maging felxible ang memory abilities at iba pang brain functions.

paggapang ni baby

Paggapang ni baby. | Larawan mula sa Shutterstock

Dahil diyan hindi maiiwasang maitanong ng mga mommies:

“Paano kung mag-skip ng crawling ang aking baby?”

Marami pa rin namang mga babies ang nag-iiskip ng crawling. Sa estimate nasa 4 hanggang 15% ng babies ang hindi gumagapang gamit ang kanilang kamay at tuhod.

Mayroong nakararanas ng “army crawl” na gamit ang kanilang tiyan, ang iba ay gumugulong at mayroon ding dumidiretso na sa paglalakad. Mas maaga raw na natututo ang mga batang nag-iiskip sa proseso ng paggapang.

Sinabi rin ng mga ilang eksperto na ang “back to sleep movement” ay maaaring may kinalaman kaya delayed ang kanilang paggapang.

Mayroon kasing mga pag-aaral na ang batang natutulog nang nakadapa ay mas nauunang gumapang kaysa sa normal na nakahiga.

Ganunpaman, ang mga batang nakatihaya kung matulog ay nakaka-catch up sa kanilang motor development pagtuntong ng 18 na buwan. Ibig sabihin mas marami pa rin ang benefits ng pahiga kung matulong kumpara sa nakadapa.

Bilang magulang, anong pwede mong gawin para matulungan si baby sa paggapang?

Hindi naman dapat sobrang ibahala ng mga parents ang delayed na paggapang ng kanilang mga babies. Sa kabilang banda mahalaga lang na ito ay isaalang-alang pa rin dahil ito ang first type ng independent locomotion.

Marami ring benefits ang maaaring madala nito kay baby kung kanyang matutunan sa maagang panahon. Para sa mga nagwo-worry, ito ang ilang mga tips para matulungan ang inyong mga anak sa paggapang:

paggapang ni baby

Paggapang ni baby. | Larawan mula sa Shutterstock

BASAHIN:

9 exercises to help your baby develop good head control

How to boost baby immunity at 2 months

Caring for newborn baby: How long should your baby sleep?

 1. Tummy Time.

Para masanay ang baby sa paggapang magandang magkaroon ng “tummy time” sa tuwing inaaliw siya. Ayon sa mga pag-aaral ang mga sanggol na parating ipininupwesto sa kanilang tummies ay mas maagang natutunan ang paggapang.

Kadalasang ayaw ng mga infants ang tummy time, kaya need ng extra effort to make it fun gaya ng paggamit ng iba’t ibang laro para maaliw sila dito.

2. Damitan sila ng kumportableng damit 

Napag-alaman ng mga researcher ng ang mga baby ang mas maagang natututong gumapang sa panahong ng 6 na buwan sa summer time.

Ipinapayo ng pag-aaral na ito na may impact talaga sa pagde-develop ng paggapang ni baby ang kanilang mga sinusuot. Mas magandang iwasang ipasuot sa kanila ang mga masisikip na damit kung saan hindi sila komportable at nahihirapan silang gumalaw.

paggapang ni baby

Larawan mula sa Shutterstock

3. Hayaan silang gumalaw

Iwasan ang mahabang oras ng mga baby sa mga exersaucers, car seats, strollers at iba pang mga devices na ganito. Nalilimitahan kasi nito ang opportunitites ng bata na ma-develop ang ang kanyang independent movement.

Nakita rin sa pag-aaral na ang mga baby walkers at may factor kung bakit nade-delay ang paggapang nila. Mas mainam na hayaan silang kumilos nang walang devices kundi ang gabay ninyo as a parents.

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

4. Patulugin ulit sila 

Palaging ilagay ang baby sa pahigang posisyon kung natutulog. Mas marami pa ring benefits na nakukuha ang bata sa pagtulog nito sa normal na pahiga kaysa sa nakadapa. Makatutulong pa ito sa iba pang motor milestones.

5. Magtanong sa mga eksperto

Kung napapansin na si baby ay walang senyales na gagapang siya sa edad na 12 na buwan dapat ay kumonsulta na sa mga eksperto.

Hindi na kasi normal kung ang bata ang may development delay na tulad ng pagkahuli sa panahon ng paggapang. Mas mabuting makuha ang opinyon ng mga eksperto o mga pediatrician na mga specialists pagdating sa kalagayan ng mga babies.

 

PsychologyToday

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Tungkol sa Anak
  • /
  • Paano kapag nag-skip ni baby sa paggapang? Ito ang sagot ng mga eksperto
Share:
  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • #AskDok: Anong oras dapat paliguan si baby?

    #AskDok: Anong oras dapat paliguan si baby?

  • STUDY: Pagiging adventurous ng inyong anak, pang-iwas sa anxiety at depression

    STUDY: Pagiging adventurous ng inyong anak, pang-iwas sa anxiety at depression

  • Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

    Kinukulit ng anak ang inyong aso? 6 ways para mapanatiling ligtas si baby sa inyong mga pet dogs

  • #AskDok: Anong oras dapat paliguan si baby?

    #AskDok: Anong oras dapat paliguan si baby?

  • STUDY: Pagiging adventurous ng inyong anak, pang-iwas sa anxiety at depression

    STUDY: Pagiging adventurous ng inyong anak, pang-iwas sa anxiety at depression

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.