Isabelle Daza: “Behind every OOTD… is my child screaming for attention”

Iba pang celebrity moms nakarelate sa post na ito ni Isabelle.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isabelle Daza ipinakita ang real scenario sa mga OOTDs ng mga fashionista mommies na tulad niya.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Isabelle Daza as a fashionista mom.
  • Pagiging ina ni Isabelle Daza.

Isabelle Daza as a fashionista mom

Larawan mula sa Instagram 

Isa si Isabelle Daza sa mga fashionista mom na hinahangaan ng maraming Filipina. Dahil kahit mom of three na, si Isabelle na maintain ang sexy figure niya at very fashionable parin tulad noong dalaga pa siya.

Sa isa sa mga latest Instagram post, ipinakita ni Isabelle ang real scenario sa buhay niya as a fashionista ngayong isa na siyang ina. Bagamat nakakakuha parin daw ng larawan ng kaniyang OOTD, ito daw ang tunay na scenario ayon kay Isabelle.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Behind every OOTD… is my child screaming for attention.”

Ito ang caption ng post ni Isabelle kalakip ang ilang larawan na nagpapakita ng behind the scene ng kaniyang glamorous OOTD. Doon makikita kung paano siya tinatawag at hinahatak ng panganay niyang anak na si Baltie.

Ang celebrity friends ni Isabelle ay hindi mapigilang matawa sa mga larawang ibinahagi ni Isabelle. Naka-relate nga rin ang iba dito tulad nalang ng celebrity mom na si Iya Villania at Georgina Wilson. Ang ina nga rin ni Isabelle na si Miss Universe 1969 Gloria Diaz ay nag-react rin sa post na ito ng kaniyang anak.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Omg yes and there are 3 of them!!!!😂🙏🏼🙏🏼🙏🏼🙈.”

Ito ang komento ni Gloria Diaz na tumutukoy sa dalawa pang anak ni Isabelle na lagi ring naghahanap at naghahabol sa kanilang ina.

Pamilya ni Isabelle

Larawan mula sa Instagram account ni Isabelle Daza

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Isabelle ay kasal sa French businessman na si Adrien Semblat. Sila ay may tatlong anak na si Baltie, Valentin at Esmeralda.

Samantala, ang latest OOTD ni Isabelle ay kuha sa Italy. Sila ay nandoon ngayon para masaksihan ang kasal ng kapatid niyang si Ava Diaz sa mister nitong si Luch Zanirato.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement