Alam mo bang isa ang iron sa mahahalagang nutrient na kailangan ng bata upang ma-develop nang maayos ang kaniyang brain? Alamin ang importance ng iron sa bata sa artikulong ito.
STUDY: Importante ang iron upang ma-develop ang brain ng bata
Doble ang effort sa pagbabantay sa mga anak sa first years nito sa mundo. Makikita mo ang parents na talaga namang naghahanap ng healthy foods na ipapakain sa bata upang maging malakas.
Iniiwas sa kahit ano mang lugar na maaaring pagmulan ng sakit. Iniingatan na hindi madisgrasya. Sa mga panahon kasing ito kailangan ng bata ng maraming bagay upang tuluyang umunlad ang iba’t ibang areas of development niya.
Sa katawan ng iyong anak, brain ang isa sa mga pinakamabilis na mag-develop kaya naman tulad ng ibang parte kinakailangan nito ng tamang nutrisyon. Isa sa nakita ng expert na makatutulong ay ang iron. Para sa National Institute of Health, ang iron daw ay isang klase ng mineral na importante sa katawan. Ano ba ang importance ng iron sa bata?
“Iron is a mineral that the body needs for growth and development. Your body uses iron to make hemoglobin, a protein in red blood cells that carries oxygen from the lungs to all parts of the body, and myoglobin, a protein that provides oxygen to muscles. Your body also needs iron to make some hormones.”
Mayroon daw kasing kakayahan ang iron na magdala ng oxygen sa brain cells ng bata. Ibig sabihin kinakailangan ito lalo sa simulang panahon pa lang ng development niya upang masuportahan pa lalo ang pag-unlad nito.
Sa ilang mga pag-aaral, nakita rin nila kung ano ang maaaring masamang epekto ng kakulangan ng iron. Maaaari raw itong mag-lead sa kaliwa’t kanang cognitive, social, at emotional problems. Ang ilan sa nakitang problema ay ang mga sumusunod:
- Pagtaas ng sintomas ng kundisyon na Attention deficit hyperactivity disorder (ADHD)
- Pagkakaroon ng mga sintomas ng depression at anxiety
- Mababang IQ at cognitive functioning
- Pagkaranas ng parating pagod ang katawan
- Pagkawala ng energy
- Iron deficiency anemia
Dahil sa mga problemang ito ay maaaring magbunga ng negatibong epekto sa bata. Halimbawa na lang kung wala siyang energy at parating pagod ay mahihirapan siyang magkipagkaibigan. Dito mauuwi sa pagkakaroon ng social problems.
Sa suggestion din ng National Institute of Health, narito rin ang listahan kung gaano karaming iron nga ba ang kailangan ng katawan sa bawat edad ng bata:
Stage |
Age |
Iron amount needed |
Birth | zero hanggang anim na buwan | 0.27 mg |
Infants | pito hanggang labindalawang buwan | 11 mg |
Children | isa hanggang tatlong taon | 7 mg |
Children | apat hanggang walong taon | 10 mg |
Children | siyam hanggang labintatlong taon | 8 mg |
Teenager (Boys) | labing-apat hanggang labing-walaong taon | 11 mg |
Teenager (Girls) | labing-apat hanggang labing-walong taon | 15 mg |
3 paraan para mabigyan ang anak ng sapat na dami ng iron
Narito naman ang ilang ways upang mabigyan ang inyong mga anak ng enough na iron para sa kanilang areas of development:
Makinig sa inyong pediatrician
Una sa lahat, experts ang nakakaalam kung ano ang tamang dami ng iron sa katawan ng bata. Sila ang pangunahing takbuhan dapat lalo sa mga advice na may kinalaman sa health ni baby. Kung nakikitaan mo na ang anak ng sintomas ng kakulangan ng iron sa kanyang katawan, mainam na bumisita na muli sa inyong pediatrician upang siya mismo ang magbibigay ng instruction kung ano ang dapat gawin.
Limitahan ang whole milk
May mga magulang na sinusubukang mag-transition mula sa breastfeeding into whole milk sa kanilang mga anak. Kung ganito rin ang iyong balak, siguraduhing limitahan lamang ang pag-inom nila ng ganitong gatas. Ang 16 hanggang 24 na ounces araw-araw ay sapat na upang makakain naman sila ng ibang foods na mayaman din sa iron.
