Inaasahang makakatanggap ng taas-sahod sa darating na taon ang mga kasambahay sa National Capital Region. Ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ay nagpahayag kamakailan na may adjustment na nakalaan para sa kasambahay minimum wage 2024 NCR o domestic workers sa Metro Manila.
Mababasa artikulong ito:
- Para saan ang taas-sahod ng mga kasambahay?
- Halaga ng kasambahay sa pamilya
Para saan ang increase sa kasambahay minimum wage 2024 sa NCR?
Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at gastusin sa araw-araw, ang kasalukuyang minimum wage na ₱6,500 kada buwan ay maaaring hindi na sapat para sa mga pangangailangan ng mga kasambahay at kanilang mga pamilya. Noong Enero ngayong taon, nagkaroon ng P500 na dagdag sa sahod ng mga kasambahay, ngunit mukhang kailangan pa rin ng karagdagang pagtaas para mas matugunan ang kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan.
Dahil dito, plano ng RTWPB na magsagawa ng public hearing sa Philippine Trade Training Center sa Pasay City sa Nobyembre 25, 2024. Inimbitahan nila ang mga employer, mga kasambahay, at iba pang stakeholders na dumalo upang magbigay ng kanilang mga opinyon at suhestiyon ukol sa kasambahay minimum wage 2024 NCR. Hinihikayat din ng RTWPB ang pagsusumite ng mga position paper upang maging bahagi sa pagbalangkas ng bagong wage order.
Bakit mahalaga ang taas-sahod na ito?
Para sa maraming pamilya, ang kasambahay ay katuwang sa pagpapalaki ng mga anak at pag-aalaga ng tahanan. Ang pagtaas sa sahod ng mga kasambahay ay isang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa ating mga buhay. Sa ganitong paraan, mabibigyan sila ng mas patas na sahod at maitutugma ito sa pangangailangan sa NCR.
Ano ang maaasahan ng mga pamilya at kasambahay?
Sa patuloy na pagsisikap ng RTWPB na mapakinggan ang boses ng bawat isa, inaasahan ang mas patas at makatarungang sahod para sa mga kasambahay sa Metro Manila. Abangan ang mga susunod na anunsyo tungkol sa kasambahay minimum wage 2024 NCR para sa mas komportableng buhay ng ating mga katuwang sa tahanan.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!