X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Isabelle Daza and friends sa pagkakaroon ng mister na foreigners: “It just happened naturally.”

5 min read
Isabelle Daza and friends sa pagkakaroon ng mister na foreigners: “It just happened naturally.”Isabelle Daza and friends sa pagkakaroon ng mister na foreigners: “It just happened naturally.”

Kuwento ni Isabelle, noong una ay hindi niya daw type ang mister dahil sa ito ay isang foreigner.

Isabelle Daza sinabing hindi naman daw planado na puro foreigners lang ang mapapangasawa nilang magkakaibigan.

Mababasa sa artikulong ito: 

  • Ang dahilan kung bakit puro foreigners ang napangasawa ni Isabelle Daza at mga kaibigan niya.
  • Love story ni Isabelle at kaniyang mister na si Adrien Semblat.

Ang dahilan kung bakit puro foreigners ang napangasawa ni Isabelle Daza at mga kaibigan niya

isabelle daza with friends

Image from Isabelle Daza's Instagram account

Sa podcast interview ng vlogger at model na si Wil Dasovich sa celebrity mom na si Isabelle Daza ay naging very honest at direct to the point ng mga naging sagot niya.

Tulad na lang halimbawa sa kung bakit puro foreigners ang napili niyang mapangasawa. Ganoon din ng malalapit niyang kaibigan na sina Solenn Heussaff at Georgina Wilson.

Ayon kay Isabelle, wala naman umano talaga sa plano niya at ng mga kaibigan na puro foreigners ang pakakasalan. Dahil noong una ay nakikipagdate naman daw sila sa mga Pinoy nilang manliligaw. Pero dumating umano ang pagkakataon na nakilala nila ang kanilang foreigner husbands na agad nilang nakapalagayan ng loob.

“We all started off dating Filipinos and then it just happened naturally that a lot of these expats came to Manila and we met them and we liked them. But we didn’t go on like foreign tinder ‘Ooh, that French guy looks good, that Argentinian looks yummy’.”

Ito ang pagkukuwento ni Isabelle na ang napangasawa ay isang French executive na nagngangalang Adrien Semblat.

Kuwento pa ni Isabelle, sa kanilang magkakaibigan ay siya ang naunang makipag-date sa isang foreigner. Sa hindi naman sinasadyang pagkakataon ay sumunod na ang kaniyang girlfriends na tila naging trend sa pagkakaibigan nila.

Hindi naman daw basta pinili ni Isabelle ang foreigner na asawa para masigurong maganda ang lahi ng mga anak niya. Bagamat sinabi niya na bahagyang may katotohanan na mas secure sila financially o mas may pera.

“My family is not like that, though. They are not necessarily like improve the race. I think they are very confident about how they look.”

Ito ang sabi pa ni Isabelle.

BASAHIN:

Lolit Solis sa relasyon ni Paolo Contis at Yen Santos: “Sobrang friend!”

Paolo Contis sa pagkuha ng loob ng anak ni LJ na si Aki: Hindi mo puwedeng ipilit na respetuhin ka

LJ Reyes nag-share kung paano nga ba i-train ang anak upang maging independent

Love story ni Isabelle Daza at kaniyang mister na si Adrien Semblat

isabelle daza with husband adrien semblat

Image from Isabelle Daza's Instagram account

Kuwento pa ni Isabelle sa isa sa nauna niya ng panayam, noong una ay ayaw niya pa ngang magpaligaw sa mister na si Adrien Semblat. Una, dahil sa ito ay isang foreigner at hindi niya type. Pangalawa dahil sa kaka-break niya lang noon mula sa isang karelasyon.

Ilang beses umano siyang inaya nito lumabas, pero maraming beses niya rin itong tinanggihan. Hanggang sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasama sila sa bonding ng isa sa kanilang group of friends.

Doon niya natuklasan na masarap pala itong kasama. Mula noon ay nag-date na sila na tumagal ng 4 months bago niya ito tuluyang sagutin at payagang kaniyang maging boyfriend.

Paglilinaw ni Isabelle, may nakita siyang kakaiba sa mister kaya ito ang napili niya. Ganoon din ang mga kaibigan niya sa mga napangasawa ng mga ito.

Kung ikukumpara raw sa mga Pinoy, hindi ganoon ka-sweet ang mga mister nilang foreigners kuwento pa ni Isabelle. Hindi tulad ng mga Pinoy na mahilig sa pabonggang kilig at very romantic na minsan para kay Isabelle ay hindi na komportable sa pakiramdam.

Ito nga raw ang isa sa mga dahilan kung bakit minahal niya ang mister na si Adrien Semblat. Dahil sila ay nagkakasundo at higit sa lahat ay komportable siya kapag ito ay kasama.

“I am happy being low key and just doing something we are both comfortable with.”

Kuwento pa nga niya, bagamat magkaiba ang kultura nakita niya kung paano mag-adjust ang mga mister nila sa kulturang Pinoy. At ano rin ang ginawa nilang effort para masigurong mag-work ang mga relasyon nila sa mga ito.

Tulad na nga lang daw ni Georgina at mister nitong si Arthurd Burnard na gumagawa ng paraan noon buwan-buwan na magkita. Ito ay kahit nasa magkaibang bahagi sila ng mundo at busy sa kani-kanilang trabaho.

“If you are really in love, you'll make it work.”

Ito ang sabi pa ni Isabelle kung paano naging successful ang pagsasama nila ng kaniyang foreigner husband.

isabelle daza family

 

Partner Stories
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Team BTK beats Team Sibol; RMC Grand Finals recap and more surprises from realme
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Say Hello to Your Baby’s New Bestfriend!
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
Fuss-Free Staples to Ease You Through Motherhood
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)
4 Modern Challenges Faced By Moms (And Tips To Manage Them)

Image from Isabelle Daza's Instagram account

Sa ngayon, ang pamilya ni Isabelle ay naka-base sa Hongkong. Ito ay dahil doon nagtratrabaho ang kaniyang mister. Isa ito sa mga sakripisyo na kailangan niyang gawin para masuportahan ang asawa at masigurong maayos ang kanilang pamilya.

“I don’t prefer to live in Hongkong, the Philippines is my home. But my husband is based in Hongkong and his work is there. To be with him and support him. I just came back to the Philippines to work.”

Ito ang sabi pa ni Isabelle. Bagamat sa ngayon, dahil sa COVID-19 pandemic, ay nandito sila ng kaniyang pamilya sa Pilipinas.

ABS-CBN, Spotify

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Isabelle Daza and friends sa pagkakaroon ng mister na foreigners: “It just happened naturally.”
Share:
  • Birth weight: A clue to your child's intelligence

    Birth weight: A clue to your child's intelligence

  • Hindi lang mga kids: Mga parents dapat ding mag-ingat sa pag-post sa social media

    Hindi lang mga kids: Mga parents dapat ding mag-ingat sa pag-post sa social media

  • Elisse Joson at McCoy de Leon sinorpresa, inubos paninda ng mga vendors

    Elisse Joson at McCoy de Leon sinorpresa, inubos paninda ng mga vendors

app info
get app banner
  • Birth weight: A clue to your child's intelligence

    Birth weight: A clue to your child's intelligence

  • Hindi lang mga kids: Mga parents dapat ding mag-ingat sa pag-post sa social media

    Hindi lang mga kids: Mga parents dapat ding mag-ingat sa pag-post sa social media

  • Elisse Joson at McCoy de Leon sinorpresa, inubos paninda ng mga vendors

    Elisse Joson at McCoy de Leon sinorpresa, inubos paninda ng mga vendors

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.