Impeksyon sa daliri imbis na magagandang kuko ang nakuha ng isang babae matapos magpa-manicure sa isang salon sa Tuggerah, Australia.
Daliri ng babae nangitim at muntik ng putulin dahil sa lala ng impeksyon.
Babaeng nagkaroon ng impeksyon sa daliri
Matapos magpanicure ay napansin nalang ng isang babae na sumasakit at namamaga na ang dulo ng daliri niya. Kinabukasan ay pumunta na agad siya sa medical clinic na kung saan niresetahan siya ng antibiotics at referral para patingnan ang daliri sa isang fracture clinic.
Pero matapos inumin ang niresetang antibiotic ay hindi parin nawala ang pamamaga sa kaniyang daliri.
Kaya naman pumunta na siya ng ospital at doon sinabi sa kaniya ng doktor na siya ay may malalang impeksyon sa daliri. At kailangan niya ng dumaan sa surgery dahil kung hindi ay maaring putulin na ito ng tuluyan dahil sa lala ng impeksyon.
Sa puntong iyon ay nangitim na ang naimpeksyon niyang daliri. At sa araw bago siya sumalang sa surgery ay nagsimulang maglabasan ang nana mula dito.
Mabuti nalang at naging matagumpay ang ginawang surgery sa daliri ng naturang babae at ligtas na siya mula sa impeksyon.
Paalala sa pagpapalinis ng kuko
Hinala niya, nakuha niya ang impeksyon sa daliri mula sa mga tools na ginamit sa pag-manicure sa kaniya na hindi nalinis o na-isterelize.
Kaya naman may paalala ang babae sa ibang mga kababaihan kapag nagpapamanicure. Ito ay ang pagsisiguro na malinis ang mga tools na ginagamit sa paglilinis sa kanilang kuko para makaiwas sa impeksyon na tulad ng naranasan niya.
“The whole purpose of this post is to warn others what can happen after getting their nails done at nail salons.”
“Looking back I don’t recall their hygiene practices being overly great. The tools are taken with each nail technician from client to client, with no evidence of sterilisation in between clients.”
“I hadn’t really worried about it thinking nothing bad would ever happen….until now!!!”
Ito ang nasabi ng babaeng nagka-impeksyon sa daliri, sa kaniyang Facebook post.
Maliban sa naturang babae, ay may isa pang babae rin sa Swindon, England na nakaranas ng impeksyon dahil sa pagpapalinis ng kuko.
Sa Texas ay nakaranas naman ang isang lalaki ng isang life-threatening bacterial infection matapos magpa-pedicure. Ito ay kaniyang nakuha mula sa nail instrument puncture na muntik ng maging dahilan ng pagkaputol ng kaniyang paa.
Pahayag ng mga eksperto
Ayon sa CDC o Center for Disease Control, may isang pag-aaral ang nakatuklas na 97% ng mga nail salon ay may taglay ng bacteria na kung tawagin ay M. fortuitum. Isa itong bug na nagdudulot ng boils o pigsa sa balat.
Ang fungal infection ay isa pang sakit sa balat na maaring makuha sa mga salon. Ito ay ayon naman kay Dr. Rebecca Pruthi, isang board certified podiatric physician at surgeon sa New York City.
“Fungal infections may infect the skin, like with athlete’s foot, or the nails, which can be extremely difficult to get rid of”, sabi ni Dr. Pruthi.
“You can also contract viruses from nail salons—the result of which may be plantar warts, caused by HPV. Plantar warts are not only unsightly, but they can become very painful and can spread to other parts of the body”, dagdag pa niya.
Ayon naman kay Dr. Aaron E. Glatt, isang infectious disease specialist, maliban sa skin infections ay mataas din ang tiyansa na makakuha ng blood-borne diseases mula sa pagpapamanicure.
“Cutting into skin could cause secretions such as blood to get on nail instruments, and if another customer is exposed to that blood—if they get a cut in their skin, for example, and contaminated blood enters that cut—this is a potential route of transmission for diseases, theoretically including hepatitis or HIV.” Ito ang paliwanag ni Dr. Glatt.
