Magkakaroon daw ng new feature ang Instagram kung saan ay automatic na mabu-blur ang nudity sa direct messages.
Instagram new feature layuning maprotektahan ang mga kabataan
Sa isang blog post ay ibinahagi ng Instagram na nagsisimula na silang subukan ang mga bagong feature para sa kanilang platform. Kabilang na rito ang Instagram new feature kung saan ay automatic na magiging malabo o mabu-blur ang nudity sa direct messages.
Bahagi umano ito ng kanilang kampanya laban sa sexual scams at iba pang uri ng “image abuse”. Layunin nitong protektahan ang mga kabataan kontra sexual extortion. Hiling nila na makatulong ang new feature na ito ng Instagram. Upang hindi maging madali para sa mga kriminal na magkaroon ng ugnayan sa mga teenager.
Ang karaniwang senaryo ng sexual extortion o sextortion sa social media. Ay pinipilit ang isang tao na mag-send ng explicit o sensitibong larawan online. Pagkatapos ay mangingikil ang mga ito. Pipilitin ang biktima na magbigay ng pera o mag-engage sa sexual favors kapalit ng hindi pagsasapubliko ng mga larawan.
Matagal nang usapin ang isyu na ito. At matagal na nga ring nahaharap sa kritisismo ang mga social media companies kabilang na ang Instagram. Dahil sa kakulangan umano ng aksyon upang protektahan ang mga kabataan sa ganitong uri ng pang-aabuso.
Matatandaang sa isang Senate hearing na humingi ng paumanhin si Mark Zuckerberg sa mga magulang. Siya ang CEO ng Meta Platforms, owner ng Instagram.
Samantala, ayon sa Cebu Daily News, ang Facebook at WhatsApp na parehong pag-aari din ng Meta ay hindi pa kasama sa plano na lagyan ng nudity blur feature.
“The feature is designed not only to protect people from seeing unwanted nudity in their DMs, but also to protect them from scammers who may send nude images to trick people into sending their own images in return,” saad ng Instagram.
Automatic na matu-turn on ang feature na ito sa lahat ng bansa kung ang edad ng user ay 18 years old pababa. Samantala, para sa mga adult user, makatatanggap ng notification na humihikayat na i-activate ang nudity blur feature ng Instagram.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!