X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Bababa ang IQ ni baby kapag kulang sa essential nutrient na ito, ayon sa experts

4 min read

Alam mo bang kabilang ang nutrient na iron upang ma-develop nang maayos ang brain ng inyong anak? Alamin ang importance ng iron sa bata sa artikulong ito.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • STUDY: Importante ang iron upang ma-develop ang brain ng bata
  • 3 ways to give your little ones enough iron for their development

STUDY: Importante ang iron upang ma-develop ang brain ng bata

importance ng iron sa bata "Iron is a mineral that the body needs for growth and development." | Larawan mula sa Pexels

Doble ang effort sa pagbabantay sa mga anak sa first years nito sa mundo. Makikita mo ang parents na talaga namang naghahanap ng healthy foods na ipapakain sa bata upang maging malakas.

Iniiwas sa kahit ano mang lugar na maaaring pagmulan ng sakit. Iniingatan na hindi madisgrasya. Sa mga panahon kasing ito kailangan ng bata ng maraming bagay upang tuluyang umunlad ang iba't ibang areas of development niya.

Sa katawan ng iyong anak, brain ang isa sa mga pinakamabilis na mag-develop kaya naman tulad ng ibang parte kinakailangan nito ng tamang nutrisyon. Isa sa nakita ng expert na makatutulong ay ang iron. Para sa National Institute of Health, ang iron daw ay isang klase ng mineral na importante sa katawan,

"Iron is a mineral that the body needs for growth and development. Your body uses iron to make hemoglobin, a protein in red blood cells that carries oxygen from the lungs to all parts of the body, and myoglobin, a protein that provides oxygen to muscles. Your body also needs iron to make some hormones."

Mayroon daw kasing kakayahan ang iron na magdala ng oxygen sa brain cells ng bata. Ibig sabihin kinakailangan ito lalo sa simulang panahon pa lang ng development niya upang masuportahan pa lalo ang pag-unlad nito.

Sa ilang mga pag-aaral, nakita rin nila kung ano ang maaaring masamang epekto ng kakulangan ng iron. Maaaari raw itong mag-lead sa kaliwa't kanang cognitive, social, at emotional problems. Ang ilan sa nakitang problema ay ang mga sumusunod:

  • Pagtaas ng sintomas ng kundisyon na Attention deficit hyperactivity disorder (ADHD)
  • Pagkakaroon ng mga sintomas ng depression at anxiety
  • Mababang IQ at cognitive functioning
  • Pagkaranas ng parating pagod ang katawan
  • Pagkawala ng energy

importance ng iron sa bata Ano-ano nga ba ang importance ng iron sa bata? Ito ang sabi ng experts. | Larawan mula sa Pexels

Dahil sa mga problemang ito ay maaaring magbunga ng negatibong epekto sa bata. Halimbawa na lang kung wala siyang energy at parating pagod ay mahihirapan siyang magkipagkaibigan. Dito mauuwi sa pagkakaroon ng social problems.

Sa suggestion din ng National Institute of Health, narito rin ang listahan kung gaano karaming iron nga ba ang kailangan ng katawan sa bawat edad ng bata:

Stage

Age

Iron amount needed

Birth zero hanggang anim na buwan 0.27 mg
Infants pito hanggang labindalawang buwan 11 mg
Children isa hanggang tatlong taon 7 mg
Children apat hanggang walong taon 10 mg
Children siyam hanggang labintatlong taon 8 mg
Teenager (Boys) labing-apat hanggang labing-walaong taon 11 mg
Teenager (Girls) labing-apat hanggang labing-walong taon 15 mg

3 Ways to give your little ones enough iron for their development

importance ng iron sa bata Mga paraan paano masisigurong nakakakuha ng sapat na iron ang iyong anak | Larawan mula sa Pexels

Narito naman ang ilang ways upang mabigyan ang inyong mga anak ng enough na iron para sa kanilang areas of development:

Listen to your pedia.

Una sa lahat, experts ang nakakaalam kung ano ang tamang dami ng iron sa katawan ng bata. Sila ang pangunahing takbuhan dapat lalo sa mga advice na may kinalaman sa health ni baby.

Kung nakikitaan  mo na ang anak ng sintomas ng kawalan ng iron sa kanyang katawan, mainam na bumisita na muli sa inyong pediatrician upang siya mismo ang magbibigay ng instruction kung ano ang dapat gawin.

Limit whole milk.

May mga magulang na sinusubukang mag-transition mula sa breastfeeding into whole milk sa kanilang mga anak. Kung ganito rin ang iyong balak, siguraduhing limitahan lamang ang pag-inom nila ng ganitong gatas. Ang 16 hanggang 24 na ounces araw-araw ay sapat na upang makakain naman sila ng ibang foods na mayaman din sa iron.

Always monitor your child.

Although healthy ang breastfeeeding sa bata, ayon sa experts ay may mababang bilang daw ito ng iron. Nakukuha raw ang iron ng bata sa panahon ng pagbubuntis ng ina. Ang iron na ito ay maaaring tumagal ng apat hanggang anim na buwan, sapat na panahon kung kailan maaari nang kumain pa ng ibang pagkain si baby.

Once na nakakakain na si baby ng ibang foods bukod sa gatas, siguraduhing mayaman ito sa iron. Ilan sa maaaring subukan ay ang mga leafy vegetables at iron-fortified cereals.

Psychology Today, National Institute of Health

Partner Stories
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
Delightful Baon Pairings Your Kids Will Love
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
From “Kulang” to “Lamang”: How Lactum 3+ Helps Provide Upgraded All-Around Development For Your Child
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
This SPAMtastic™ Christmas Gift Idea Will Surely Be a Hit
Give Yourself the Care You Deserve!
Give Yourself the Care You Deserve!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagkain at nutrisyon
  • /
  • Bababa ang IQ ni baby kapag kulang sa essential nutrient na ito, ayon sa experts
Share:
  • Tonsilitis: Sanhi, sintomas, at gamot sa tonsil na namamaga

    Tonsilitis: Sanhi, sintomas, at gamot sa tonsil na namamaga

  • Tigdas hangin: Ano at paano maiiwasan ang sakit na ito?

    Tigdas hangin: Ano at paano maiiwasan ang sakit na ito?

  • 8 na unang sintomas ng Dengue na dapat bantayan

    8 na unang sintomas ng Dengue na dapat bantayan

  • Tonsilitis: Sanhi, sintomas, at gamot sa tonsil na namamaga

    Tonsilitis: Sanhi, sintomas, at gamot sa tonsil na namamaga

  • Tigdas hangin: Ano at paano maiiwasan ang sakit na ito?

    Tigdas hangin: Ano at paano maiiwasan ang sakit na ito?

  • 8 na unang sintomas ng Dengue na dapat bantayan

    8 na unang sintomas ng Dengue na dapat bantayan

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.