Laging i-monitor ang iyong anak
Healthy man ang breastfeeeding sa bata, pero ayon sa experts ay may mababang bilang daw ng iron ang gatas ng ina. Nakukuha raw ang iron ng bata sa panahon ng pagbubuntis ng ina. Ang iron na ito ay maaaring tumagal ng apat hanggang anim na buwan, sapat na panahon hanggang sa araw na maaari nang kumain ng iba pang pagkain si baby.
Once na nakakakain na si baby ng ibang foods bukod sa gatas, siguraduhing mayaman ito sa iron.
Mga pagkain na mapagkukunan ng iron
Narito ang mga pagkain, gatas, at iba pang sources ng iron na maaaring isama sa diet ng mga bata:
- Karne tulad ng baka, manok, at baboy
- Mga isda tulad ng sardinas at tuna
- Karne ng manok at pabo
- Lentils, chickpeas, at beans
- Spinach, kangkong, at broccoli
- Oats, quinoa, at brown rice.
- Linga, almond, at cashew.
- Mga cereals na may dagdag na iron.
- Mga prutas tulad ng mga apricot at date (bilang bahagi ng balanced diet).
- Fortified Milk- Mga gatas na pinatibay ng iron, kung available.
- Fortified Plant-Based Milk- Mga gatas na gawa sa soy, almond, o oats na pinatibay ng iron.
Iba Pang Tips
- Itambal ang iron-rich foods sa Vitamin C: Ang Vitamin C ay nakakatulong sa pagpapabuti ng pag-absorb ng iron, kaya maganda ring isama ang mga prutas tulad ng orange o strawberries sa pagkain.
- Iwasan ang mga pagkain na nakakaapekto sa iron absorption: Ang mga pagkain na mataas sa calcium, tulad ng gatas, o mga pagkain na may mataas na tannins, tulad ng tea, ay maaaring makabawas sa absorption ng iron.
Mahalaga ang pagtutok sa balanced diet upang makuha ang sapat na iron na kinakailangan para sa paglaki at kalusugan ng mga bata.
Iron Deficiency Anemia: Sintomas ng anemia sa bata
Isa ang anemia sa karaniwang komplikasyon ng kakulangan sa iron. Paano nga ba malalaman kung may iron deficiency anemia ang iyong anak? Narito ang mga karaniwang sintomas ng anemia sa bata.
- Madalas na pakiramdam ng pagod kahit na hindi aktibo.
- Maputlang balat at mukha
- Mabilis na paghinga o tibok ng puso.
- Madalas na sakit ng ulo
- Pagkain ng mga hindi karaniwang bagay tulad ng lupa o papel, tinatawag na pica
- Ang dumi ng bata ay maaaring magmukhang mas madami o mas makapal kaysa sa normal.
- Maaaring hindi umaabot sa mga normal na milestone ng paglaki at pag-unlad.
Gamot sa anemia ng bata
Ang paggamot para sa iron deficiency anemia sa mga bata ay karaniwang binubuo ng ilang hakbang upang maibalik ang sapat na antas ng iron sa katawan. Narito ang mga karaniwang pamamaraan o gamot sa anemia ng bata:
- Iron supplements tulad ng iron drops o syrup (para sa mga sanggol), iron tablets (para sa mga mas malalaking bata)
- Isama ang mga pagkain tulad ng karne, isda, mga legumes, berde at madahong gulay, at fortified cereals sa diet ng bata.
- Magbigay ng pagkain o inumin na mayaman sa Vitamin C (tulad ng mga citrus fruits) upang mapabuti ang absorption ng iron.
- Mahalaga ang regular na pagbisita sa doktor upang masubaybayan ang antas ng iron sa dugo at i-adjust ang paggamot kung kinakailangan.
- Importante rin na mapasuri ang dugo upang matukoy ang progreso ng paggamot at ang mga pagbabago sa antas ng iron.
- Kung ang iron deficiency anemia ay dulot ng iba pang kondisyon (tulad ng gastrointestinal bleeding o malabsorption issues), kailangan ding gamutin ang pangunahing sanhi.
Bago simulan ang anumang paggamot, mahalaga ang konsultasyon sa doktor upang makuha ang tamang diagnosis, dosage at plano sa paggamot.
Updates mula kay Jobelle Macayan
Psychology Today, National Institute of Health, American Academy of Pediatrics, National Institute of Health (NIH), Centers for Disease Control and Prevention (CDC), World Health Organization (WHO)