Ating alamin kung paano bumuo ng emergency fund na malaking tulong sa iyong pamilya lalo na sa ganitong panahon.
Paano bumuo ng emergency fund at anong pagkakaiba nito sa savings?
Mahalaga ang pagkakaroon ng emergency fund lalo na kung may pamilya kana. Magagamit ito sa mga pagkakataong hindi natin inaasahan. Katulad na lamang ng nangyayaring pandemic ngayon. Marami ang mga tumigil sa trabaho dahil sa pagsasara ng kanilang mga pinapasukang kompanya. Dahil dito, naputol rin ang kanilang source of income na kailangan nila sa pang gastos araw-araw.
Where to put emergency fund | Image from Freepik
Importante rin ang emergency fund lalo na kung nangailangan ka bigla ng pinansyal na suporta na gagamitin sa medikal.
Kaya naman, masasabi nating malaking tulong ang emergency fund para masiguro mo ang iyong future at hindi mamroblema kapag nangangailangan na ng pera.
Ngunit ang tanong ng karamihan, paano nga ba bumuo ng emergency fund at ano ang kaibahan nito sa savings?
Emergency fund VS Savings
Ang Emergency Fund ay para sa mga hindi mo inaasahang pangyayari o gastusin. Katulad na lamang kapag may namatay, pagkakasakit, pagkawala ng trabaho o pagkasira ng isang gamit sa bahay na kailangan agad na palitan.
Halimbawa, bawat buwan ay may itatabi kang 2,ooo pesos para sa emergency fund. Hindi kailangan na malaki agad ang ilagay dito. Maaaring magsimula sa maliit ngunit siguraduhin na hindi ito kakaligtaan.
Ang purpose ng emergency funds ay para mapag gastusan ang mga hindi inaasahang pangyayari.
Samantalang ang Savings naman ay literal na pag-iipon para sa mga kailangang bayarin. Katulad na lamang ng monthly bills, gastos para sa pag-aaral ng mga anak, childcare expenses, investments, downpayment sa bahay o kaya naman mga gamit sa bahay.
Ang purpose ng savings ay para hindi madistribute ng maayos ang pagkahati hati ng pera at para na rin hindi magastos sa hindi importanteng bagay.
Paano bumuo ng emergency fund? | Image from Freepik
Where to put emergency fund?
Maaari mong ilagay ang iyong emergency fund sa mga ‘high-yield bank accounts’ para siguradong secured ang iyong pera. May ibang bangko rin na nag-aalok ng interest sa mga deposit mo. Sa pagpili ng bangko para sa iyong emergency fund, piliin ang mga may maganda at mataas na alok ng interest rate at ‘wag piliin ang mga may monthly fees.
Ang pagkakaroon ng secured na emergency fund bank accounts ay magbibigay sa’yo ng patanag.
Paano ko uumpisahan ang emergency fund ko?
1. Kwentahin kung magkano ang gusto mong ipunin para sa emergency fund at saka mag-set ng kailangang gastusin bawat buwan. Makakatulong ito para magastos mo ng maayos ang iyong pera at para hindi ito magastos sa ibang hindi naman importanteng bagay.
2. Ipunin ang mga barya. Piso man ‘yan o limang piso, mahalaga pa rin ito. Kung pagsasamasamahin ang piso na nakikita mo sa bawat ng sulok ng bahay niyo, malaking bagay na ito na pandagdag sa iyong ipon. Ang mga baryang ito ay maaaring ilagay sa alkansya.
3. ‘Wag kakalimutan ang mag-ipon! Mahalaga ang consistency sa pag iipon ng emergency fund o savings. Lalo na kung may sinusundan kang monthly chart para sa iyong pera, expenses at savings.
4. Paggamit ng maayos ng pera. Makakatulong ang paggawa ng monthly expenses plan lalo na kung ikaw ay may pamilya. Makakatulong ito para magamit mo ng maayos ang iyong pera. Maiiwasan rin ang pagbili ng mga hindi importanteng bagay. Kung wala sa monthly plan ang bagay na bibilhin, iwasan muna itong i-purchase lalo na kung may mas importanteng bagay ka pang kailangang paggastusan ng iyong perang inipon.
Paano nahahawa sa COVID-19?
Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay isang virus na sobrang delikado dahil mabilis itong kumalat. Maaari itong maipasa sa hayop pero sobrang bihira lamang.
Naipapasa ang COVID-19 kapag ang isang taong carrier ng virus ay umubo o bumahing. Ang mga malilit na water droplets na galing dito ay mapapasa sa hindi infected na tao. Dito magsisimula ang pagkakaroon ng exposure.
Sintomas ng COVID-19
Ito ang mga karaniwang sintomas na maaaring makita sa mga matatanda. Sa ibang kaso naman, matatawag silang asymptomatic o walang mararamdamang mga sintomas sa katawan. Ang sintomas ng COVID-19 sa tao ay kadalasang nararamdaman at nakikita pa pagkatapos ng 2-14 days matapos ang exposure sa isang carrier ng virus.
- Dry cough
- Mataas na lagnat
- Panghihina
- Pananakit ng katawan
- Diarrhea
- Pananakit ng ulo
- Pagkawala ng panlasa
- Pananakit ng lalamunan
Ang mga taong mataas ang risk factor sa COVID-19 ay ang mga mayroong chronic lung disease. Ang iba pang kaso nito ay:
- Buntis
- 65 years old pataas
- Mga taong may travel history
- Mga taong nag-aalaga ng COVID-19 patients
- May mga medical condition katulad ng liver disease, asthma, renal failure, heart disease, high blood, diabetes
COVID-19 Health protocols
Ayon sa CDC, ang mga taong delikado sa COVID-19 ay kailangan ng matinding pag-iingat sa panahon ngayon. Narito rin ang mga bagay na dapat tandaan at gawin:
- Palaging pagsusuot ng mask
- Iwasan ang mga matataong lugar
- Iwasan ang mag-travel
- Panatilihin ang social distancing
- Palagiang paghuhugas ng kamay
- Iwasan ang paghawak sa mukha
- Maging malinis
Source:
GMA News Online
BASAHIN:
Savings bank account na puwede sa bata para sa ipon challenge ni baby
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!