X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

4 na taong gulang na bata, na-stroke dahil sa bulutong

3 min read
4 na taong gulang na bata, na-stroke dahil sa bulutong

Kapag napabayaan ang bulutong sa bata ay puwede itong maging sanhi ng tinatawag na ischemic stroke, na posibleng maging sanhi ng pagkamatay.

Para sa marami sa atin, normal lang sa mga bata ang magkaroon ng bulutong. At kadalasan, hinahayaan lang ito ng mga magulang dahil kusa naman itong nawawala. Ngunit alam niyo ba na puwede itong magdulot ng tinatawag na ischemic stroke?

Ating alamin kung paano ito nangyari, at kung dapat bang mag-alala ang mga magulang dahil dito.

Simpleng bulutong ay puwedeng maging sanhi ng ischemic stroke

ischemic stroke

Naospital si Sophie dahil sa ischemic stroke na nagmula sa chickenpox. | Source: Daily Mail

Masayahing bata ang 4 na taong gulang na si Sophie Fuller, mula sa UK. Ngunit dahil sa komplikasyon ng kaniyang bulutong, nagkaroon siya ng permanent brain damage, at napilitang matutong magsalita at maglakad muli.

Noong Hulyo ay nagkaroon si Sophie ng bulutong, o chickenpox. Akala ng kaniyang mga magulang na simple lang ang karamdaman ng anak, at ginawa nila ang regular na pag-aalaga sa batang may bulutong.

Isang araw, napansin ng tatay ni Sophie na si Edwin na nahulog si Sophie sa kama. Nang binuhat niya ang bata para ibalik sa kama, nagulat siya nang biglang nangisay ang bata.

Nakita ng nanay ang pangyayari, at noon din ay alam niyang nagkakaroon ng stroke ang kaniyang anak. 

Advertisement

May panganib na magkaroon si Sophie ng pangalawang stroke

Dali-daling dinala si Sophie sa ospital, at sa kabutihang palad ay nasagip nila ang buhay niya. Ngunit malaki ang naging pinsala sa kanya ng nangyaring ischemic stroke.

Ayon sa MRI ay nagkaroon daw ng permanentent pinsala sa utak si Sophie, at naging manipis ang blood vessels sa kaniyang utak. Dahil dito, posible daw na magkaroon siya ng pangalawang stroke, kapag napabayaan.

Bukod dito, kinailangan ulit turuan magkalad si Sophie, at hindi na niya maigalaw ng maayos ang kaniyang kanang kamay at braso. Ngunit ang mahalaga ay ligtas siya.

Sa ngayon, sumasailalim pa rin sa therapy si Sophie, at kinakailangan niyang uminom ng pampanipis ng dugo upang makaiwas sa stroke. Natatakot pa rin ang kaniyang mga magulang na baka maulit ang nangyari kay Sophie, pero umaasa sila na makakarekober na ang kanilang anak.

Dapat bang mag-alala ang mga magulang sa ganitong stroke?

Matagal nang alam ng mga doktor na puwedeng maging sanhi ng stroke ang chickenpox. Ngunit ang dapat tandaan ng mga magulang ay napakabihira at napakaliit ng posibilidad na mangyari ito. Kaya’t walang dapat ipag-alala ang mga magulang.

Gayunpaman, mabuti na rin na bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak na mayroong bulutong. Ito ay para masiguradong wala silang kakaibang nararamdaman, at nakakainom sila ng gamot.

Nakakatulong rin ang pagbibigay ng chickenpox o varicella vaccine sa mga bata, upang hindi na sila magkaroon ng bulutong.

Partner Stories
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
The Effect of Pure Vitamin E on One’s Beauty and Immunity
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Kids at risk of stunting? This Growth Calculator can help moms find out plus predict their future height!
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth
Andi Manzano On Raising Amelia: From Allergy Prevention to Holistic Growth

 

Source: Daily Mail

Basahin: Mga newborn puwedeng magkaroon ng stroke!

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jan Alwyn Batara

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • 4 na taong gulang na bata, na-stroke dahil sa bulutong
Share:
  • Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

    Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

  • 10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

    10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

  • Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

    Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

  • Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

    Sintomas ng UTI sa babae: Sanhi, gamot, at paraan para maiwasan ito

  • 10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

    10 na Sintomas ng Sakit sa Atay na Dapat Mong Bantayan

  • Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

    Colon cancer symptoms: Sanhi ng colon cancer at paano ito malulunasan

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko