Ang pagdesisyon sa kung gaano kahaba ang kailangan na tulog ng sanggol ay nag-iiba sa bawat magulang. Walang nakatakdang pamantayan ang nagsasabi kung ilang oras dapat matulog ang sanggol.
Ngunit, makakasiguradong matutulog ang iyong baby nang mas matagal ngayong bagong panganak siya kumapara sa iba pang panahon.
Ang pagtulog ay kung paano sila lumaki at makakuha ng lakas para sa kanilang maliliit na katawan. Ngayon, aalamin natin kung ilang oras dapat matulog ang sanggol.
Talaan ng Nilalaman
Sleep chart ng sanggol: Ilang oras dapat matulog ang sanggol?
Kahit pa walang siguradong dami ng oras para sa kumpletong pagtulog ng baby, mayroon pa ring sleep chart o sleep pattern para sa sanggol na nagiging gabay sa karaniwang pamantayan sa pattern ng pagtulog ng baby.
Tandaan na ang mga ito ay gabay lamang sa pagtulog at hindi kailangang bumase ng todo dito. Maraming sanggol ang maaaring matulog nang mas mahaba o mas kaunti at normal lamang ito para sa kanila. Iba-iba ang pattern ng mga sanggol.
- Ang mga bagong panganak ay matutulog nang nasa 15 oras kada-araw. Ito ang pinagsamang pagtulog sa gabi at mga pag-idlip.
- Ang mga 3 buwang gulang na sanggol ay magsisimula nang matulog nang mas matagal sa gabi at mas-maikling mga pag-idlip ngunit aabot parin nang 15 oras kada-araw.
- Pagdating ng 6 na buwang gulang, sila ay matutulog nang nasa 11 oras sa gabi nang may 2 beses ng pag-idlip kada-araw.
- Ang isang 9 na buwang gulang ay matutulog nang 11-12 oras kada-gabi at iidlip nang 2-3 oras 2 beses kada-araw.
Ito ay mga pangunahing gabay lamang at nag iiba sa bawat sanggol. Ngunit magbibigay sila ng ideya kung nakakuha na siya ng sapat na pahinga.
Habang lumalaki sila
Pagdating nila ng 12 buwang gulang, ang iyong baby ay matutulog nang nasa 11 oras sa gabi at madalas ay iidlip nalang nang isang beses kada-araw. Matagal ang kanilang pagtulog pero hindi ito dapat pagmulan ng worry.
Ito ang panahon na nanaisin mong mas matutulog pa siya. Pagdating nila sa toddler stage maaaring makakita ng pagbabago sa oras ng pag-idlip. Samakatuwid, hindi nila gustong umidlip.
Kung mapapa-upo sila nang tahimik kahit ilang minuto lang, maaaring ikagulat na makita nalang siyang makatulog mag-isa.
Normal ba sa baby na lagi tulog?
May ilang mga pagpapahiwatig na magpapa-alam sa iyo kung hindi nakakakuha ng sapat na pahinga ang iyong baby.
Normal ba sa baby na lagi tulog? Kung mapapansin mo ang madalas na paghikab o sobrang pagsusungit ni baby, malamang ay hindi siya nakakakuha ng sapat na tulog sa kanyang mga pag-idlip o sa gabi.
Sa ganitong sitwasyon, ipapa-alam niya sa iyo kung makakuha na ng tamang tulog o kung kailangan pa magpahinga. Huwag mag-alala kung tila sumosobra siya sa tulog.
Normal ito at hindi kailangang kabahan kung sumobra man. Kailangan ni baby ng sapat na tulog para sakanyang kalusugan.
Ang pagkakaroon ng sapat na tulog ni baby ay makakatulong sa kaniya upang mabilis na lumaki at maging good mood sa bawat oras.
Hindi mahirap na makuha ang eksaktong dami ng tulog na kailangan ng iyong anak. Minsan ay tila napakahirap nito pagkauwi sa kanya, ngunit kailangan lamang nang pasensya at kaalaman na ang mga bagay ay mas bubuti at dadali.
Para sa mas maraming impormasyon sa kung gaano karaming pahinga ang kailangan ng iyong baby, panoorin ang video na ito:
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.