Mahalaga ang maagang pag-diagnose ng autism upang maaga pa lamang ay matulungan na ang mga batang mayroon nito. At ang isang makabagong uri ng infant autism test ay naglalayong ma-detect ang autism kahit kapapanganak pa lamang ng sanggol.
Malaki ang maitutulong nito sa pag-diagnose ng autism, at upang makagawa agad ng treatment ang mga doktor para sa may ganitong kondisyon.
Makabagong infant autism test, paano ginagawa?
Ang test ngayon para sa autism ay isinasagawa kapag 4 na taong gulang ang isang bata. Ngunit sa makabagong test na nadevelop ng mga doktor sa Lake Erie College of Osteopathic Medicine, puwede itong gawin kahit bagong panganak lamang ang sanggol.
Ang infant autism test na ito ay gumagamit ng stapedial reflex testing, o isang paraan para i-test ang pagiging sensitibo sa tunog ng isang sanggol.
Ito raw ay dahil karamihan sa mga taong mayroong autism ay may hypersensitivity sa iba’t-ibang mga bagay, kasama na ang tunog. Puwede raw sukatin ang reaksyon ng sanggol sa iba’t-ibang tunog, at sa ganitong paraan ay malalaman kung mayroon silang autism.
Sa pamamagitan raw ng test na ito, ay maaga pa lang, matutulungan ng mga magulang ang kanilang anak. Mapapadali rin nito ang pagbigay ng therapy sa mga batang mayroong autism, upang mapabuti ang kanilang quality of life.
Ngunit dagdag ng mga doktor na hindi pa 100% ang accuracy ng test na ito. Mahalaga pa rin daw na magpatest ang mga bata kapag medyo malaki na sila upang madiagnose ng mas mabuti ang kanilang kondisyon.
Ang early testing ay importante upang ma-address agad ang mga posibleng maging problema ng bata.
Ano ang dapat gawin kapag mayroong autism ang bata?
Hindi dapat matakot ang mga magulang kapag na-diagnose ng autism ang kanilang anak. Bagama’t ito ay isang disorder, hindi nito ibig sabihin na imposible nang magkaroon ng mabuting buhay ang mga may autism.
Heto ang ilang mga magagawa ng magulang kung ang kanilang anak ay na-diagnose na mayroong autism disorder.
- Humingi ng tulong mula sa therapist upang matulungan ang iyong anak sa kaniyang kondisyon.
- Huwag ikahiya ang iyong anak, at suportahan sila sa kanilang paglaki.
- Mahalaga ang pagkakaroon ng structure sa bahay upang masanay ang iyong anak sa mga dapat nilang gawin.
- Suportahan ang kanilang mga interes, at huwag silang hayaang masanay na hindi productive at walang ginagawa sa bahay.
- Mahirap man magkaroon ng anak na may autism, pero napaka-rewarding na bagay nito, at napakasatisfying ng pakiramdam kapag nakikita mong maayos ang lagay ng iyong anak.
Source: MSN
Basahin: 5 early signs of autism in toddlers
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!