Dahil sa madalas na pag-iiwan ng tirang pagkain malapit sa kaniyang kama, lalaki pinamahayan ng ipis ang tenga

Narito ang mga tama at dapat gawin kapag may pumasok na insekto sa iyong tenga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ipis pumasok sa tenga ng isang lalaki. Ang mas malala pa, dito ito nangitlog at may higit sampung maliliit na ipis pa palang kasama.

Ipis pumasok sa tenga

Isang 24-anyos na lalaki mula sa China ang inirereklamo ang matinding pananakit ng kaniyang tenga. Nang tingnan ng isa niyang kapamilya ang tenga ng lalaki, nakita ang isang malaking ipis ang nasa loob nito pala.

Dahil dito ay dinala sa doktor ang naturang lalaki. At ng suruin ang kaniyang tenga, malaking ipis hindi lang pala nag-iisa. Ayon sa Ear, Nose and Throat o ENT na tumingin sa kaniya, may kasama pa itong maliliit na ipis na higit sampu at nagpapaikot-ikot sa loob ng kaniyang tenga.

Paano tanggalin ang ipis o insekto na pumasok sa loob ng tenga? | Image from DW News and Freepik

Sa pamamagitan ng tweezers, isa-isang tinanggal ng ENT specialist na si Zhong Yijin ang mga ipis sa tenga ng lalaki. Matagumpay namang naialis ang mga ipis bagamat nagtamo ng minor injuries ang lalaki sa kaniyang ear canal.

Ayon sa mga report, ang mga ipis pumasok sa tenga ng lalaki dahil sa madalas na pag-iiwan nito ng tirang pagkain malapit sa kaniyang kama.

Ngunit paano nga ba malalaman kung may pumasok na ipiso insekto sa iyong tenga? At ano ang tama at dapat gawin upang matanggal ito?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sintomas na may pumasok na insekto sa iyong tenga

Sa una ay hindi mo malalaman kung may pumasok ng insekto sa loob ng iyong tenga. Hanggang sa makaramdam ka nalang ng pananakit sa loob nito. Ito ay dahil maaring nagpapaikot-ikot o kinakagat ng insekto ang loob ng iyong tenga.

Paano tanggalin ang ipis o insekto na pumasok sa loob ng tainga? | Image from Unsplash

Maliban sa pananakit, ang mga sumusunod ang sintomas na may pumasok na insekto sa iyong tenga.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Pakiramdam na parang puno ang loob ng iyong tenga
  • Pamamaga ng tenga
  • Pangangati o pananakti ng loob ng tenga
  • Dugo o nana na lumalabas sa tenga
  • Pagkawala ng pang-dinig

Paano tanggalin ang insekto sa loob ng tainga?

Narito ang tamang paraan para naman maialis ang insekto na pumasok sa loob ng tenga ay ang sumusunod:

Una ay itabingi ang ulo at dahan-dahang igalaw ang parte ng tenga na pinasukan ng insekto upang ito ay malaglag.

Kung buhay pa ang insekto ay patakan ng vegetable oil o baby oil ang loob ng iyong tenga para ma-suffocate ang insekto na nasa loob nito.

Kapag patay na ang insekto ay maaring i-flush out ito palabas sa iyong tenga gamit ang maligamgam na tubig.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mahalagang paalala huwag basta gumamit ng kahit anong bagay para kunin ang insekto sa loob ng iyong tenga. Dahil maari lang nitong mas maitulak papasok ang insekto at magdulot pa ng dagdag na ear injury.

Kung hindi maalis ng mga nabanggit na paraan ang insektong pumasok sa tenga mabuting magpunta na sa doktor o ENT specialist dahil sila ang may angkop na gamit at mas hasa sa paggawa nito.

Paano tanggalin ang ipis o insekto na pumasok sa loob ng tainga? | Image from Unsplash

Para naman maiwasan na may pumasok na insekto sa tenga ay narito ang mga bagay na dapat gawin:

  • Gumamit ng insect repellent para makaiwas saa mga panganib ng insekto.
  • Pagsusuot ng earplugs kung nag-cacamping sa labas.
  • Pagpapanatiling malinis ng bahay upang hindi pamahayan ng insekto tulad ng ipis.
  • Paglalagay ng insect nets o screen sa bintana o pintuan ng inyong bahay.
  • ‘Wag kumain sa iyong higaan o kama. Dahil ang mga maliliit na pagkain ay hindi mo namamalayang napupunta sa iyong bed sheet. Dahil dito, may pagkakaton ang mga ipis na maamoy ang maliliit na pagkain.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source:

Inquirer, Medical News Today, Healthline

BASAHIN:

Ang mga kailangan malaman tungkol sa impeksyon sa tenga

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement