Mahalaga na palakasin ang immune system ng baby upang makaiwas siya sa mga sakit. Ngunit sino ang mag-aakala na pati ang paraan ng paglinis ng pacifier ay may epekto dito?
Ayon sa mga researcher, sa halip na hugasan daw ng sabon ang pacifier ni baby, ay mas mabuting isubo ito ng mga magulang upang linisin!
Ano kaya ang epekto nito sa kalusugan ni baby, at totoo nga kaya na epektibo ito?
Immune system ng baby, paano papalakasin?
Napag-alaman ng mga researcher mula sa Henry Ford Health System na nakakapagpalakas ng immune system ang pagsubo ng pacifier upang ito ay linisin. Mas mabuti raw ito para sa immune system ng baby dahil naeexpose ang mga bata sa iba’t-ibang bacteria.
Ito ay dahil napupunta sa pacifier ang bacteria at microorganisms na galing sa bibig ng mga magulang. Kapag sinubo na ito ng kanilang mga anak, nalilipat ang mabuting uri ng microorganisms sa mga sanggol. Masasanay din ang katawan ng bata na labanan ang iba’t-ibang uri ng impeksyon sa ganitong paraan.
Sinabi ng mga researcher na karamihan daw ng mga magulang ay hinuhugasan ang pacifier gamit ang tubig, o kaya ay sinasabon pa ito. Kakaunti lang daw ang sinusubo ang pacifier upang ito ay linisin.
Sa ganitong paraan ng paglilinis ng pacifier, posible rin daw mabawasan ang posibilidad na magkaroon ng allergy ang bata. Ito ay base sa tinatawag na “hygiene hypothesis” kung saan mas mainam daw na i-expose ang mga bata sa microorganisms upang makaiwas sa mga sakit.
Nakakatulong raw sa mga bata ang paglalaro sa labas, at ang madumihan paminsan-minsan upang masanay ang immune system. Kapag masyado raw malinis ay namamatay pati ang good bacteria, at hindi natututunan ng katawan na labanan ang mga sakit.
Mga paraan upang palakasin ang immune system ng baby
Kung wala kang plano na isubo ang pacifier ni baby upang palakasin ang immune system niya, marami namang ibang paraan para gawin ito. Heto ang ilan sa mga tips upang making mas malakas ang immune system ni baby!
- Bigyan siya ng vitamin supplements upang madagdagan ang nutrisyon na kaniyang nakukuha.
- Pakainin siya ng gulay at healthy na pagkain. Umiwas sa pagkain na maraming preservatives.
- Hayaang maglaro sa labas ang iyong anak. Mabuti sa mga bata ang nakakapaglaro sa labas basta hindi masyadong mainit at sariwa ang hangin.
- Painumin ang iyong anak ng maraming tubig.
- Turuan siyang maghugas palagi ng kamay.
- Siguraduhing kumpleto palagi sa tulog ang iyong anak.
- Mag breastfeed ng iyong anak ng 6 na buwan, o higit pa.
Sa pamamagitan ng mga tips na ito, masisigurado mo ang kalusugan ng iyong anak!
Source: Daily Mail
Basahin: Here’s what you must know if your kids use a pacifier!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!