Init ng relasyon ninyong mag-asawa, paano nga ba pananatilihin? Isang paraan ang natuklasan ng isang pag-aaral para masagot ang tanong na ito.
Pagpapanatili ng init ng relasyon ng mag-asawa
Ang buhay pag-aasawa ay may kaakibat na responsibilidad. Lalo na kung ang inyong pagsasama ay nabiyayaan na ng mga supling na kailangan ninyong arugain at palakihin. Ngunit magkaganoon man ay dapat hindi nawawala ang init ng relasyon ninyong mag-partner. Maging busy man sa kaniya-kaniyang role sa inyong tahanan ay dapat hindi nawawalan ang bawat isa sa inyo ng oras para maiparamdam ang pagmamahal ninyo sa isa’t-isa.
Ngunit paano nga ba mapapanitili ang init ng relasyon ng isang pag-sasama? May nakakatuwang sagot dito ang isang pag-aaral na kung saan makikinabang rin ang inyong mga anak.
Ayon sa isang pag-aaral na inilathala sa Sage Journals, isang paraan para mapanatili ang init ng relasyon ng isang mag-asawa ay sa pamamagitan ng paghahati sa mga parenting responsibilities o division of childcare. Hindi lamang ito nagdudulot ng satisfying sexual relationships sinisiguro rin umano ng paraan na ito ang pagkakaroon ng higher quality ng isang relasyon.
Ito ay natuklasan ng mga researcher ng ginawang pag-aaral sa pamamagitan ng pag-aanalyze ng reported information ng 487 na couples tungkol sa kanilang parenting experiences na nag-coconcentrate sa share ng ama sa pangangalaga ng kanilang anak. At dito nga ay natukoy nila kapag pantay ang division ng task sa pangangalaga ng anak sa pagitan ng mag-asawa ay mas nagkakaroon ng sexual at relational satisfaction ang kanilang pagsasama. Ito rin ay nagdudulot ng less conflict sa pagitan nilang dalawa.
Kaya naman kung gustong panatilihin ang init ng relasyon, hayaang maging involve si mister sa pag-aalaga sa inyong mga anak.
Iba pang paraan para mapanatili at muling buhayin ang init ng relasyon ng mag-asawa
Ayon naman kay Dr. Terry Hatkoff, isang sociologist mula sa California State University ang isa pang paraan para mapanatili ang init ng relasyon ng mag-asawa ay sa pamamagitan ng pag-unawa sa kung paano mo maipaparamdam ang pagmamahal sa iyong asawa na maappreciate niya. Tulad nalang kung siya ay seloso o selosa, ay makakatutulong kung iiwasan mo ang mga taong pinagseselosan niya. Kung gusto niya naman na siya ay laging inaasikaso ay gawin ito araw-araw kahit pa sa pinakamaliliit na paraan.
Para naman sa psychology professor na si Arthur Aron na isa ring relationship researcher, ang paggawa ng mga bago at kakaibang experience ng magkasama ay mas magpapa-init ng pagsasama ng isang magkapartner. Dahil ayon sa kaniya ang mga new experience ay nag-aactivate ng brain reward system na parehong brain circuits na gumagana sa tuwing tayo ay na-iinlove.
Base naman sa ilang sex therapist, ito ang ilan sa mga hakbang para manumbalik o mapanitili ang init ng pagsasama ng mag-asawa.
- Pagusapan ang inyong mga desires o ang mga gusto niyong gawing mag-asawa lalo na sa pagtatalik.
- Magsaya ng magkasama sa pamamagitan ng paggawa ng mga new experiences. Ito ay para ipaalala sa inyo kung paano ang pakiramdam noong kayo ay nagsisimula pa lang.
- Huwag kalimutang hawakan ang kamay ng iyong asawa. Pati na ang haplusin at yakapin siya.
- Makipagtalik kahit pakiramdam mo ay ayaw mo. Dahil minsan sa ganitong paraan mo maalala na gusto mo pala itong gawin. Sa tulong ng sex ay mag-titrigger ang mga hormonal at chemical responses ng iyong katawan na mag-seset ng iyong mood.
- Magbigay ng oras sa pakikipagtalik sa iyong asawa kahit gaano ka pa ka-busy at gawin itong priority.
Kaya naman ipagpatuloy at huwag hayaang lumamig ang init ng relasyon ninyong mag-asawa gamit ang mga nabanggit na tips.
Source: New York Times, Psychology Today
Photo: Freepik
Basahin: 7 paraan upang mapanatili ang init ng sex sa inyong pagsasama