Model-actress na si Isabelle Daza ibinahagi kung paano niya nababalanse ang pagiging mother of two at paggawa ng mga bagay na hilig niya.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Isabelle Daza on being a mother of two.
- Paano nababalanse ni Isabelle ang oras niya sa pagiging ina at pagiging career woman.
Paano nababalanse ni Isabelle ang oras niya sa pagiging ina at pagiging career woman
May bagong proyektong pinagbibidahan sa ngayon ang model-actress at businesswoman na si Isabelle Daza. Pero maliban dito si Isabelle ay mother of two rin sa mga anak na sina Baltie at Valentin. Kaya naman ang tanong ng marami paano ba nababalanse ng celebrity mom ang oras niya sa mga anak at kaniyang career?
Sa panayam sa kaniya sa presscon ng Viu Original series na K-Love ay ibinahagi ni Isabelle ang sikreto niya kung paano ito nagagawa. Focus, ito umano ang ginagawa ni Isabelle para masigurong balanse ang oras niya sa pamilya at kaniyang sarili.
Nakatulong daw kahit paano ang pagtira ng kanilang pamilya sa Hong Kong kung saan nakadestino ngayon ang mister niyang si Adrien Semblat. Doon na sila naka-based at bumabalik lang daw si Isabelle dito sa Pilipinas para magtrabaho. Kapag nasa Hong Kong ang mga anak at asawa lang ang kaniyang inaasikaso. Pero kapag nandito siya sa Pilipinas ay ginagawa niya ang best niya sa paggawa ng mga trabaho niya.
“Actually, when I’m in the Philippines, if I have a lot of work, I focused on that. And when I’m in Hongkong just where I am based its more of family time. I think it’s important to know what you prioritize.”
“With me I just try to spend a lot of time with my family and really be present because when I am not there I find myself missing them. And when I am at work I really try to be mindful on set and just be present.”
Ito ang sabi pa ni Isabelle.
Isabelle Daza on being a mother of two
Kung tatanungin nga siya kung paano niya maisasalarawan ang pagiging mother of two, sabi ni Isabelle ay nakakapagod. Nagbago rin umano ang priorities niya na kung saan nauuna lagi ngayon ang mga anak niya.
“I am always tired. Its just like never ending being a mom. My priorities have shifted also into really focusing on what my children need rather than putting myself first, that I used to always do.”
Ito ang sabi pa ni Isabelle.
Sa podcast interview sa kaniya ng vlogger na si Wil Dasovich ay ibinahagi ni Isabelle na siya ay minsang nakaranas ng depression matapos manganak sa panganay niyang si Baltie. Lingid sa kaalaman ng iba ay tumaba daw ng sobra si Isabelle ng mabuntis sa panganay at ng maipanganak ito. Ito daw ang naging dahilan ng depression niya at pagkawala ng tiwala niya sa sarili.
“I was hiding, I couldn’t look at myself at the mirror. I was working out and I was trying to be healthy but gained a lot of weight.”
Ito ang pagbabahagi ni Isabelle sa podcast interview sa kaniya ng vlogger at model na si Wil Dasovich.
Paano hinarap ni Isabelle ang depression
Kuwento pa ni Isabelle naiinggit siya noon sa ibang mga kaibigan niya na nabuntis, nanganak at agad na naibalik ang dating katawan nila. Habang siya labis na tumaba at feeling niya ay hindi na siya maganda.
“After when I gave birth, everybody was going on with their lives, doing endorsements while me I am at home 4 months’ overweight and breastfeeding. I was like what I am even doing with my life. So I was extremely unhappy with how I look.”
Ito ang kuwento pa ni Isabelle kay Wil.
Para umano malampasan ang nararanasang depresyon, kuwento ni Isabelle ay naging malaking tulong ang mister niyang si Adrien. Ini-encourage siya nito at pinararamdaman sa kaniya ang pagmamahal na kailangan niya para manumbalik ang kaniyang self-esteem.
“Adrien really help me through it. Because he always said the right things that would make me feel better. He would say the best things at the right moment.”
Sumailalim rin daw sa therapy si Isabelle para mas mabalik sa ayos ang kaniyang mental health. Isa nga daw sa exercise na itinuro sa kaniya sa therapy ay ang affirmations. Ito ang pagharap niya sa salamin tuwing umaga paggising para ipaalala sa sarili kung gaano siya kaganda at kung ano ang worth niya.
“I had to go to therapy a lot. My therapist told me that you need to sit in front of the mirror and say you are beautiful and you are enough, cause otherwise your sons gonna think he is not enough.”
Ito ang pagkukuwento pa ni Isabelle.
Hanggang ngayon, ginagawa parin ni Isabelle ang parehong exercise na itinuturo niya rin sa apat na taon niyang anak na si Baltie.