Narito ang mga tips kung paano mag-ipon ng pera para sa future mo at ng pamilya mo.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mga paraan kung paano mag-ipon ng pera
- Ano ang 70-20-10 rule sa pagba-budget?
- Paano makakaipon ng 10,000 sa loob ng isang buwan?
Isa sa kadalasang ng new year’s resolution ng karamihan sa atin ay ang makapag-ipon ng pera. Ngunit hindi ito ganoon kadali lalo na sa mataas na presyo ng bilihin. Dapat din nating tugunan ang pangangailangan para sa ating sarili at ating pamilya.
Pero dapat mo ring isaisip kung gaano kaimportante ang pagkakaroon ng savings. Upang magagamit mo rin para ma-secure ang future ng pamilya mo. Bagama’t medyo mahirap talagang i-achieve ang goal na ito.
Kaya naman para matulungan kang makaipon, narito ang mga tips na maari mong gawin para masimulan nang maisakatuparan ang resolution mo. Mag-ipon na ng pera para sa kinabukasan ng mga anak mo at buong pamilya.
Photo: Pexels
8 paraan kung paano mag-ipon ng pera
Isang popular na topic sa Youtube channel ng TV host na si Bianca Gonzalez ang pag-iipon ng pera. Sa kaniyang panayam kay Rose Fres Fausto, isang dating investment banker at financial consultant, napag-usapan nila ang ilang mga ipon tips.
1. Gamitin ang 70-20-10 rule.
Isang paraan para makapag-ipon ng pera ay ang pagpaplano kung saan mapupunta ang kinikita o suweldo mo kada buwan.
Maaari mo itong gawin sa pamamagitan ng pag-a-allot ng percentage ng iyong sweldo sa mga bagay na kailangan mo o ang paggamit ng 70-20-10 rule. Ito ay magagawa sa pamamagitan ng paglalaan ng 70% ng suweldo mo para sa mga pangunahing pangangailangan ng pamilya mo. 10% sa tithing o pagbabalik grasya sa Diyos at 20% para sa savings mo.
Ang 70% na inilaan mo para sa mga pangunahing pangangailangan. Gaya ng bills, at pagkain niyo buwan-buwan. Dapat mong i-budget at pagkasyahin. Kung may sobra, ito ang maari mong gamitin para sa mga maliliit na luho o treat sa sarili mo.
Samantala, ang 20% naman ay maaari mong hatiin sa investments at savings para sa hinaharap. Tulad ng pag-aallot nito para sa iyong retirement.
Ang natitirang 10% naman ay nakadepende sa ‘yo kung ilalaan mo ba sa tithing (o pagbibigay ng pera sa simbahan) o sa iba pang bagay na kailangan mo.
2. Gumamit ng financial statements o i-record ang mga gastos at kung saan napupunta ang pera mo.
Image from Freepik
Para naman malaman kung saan napupunta ang pera mo at mas maayos na ma-budget ito. Ugaliing itabi ang mga resibo ng lahat ng pinamili o pinagkakagastusan mo. Mula dito, gumawa ka ng cash flow statement at balance sheet. Ang cash flow statement ay ang record ng mga gastos mo buwan-buwan. Kung saan ang maaari mong maging reference ay ang mga resibong itinabi mo.
Samantalan, ang balance sheet naman ay ang naglalaman ng total assets mo o ang lahat ng pag-aari mo na na-acquire. Maski bahay at lupa man ‘yan o bagong cellphone minus sa utang mo o loans.
Maaari ka ring gumamit ng mga expense tracker apps para mas madaling itala ang mga pinagkakagastusan mo araw-araw.
Sa ganitong paraan, malalaman mo kung magkano ang worth mo; na magiging gabay mo sa paggastos at pagpili ng mga short o long term goals mo pagdating sa usaping pera.
3. Mag-automatic savings at huwag umasa sa willpower mong mag-ipon.
Kapag nahahawakan mo ang iyong pera, mas madali para sa’yo na matuksong gastusin ito. Kaya hangga’t maari, itabi na ito kaagad.
Para hindi ka mahirapang magtabi ng pera mula sa income o suweldo mo buwan-buwan. Maaari kang sumubok na magkaroon ng automatic savings.
Sa option na ito, puwede mong kausapin ang HR ninyo na mag-deduct sa suweldo mo buwan-buwan automatically ng 20% para sa savings mo. Sa ganitong paraan ay hindi mo na kailangang gawin ito sa sarili mo.
Mayroon din namang mga banko ang nag-ooffer ng option para sa Automatic Savings Plan na mas makapagpapaliwanag sayo tungkol dito.
4. Gumamit ng 24-hour rule.
Gamitin ang 24-hour rule o delayed gratification strategy para maiwasan ang impulse buying.
Paano mag-ipon kung mahilig kang mamili? Kung mamimili ng isang bagay o luxury magpalipas muna ng 24 oras bago bilhin ito. Para mapag-isipan mong mabuti kung kailangan o gusto mo lang bang bilhin ito.
Magagamit ang rule na ito lalo na sa panahon ngayon na uso ang online shopping. Kung saan anytime kapag buo na ang isip mo ay madali mo nalang mai-add o made-delete sa cart mo ang item na pinagiisipan mong bilhin.
BASAHIN:
7 best savings accounts in the Philippines to help you save up for the rainy days
Paano bumuo ng emergency fund at anong pagkakaiba nito sa savings?
13 tips kung paano makakatipid sa kuryente sa inyong bahay
5. Magkaroon ng emergency fund.
Image from Freepik
Para naman hindi masira ang savings mo kapag may biglaang bagay na kailangang bayaran. Makakatulong kung magkakaroon ka ng emergency fund.
Maaari mong ipasok ito sa 70-20-10 rule. Puwede mong ilaan ang 10% sa emergency fund kung hindi ka naniniwala sa tithing o ‘di kaya naman ay ang 5% mula sa 20% na para sa savings mo.
Sapagkat ang fund na ito, ang magagamit mo kung sakaling may emergency. Tulad ng may nagkasakit o may kailangang bilhin na hindi na kailangan bumawas sa savings na naitabi mo.
6. Pangalanan ang mga accounts mo.
Makakatulong din ang pagbubukas ng mga accounts na paglalaanan mo ng savings mo. Gaya ng educational savings para sa pag-aaral ng anak mo sa kolehiyo.
Sa pamamagitan nito, mas mai-inspire kang mag-save para sa future ng anak mo. O ‘di kaya naman ay para sa retirement mo at mahihiya kang galawin ito para lang mabili ang luho mo.
Tanungin din ang bangko kung paano makakapag-open ng savings account na walang kasamang ATM card. Para maiwasan mo ang mag-withdraw kapag mayroon kang gustong bilhin.
Maaari mo lang mawithdraw ang iyong pera over-the-counter at magkakaroon ka ng passbook makita mo ang iyong ipon.
7. Maghanap ng investment buddy o savings buddy.
Makakatulong din ang pagkakaroon ng investment buddy o savings buddy na gagabay sayo sa pag-iipon at pag-invest ng pera mo. Puwede mo rin silang maging inspirasyon at additional source ng ideas para mas effectively kang makapag-ipon.
Makakatulong din ang mga savings buddy sa pagpapaintindi sa ‘yo sa mga bagay na dapat mong pag-kagastusan at mag-momotivate sa ‘yo na kaya mong mag-ipon para sa future mo at ng pamilya mo.
Isang challenge talaga ang pag-iipon lalo na sa panahon natin ngayon. Ngunit, achievable naman ito kung magkakaroon ka ng disiplina sa sarili mo sa tamang paggastos ng iyong pera. Ganoon din ang pag-iintindi sa kahalagahan ng pagtatabi para sa kinabukasan mo at ng iyong pamilya.
8. Mag-set ng goal.
Para mahikayat kang mag-ipon, kailangan mo rin munang alamin ang iyong layunin kung bakit mo ito ginagawa. Mayroon ka bang bagay na pinag-iipunan, o para ito sa iyong retirement?
Makakatulong kung magkakaroon ka ng set na amount na iyong gustong maipon. Ilagay mo rin kung gaano katagal o kabilis mo ito gustong maabot.
Halimbawa, kung gusto mong makaipon ng 10,000 pesos sa loob ng isang buwan. Kailangan mong magtabi ng 334 pesos o higit pa kada araw o 2,500 kada linggo.
I-review ang iyong bank statements at iyong ipon pagkatapos ng isang buwan. Hindi lang ito makakatulong para mahikayat kang magpatuloy na mag-ipon. Makikita mo rin kung anong mga dapat mong gawin o hindi gawin para maabot mo ang iyong goal.
Mahirap kumita ng pera, kaya naman siguruhing mayroon kang maitatabi para sa iyong sarili sa hinaharap. Mamuhay ng simple at turuan ang bawat miyembro ng pamilya kung paano makakatulong sa pagtitipid.
Panoorin ang iba pang money-saving tips mula sa vlog ni Bianca Gonzalez:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!