Kaya naman para makaiwas sa impeksyon sa daliri at sa mga sakit ay narito ang ilang safety tips para masigurong ligtas at malinis ang salon na pinaglilinasan mo ng kuko.
7 Safety tips para masigurong malinis ang salon na pinaglilinisan mo ng kuko
1. Magsagawa ng visual cleanliness check.
Tingnan at ikutin muna ang loob ng salon kung ito ay malinis lalo na ang ladies room. Dahil ang pagkakaroon ng malinis na salon ay sumasalamin sa mga staff na nagprapraktis ng good hygiene. Tingnan din ang mga magazine na nakadisplay kung ito ba ay ang mga latest na kopya. Dahil ang mga old magazines ay isa mga paboritong pamahayan ng mga germs na makukuha niyo kapag ito ay inyong binuklat o binasa.
2. Tingnan o pagmasdan ang mga salon technicians.
I-check ang mga suot nilang uniforms, kung malinis ang mga ito at walang mantsa. Tingnan din ang kanilang storage tray at ang mga tools na nasa loob nito kung malilinis o hindi. Pagmasdan din kung paano kumilos ang mga technicians. Kung sila ay alert ay malaki ang posibilidad na mas makakaconcentrate sila sa kanilang pagtratrabaho at hindi makakasugat ng daliri.
3. Tingnan kung may mga safety signs sa loob ng salon.
Ang pagkakaroon ng safety signs sa loob ng salon ay isang magandang paraan para maipaalala sa mga staff na maging maingat sa pagseserbisyo sa kanilang mga customers.
4. Maging mapanuri sa klase ng footbaths na ginagamit sa salon.
Ayon kay Dr, Pruthi, mas mabuting gamitin ang pipe-free whirlpool footbath machines. Ito ay ang mga footbaths na parang may fan o propeller na nakakabit kumpara sa mga whirpool pipes. Dahil ang jets ng whirpool pipes ay pinamamahayan umano ng mga microorganism na maaring makasama sa ating kalusugan.
Dapat din daw tingnan o tanungin ang mga staff ng salon kung pinapalitan nila ang liner ng footbath na kanilang ginagamit sa kada customer. Ito ay para masigurong bago at malinis ito.
5. Siguraduhing ang mga disposable tools ay hindi na gagamitin ulit sayo.
Huwag mahiyang mag-request sa mga salon ng disposable tools para gamitin sayo. O kaya naman bago magpalinis ay tanungin sila kung disposable ba ang tools na gamit nila. Kung oo ay tanungin kung nagamit na ito sa iba. Dahil kung oo dapat ito ay itapon na nila, Kung hindi naman disposable, alamin mula sa kanila kung nalinisan o na-sterelize ba ito bago gamitin sayo.
6. Magtanong kung meron silang autoclave.
Hindi naman ito kalabisan sa parte mo bilang customer. Ito ay isang paraan lang para makasigurado. Ang autoclave ay isang sterilization device na nakakapatay ng kahit anong bugs at bacteria. At mas effective sa mga disinfecting solution sa pagsisiguro na malinis ang mga salon tools.
7. Magdala ng sarili mong cleaning tools.
Ayon naman kay Dr. Glatt, para mas makasigurado ay magdala nalang ng sarili mong tools. Ngunit dapat mo lang din siguraduhing malinis ito bago gamitin.
“Clean your own instruments at home beforehand, too. You can wipe down something like a pair of scissors with alcohol, or wash them with soap and water,” payo ni Dr. Glatt.
Dagdag pa ng mga eksperto, huwag mag-sheshave ng legs 24 hours bago magpunta sa mga salon. Dahil kahit sabihin mong wala kang malaking sugat, ang maliliit na microscopic cuts ay maari paring pasukin ng mikrobyo.
Source: Self, Metro UK
Photo: Freepik
Basahin: 22-year-old woman may have contracted HIV during a manicure
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!