Isabel Oli buntis sa kanyang pangatlong anak kay John Prats

Isabel Oli buntis sa kanyang pangatlong anak kay John Prats

Bago matapos ang March, excited na inanunsyo sa publiko ni Isabel Oli at John Prats ang kanilang paparating na baby number 3!

Isabel Oli and John Prats are expecting their baby number 3!

Bago matapos ang March, excited na inanunsyo sa publiko ni Isabel Oli at John Prats ang kanilang paparating na baby number 3!

Sa Instagram post ni Isabel nitong linggo, kitang-kita ang 25 weeks baby bump ng aktres!

isabel-oli-and-john-prats-baby-number-3

Isabel Oli and John Prats baby number 3 | Image from Isabel Oli Official Instagram

“In the thick of what’s happening, don’t forget to still count your blessings. We happened to have one big blessing that we all would like to share to you. Hoping our news will bring smiles to your faces.”

Ngayong month ng July ang inaasahang delivery ni Isabel Oli sa kanilang 3rd baby sa asawang si John Prats.

“We will be welcoming another bundle of joy, Baby Pratty number 3 this JULY 2020!!! Our family is growing, and I can’t help but thank God even in the midst of this pandemic.”

isabel-oli-and-john-prats-baby-number-3

Isabel Oli and John Prats baby number 3 | Image from Isabel Oli Official Instagram

Ayon kay Isabel, ang nararanasan natin ngayon ay isang pagsubok lamang na paniguradong malalagapsan natin. Humingi rin ito ng dagdag na tulong sa pagdadasal para sa kanyang ligtas at maayos na delivery sa kanyang baby.

“I know that despite these trying times, God is always in His best timing and is sovereign. So, help us welcome our little one and pray for a safe delivery as well.”

Bukod dito, hindi naman nalimutan ng aktres na magbigay ng paalala at encouragement sa ating mga kababayan ngayong nararanasan ang krisis sa bansa.

“Stay indoors. Praying for you all! This too shall pass. Cling on to God. Anchor your hope in HIM. Be blessed guys!!!”

Nagpost rin si John Prats sa kanyang Instagram kasama ang cute na cute nilang mga anak na sina Feather at Freedom at ang soon to be Baby Pratty!

“It used to be just the two of them. Soon, they will be 3!!!!”

isabel-oli-and-john-prats-baby-number-3

Isabel Oli and John Prats baby number 3 | Image from John Prats Official Instagram

Samantala, sa ginanap na ‘Pantawid ng Pag-ibig At Home Together Concert’ ng ABS-CBN, naghatid naman ng lubos na pasasalamat sina Isabel Oli at John Prats sa mga taong walang pagod na sumuporta sa mga kababayang nangangailangan ng tulong. Dagdag din nila na mas mabuti kung mananatili na lang muna sa kani-kanilang bahay upang maiwasan ang mahawaan ng virus. Isang prevention na rin ito para hindi tuluyang kumalat ang COVID-19 na kinakaharap natin ngayon.

Isabel Oli and John Prats love story

Ikinasal noong May 16, 2015 sina Isabel Oli at John Prats sa Batangas. Matatandaan na nagpropose si John Prats kay Isabel Oli sa Eastwood via flashmob.

Ayon kay Isabel sobrang na surpised siya sa ginawang kakaibang proposal ni John Prats dahil wala siyang kaalam-alam na mangyayari ito.

Panoorin ang flashmob proposal ni John Prats ka Isabel Oli dito:

At ang kanilang first child na si Lilly Feather ay ipinanganak noong April 2016. Sinundan naman ito ng kanilang 2nd child na si Daniel Freedom noon lamang November 2018.

 

Source:

https://www.instagram.com/p/B-Ta85HnQUI/ 

 

BASAHIN: Meet Baby Dahlia: Anne Curtis nag-post na ng photo ng kanyang baby400 beautiful baby names for 2020 na puwede mong pagpilian

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

app info
get app banner