52 week challenge 2020
Kung ang pag-iipon ang iyong goal sa darating na 2020, dapat mong malaman na hindi masama gawin ang iyong “ipon challenge 2020” sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang piggy bank o alkansya.
Marahil napapaisip ka nga kung dapat ka nga bang bumalik sa dating kagawian na magkaroon ng alkansya, ngunit pakatandaan kahit may edad na ay maaari pa ring magkaroon ng alkansya, lalo na kung makakatulong ito sa iyong pinansyal na status at kapayapaan ng isip sa hinaharap.
52 week challenge 2020 | Image from Unsplash
Paano maisasagawa ang ipon challenge 2020?
Papaano nga ba tayo makakapag-ipon kung lagi naman tayong broke? Sa panahon ngayon, hindi maiiwasan ang biglang pag gastos. Para naman sa iba, talagang nahihirapan lamang silang umiwas sa mga temptation ng paglabas kasama ang mga katrabaho. Ikaw, paano mo mas matutulungan ang iyong sarili upang mapaghandaan at maisakatupad ang ipon challenge sa taong 2020?
Naglista kami ng iba’t ibang paraan kung paano mo mas magagawang kaengga-engganyo ang pagiipon sa darating na taon. Ito ang ilang tips kung paano nga ba babaguhin ng alkansya ang iyong “ipon challenge 2020.”
Puting alkansya na maaari mong lagyan ng mga spots o dots (i-enjoy ang iyong pera)
Dito sa alkansya na ito maaari mo itong gawin bilang iyong “fun money,” samakatwid ito ang iyong alkansya kung saan lalagyan mo bawat buwan ng iyong ipon, kahit magkano pa ito.
Mayroon ka bang naiisip na gusto mong pag ipunan sa dulo ng taong 2020? Maaari mong gamitin ang perang ilalagay mo dito sa alkansyang ito sa minimithi mong cellphone o di kaya naman camera, depende sa kung ano man ang iyong gustong makamtan sa hinaharap.
52 week challenge 2020 | Image from Unsplash
Ngunit tandaan sa parehong taon mo din gagastusin ang inipon mong pera sa alkansyang ito, upang matamasa mo naman ang iyong mga pinag-ipunan na pera. Kaya naman, siguraduhing risonable ang pag-iipunan mo ngayong taon.
Bakit nga ba kailangan mong gastusin ang perang ito sa katapusan ng taon? Ang layunin kasi ay dapat mong ma-enjoy ang perang pinag-paguran at pinag-trabahuhan mo.
Kung palagi mo kasi aalisin ang kasiyahan mong makabili o ma-enjoy ang iyong pera, ikaw mismo ay mawawalan ng gana at marahil magkaroon ng hinanakit sa iyong sariling pera.
Ito ang perang maaaring mong gastusin sa katapusan ng taon para sa isang bakasyon o di kaya naman sa isang bagay matagal mo ng gusto.
Hot air balloon na alkansya (para sa longer-term goals)
Sa hot air balloon na alkansya na ito, dito nakalaan ang iyong long-term goals sa buhay tulad na nga lamang ng pagbili ng kotse o di kaya naman pagbili ng bahay—mga mas malaking pangarap na andyan palang sa ere na iyong isipan lumilipad.
Sa alkansyang ito, ito ang iyong magiging silbing puhunan mo sa mas malaki mo pang mithiin sa buhay. Para mas maisip mo kung ano nga ba ang puwedeng isama sa listahang ito, tumanaw ka sa iyong kinalalagyan limang taon mula ngayon. Ano nga ba ang mga bagay na gusto mong makuha.
Marahil ito ang maging silbi sa pag-iipon para sa pangarap mong bahay sa hinaharap, pangarap na kotse, o pangarap na bakasyon para sa iyong pamilya.
Ito rin ay maaaring maging ipon mo para sa iyong retirement sa hinaharap. Puwede ring gawing puhunan sa mas healthy na ikaw.
52 week challenge 2020 | Image from Unsplash
Basketball na alkansya (huwag mong galawin hanggang mag-retire ka na)
Sa alkansyang ito maaari mo itong ilaan sa pag-aaral ng iyong anak sa kolehiyo. Puwede rin namang sa retirement o sa pagtanda ninyong mag-asawa.
Hindi porket matanda ka na hindi mo na kailangan ng sarili niyong ipon para sa inyong retirement. Kailangan pa rin sapagkat pagnag-retire na kayo hindi na kayo magta-trabaho. Mas mabuti ng may gagamitin pa rin kayo para sa inyong mga sarili kahit matanda na kayo.
Ang perang iipunin mo nga para sa alkansyang ito ay dapat hindi ka matukso na galawin kahit ano mang mangyari. Marahil pwede mong paitago ito sa iyong pinaka-pinagkakatiwalaan na account adviser o financial adviser.
Ang susi sa matagumpay na “ipon challenge 2020” ay magsimula sa maliit na halaga. Sa araw-araw, maaari mong dagdagan ang sentimo ng iyong matitipid o maiipon bawat buwan o linggo. Ito ay magiging depende sa iyong income o allowance. Dagdagan lamang ito hanggang nga sa ma-hit mo ang iyong pinakamainam na rate ng pagtitipid o pag-iipon.
Source:
Entrepreneur
BASAHIN:
7 tips para maka-ipon ng malaking pera
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!