Hindi madaling alamin ang ugali ng mga bata. Madalas, gusto nilang alamin ang mga nangyayari sa kanilang paligid, kahit ito ay posibleng makasama sa kanila. Ito ay dahil likas sa kanila ang sumubok ng kung anu-anong bagong mga bagay. Ngunit sino ba ang mag-aakala na isang baso ng tubig ang magiging sanhi ng pagkaparalisa ng isang batang babae?
Isang baso ng tubig: Paano ito naging sanhi ng kapahamakan?
Para sa dalawang t
aong gulang na si Jaclyn Derks at ang kaniyang ina na si, Kayla Rudichuk, tipikal ang naging simula ng araw.
Naglalaro sa loob ng bahay si Jaclyn, at si Kayla naman ay namimili sa labas. Nagulat na lang si Kayla nang tawagan siya at sinabing nahulog daw si Jaclyn sa isang baso ng tubig, at may nakabaon na bubog sa leeg niya.
Kwento niya na naglalaro lang daw ang kaniyang anak, nang biglang nahulog siya sa baso. Isang malagim na aksidente ang buong pangyayari.
Dali-daling nagpunta si Kayla sa ospital at nanlumo nang kaniyang makita na punong-puno ng dugo si Jaclyn. Hindi niya inasahang makikita sa ganoong kalagayan ang kaniyang anak.
Sa kabutihang palad, natanggal ang bubog na nakabaon sa leeg ng bata. Ngunit dahil dito, naparalisa ng bahagya ang katawang ni Jaclyn. Ngayon ay nahihirapan nang gumalaw ang dating masayahing bata.
Isang malagim na aksidente ang nangyari
Ilang linggo rin nakaratay sa ospital si Jaclyn. Ngunit matapos ng matinding physical therapy, dahan-dahan na siyang nakakabawi. Nagagalaw na niya ng bahagya ang kaniyang kaliwang kamay at braso.
Ngunit matagal-tagal pang gamutan ang kinakailangan ni Jaclyn. Hanggang ngayon ay kailangan pa niya ng tulong upang makapaglakad. Hindi rin sigurado ang mga doktor kung makakalakad pa siya tulad ng dati.
Bagama’t gumagaling na ang kaniyang anak, naaalala pa rin ni Kayla ang matinding takot na naramdaman dahil sa nangyari. Sabi niya na akala niya ay mawawala na ang kaniyang pinakamamahal na anak. Buti na lang at naisalba siya sa tulong ng mga doktor. Umaasa si Kayla na balang araw, makakapaglakad ulit ang kaniyang pinakamamahal na anak.
Mga mahahalagang tips
Kahit na safe ang inyong bahay at nagawa mo na ang lahat upang siguraduhin itong maayos, hindi pa rin madaling iwan ng basta basta ang iyong anak.
Alam naming mahirap maging magulang, ngunit mahalaga pa rin na tutukan ang inyong mga anak.
Hindi ito madaling gawin, pero mayroong ilang mga hakbang na puwedeng gawin ang mga magulang upang masiguradong ligtas ang kanilang mga anak.
- Huwag hayaang maligo ng mag-isa ang inyong mga maliliit na anak.
- Huwag mag-iwan ng mga lalagyan ng tubig tulad ng tabo o timba na nakakalat sa bahay.
- Wag iwanan ang mga baso ng mainit na tubig o kaya mga tasa na may mainit na inumin sa gilid ng mga lamesa.
- Itali ang mga cord sa mga window blinds upang hindi maabot ng mga bata.
- Huwag hayaang lumapit ang mga alagang aso o pusa sa mga sanggol.
- Ilayo ang mga panlinis sa bahay at mga nakakalasong kemikal sa mga bata. Ilagay ito sa mataas na mga cabinet.
- Maglagay ng safety gate sa taas at baba ng mga hagdan.
- Maglagay rin ng mga guar sa mga electric plug upang hindi paglaruan ng mga bata.
- Turuan ang inyong anak na umiwas sa mga lugar sa bahay na posibleng makasama sa kanila.
- Huwag iwan sa kung saan-saan ang mga gamit panluto tulad ng kutsilyo, kawali, atbp.
References: Yahoo
Ang article na ito ay isinalin sa Filipino ni Alwyn Batara
https://sg.theasianparent.com/examples-of-hazards-in-the-home
Basahin: Heto ang dahilan kung bakit hindi dapat maglaro sa labas kapag may bagyo