Kung walang humpay na ang pagtatalo ninyong mag-asawa, marahil ay nararanasan na ninyo ang tinatawag na invisible divorce. Sa kabila ng pagiging kasal, nangyayari ang invisible divorce kung unti-unti nang nawawala ang dating relasyon ng mag-asawa.
Hindi rin lahat ng married couples na masaya ay nasa isang healthy relationship; marami dito ang nasa hindi na magandang kalagayan. Ang mga mag-asawang mukhang mayroong healthy na relasyon pero nagko-collapse na ay mayroong invisible divorce.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- 7 signs ng “invisible divorce” sa mag-asawa
- Mga dapat gawin kung napapansin mong nasa invisible divorce na kayo
Sa social media man iyan o sa real life mayroon tayong hinahangaan na pagsasama ng mag-asawa. Ilan sa mga married couples na ito ay mukhang nasa maayos na kalagayan. Kaya nga hindi natin matiis na hangaan o kainggitan ang kanilang kinalalagyan.
Karamihan sa kanila ay masaya parati at makikitang nag-eenjoy bilang couple o pamilya. Marami rin sa kanila ang nagsi-share ng magagandang larawan sa kanilang social media.
Hindi maiiwasang, may mga taong kinaiinggitan at kinukumpara ang kanilang buhay sa mga ito — naku-curious sila kung bakit kaya nilang magkaroon ng ganitong kasayang relasyon.
Larawan mula sa iStock
Sa kabilang banda, mapapansin mo rin na na unti-unti na silang nagkakaroon ng agwat na posibleng mauwi sa hiwalayan. Hindi mo man ito nakikita ngunit maaaring nagsisimula na silang tumahawak ng magkaibang landas sa buhay.
Para sa mga eksperto ito raw ang tinatawag na ‘invisible divorce’. Narito ang ilang kaalaman hinggil dito.
7 signs ng “invisible divorce” sa mag-asawa
May mga pagkakataon na bagaman makikitang puno ng pag-iibigan ang mag-asawa ngunit nasa malabo na talaga. Nangyayari ang invisible divorce kung ang married couple ay hindi na nagfufunction as couple.
Nagsisimula ito kung pinaplano na nila ang buhay palayo sa isa’t isa. Hindi na sila nag-iispend ng time together, at malala pa kung natutulog na sila nang hiwalay.
Maraming paraan upang masabi kung ang relasyon niyo ay nagkakalabuan na o hindi na nasa healthy na relasyon. Narito ang 7 signs na nasa invisible divorce na kayong mag-asawa.
Hindi na madalas ang pag-uusap
Mahalaga ang communication sa isang relasyon. Kung pareho kayo ng iyong partner na hindi na nakikipag-usap sa isa’t isa, maaaring isa na itong sign ng invisible divorce.
Pagkakaroon ng bisyo o pag-iinom nang sobra-sobra
Ang pagkakaroon ng bisyo ay maaaring mag-lead sa social, physical, emotional, at maging job-related problems. Isa pa, maaaring maapektuhan nito ang relasyon mo sa iyong partner.
Nagiging workaholic
Napunta na sa puntong pareho na kayo ng partner mo ang hindi marunong mag-balance sa buhay ng trabaho at sa bahay. Mas marami na ang oras na ini-spend ninyo sa trabaho at wala nang intimate relationship sa isa’t isa.
Mas nagiging materialistic
Hindi kailanman pipiliin ng isang taong in love ang material na bagay laban sa pagkakaroon ng magandang relasyon sa kanilang partner. Ang labis na pagbibigay focus sa mga bagay tulad ng cars, boats, at iba pang luxurious na bagay ay posibleng mangahulugan na wala nang nararamdamang intimacy sa kanilang other half.
Labis-labis na ‘me-time’
Mahalaga naman talagang magkaroon ng oras para sa sarili bilang indibiduwal. Sa kabilang banda, hindi ito maganda sa relasyon kung sumusobra na ang pagkakaroon mo ng oras para sa sarili lamang.
Ginagawang therapy ang shopping.
Ang parating paggastos ng pera at pagsa-shopping mag-isa para sa sarili mo ay maaaring makaapekto sa inyong mag-asawa.
Pagkakaroon ng unhealthy habits.
Mapapansin mong sobra-sobra ang time na nanonood kayo ng television, nagbabasa, o kaya gumagamit ng gadgets. Imbes na makipag-bonding sa inyong asawa, nagsisimula na kayong magpokus sa social media at pag-iinternet.
Larawan mula sa iStock
Mga dapat gawin kung napapansin mong hindi na healthy ang relationship inyong mag-asawa
Kung napapansin mong ang inyong relasyon ay nakararanas na ng mga signs na nabanggit, narito ang ilang mga bagay na maaari mong gawin:
- Gumawa ng listahan ng positive at negative na aspeto ng inyong relasyon. Maglaan ng time na ilista ang mga bagay na nagwowork at hindi sa inyong mag-asawa.
- Planuhin na makipag-communicate sa iyong partner. Mahalagang tandaan na karelasyon mo siya at kinakailangang pag-usapan ang mga bagay nang payapa.
- Panatilihing maging kalmado habang ina-address ang inyong problema at concern sa isa’t isa. Bagaman maganda na i-express ang iyong nararamdaman, mas makabubuting gawin ito sa best manner na kayang mong gawin. Panatilihin ang pagkakaroon ng open mind and ear habang nagsasalita ang iyong partner. Sa ganitong paraan, pareho kayong magkakaroon ng chance na i-share ang concerns na kailangan pag-usapan.
- Magdesisyon na magpa-therapy. Mas maganda na humanap ng guidance at tulong sa isang professional.
Sa oras na nagawa niyo na ang mga bagay na ito mas magiging malinaw na iyong iniisip. Ito ay maganda tyempo upang malaman at magdesisyon kung pareho ba ninyong gusto itong ayusin at ituloy ang relasyon sa isa’t isa.
This article has been translated from theAsianparent Singapore.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!