Bilang working mom, hindi talaga madali na i-balanse ang oras sa trabaho at pamilya. Pero paano nga ba ito ginagawa ni mom influencer, Nanay Isha Borromeo? Bilang mom influencer, may mga bagay ba siyang ginagawa para hindi ma-sacrifice ang quality time with family?
Isha Borromeo
Kilala si Isha Borromeo o Nanay Isha dahil sa kanyang mga beauty and family vlogs sa YouTube. Kuwento niya, 2011 noong una siyang nag-upload ng video at simula noon ay nag-transition na siya mula sa mga beauty to family and lifestyle videos.
Image from @nanayisha’s Instagram
Ang inspirasyon niya raw noon ay si Michelle Phan, na isang international beauty guru. Marami raw kasi siya noong mga pimples at tuwing nags-scroll siya sa internet ay nakikita niya ang mga videos ni Michelle Phan. Kaya naman nabanggit niya rin sa kanyang ama na someday, gusto niya ring maging katulad nito.
Kuwento niya pa,
“When my father was diagnosed with cancer, he got some money from the company then he just bought me a camera. Imbis na kanya na lang lahat ‘yun, he bought me a camera and told me to do what I’ve always wanted to do.”
Bagama’t iba na ang kanyang niche ngayon, kita pa rin naman kay Nanay Isha ang kanyang pagiging young!
Paano hindi ma-sacrifice ang quality time with the family?
Image from @nanayisha’s Instagram
Ngayong lockdown, kahit ang work setup daw ni Nanay Isha ay nag-iba. Lalo pa’t nagbubuntis siya ngayon, mayroon siyang mga bagay na kinakailangan niya rin talagang i-sacrifice. Priority niya raw ngayon ang pagpapahinga at syempre pag-asikaso na rin sa kanyang pamilya.
Tulad na lang ng pagtuturo kay Sky, ang kanyang 6-year old na anak. Very hands on siya pagdating sa homeschooling nito at nanonood pa nga raw siya ng YouTube videos kung paano maiga-guide nang maigi ang mga bata sa kanilang homeschooling. Dahil first child si Sky, nangangapa rin daw si Nanay Isha lalo na’t sanay din sila sa traditional schooling.
Sa ngayon ay nakapag-print na raw siya ng mga guide o modules para ma-introduce na sa kanyang anak ang bagong setup na ito.
Image from @nanayisha’s Instagram
Pagdating naman sa quality time, narito ang kanyang pahayag:
“It’s very tough lalo na kapag mayroon ka pang toddler. Sky is 6 years old, so syempre gusto niya talaga ng attention. Pero ako as a mom, kailangan matututunan niya yung time management, I have reinforce it. Also, it’s good to have a place to work. Ako, I turned one of the rooms dito sa bahay into my office. Alam ni Sky na when I’m inside, it’s working time for me.”
Pero paliwanag niya, hindi rin dapat sobrang nauubos ang oras sa trabaho. Mahalaga pa rin na mag-set ng time para maka-bonding ang pamilya lalo na ang mga bata dahil dito nila mararamdaman na priority sila.
Ano naman ang mga nagbago sa kanilang lifestyle simula nung nag-quarantine
Image from @nanayisha’s Instagram
Una sa lahat, tinanong namin kung paano niya ipinaliwanag kay Sky ang nangyayari. Hindi ba naging mahirap ito dahil hindi na muna siya puwedeng lumabas upang makipaglaro sa ibang bata?
Ayon sa kanya, hinahayaan niyang manood ng news ang kanyang anak kasama nila. Dahil visual learners ang mga toddlers, mas maigi kung nakikita nila kung ano talaga ang sitwasyon para alam din nila ang bigat nito at hindi dapat balewalain.
“There’s not much of a difference. Pero I know na we’ve discover more things about each other. Like si Sky, okay pala siyang tumulong sa kitchen. Hindi na siya masyadong nagpe-pay attention sa toys niya. Si Tatay Luks naman, nahihilig sa plants. Tsaka natututo na rin siyang magluto! And ngayon naging bonding na rin namin ‘yung panonood ng movies. Hindi na kami hiwa-hiwalay ganun.”
Image from @nanayisha’s Instagram
Pagdating naman sa paglalaro kasama ang mga kaibigan,
“‘Yun ang lagi niyang tinatanong kasi yung ibang bata nakikita niya na lumalabas naman. For me, sinabi ko sa kanya na mababa ang immune system ng mga bata. Tapos tatanungin niya, ano ‘yung immune system? Tapos minsan nagvi-visual pa ako sa kanya para i-explain. Ngayon alam niya na na dapat magco-cover ng mouth kapag may umuubo or dapat laging nakasuot ng mask. Ganun.”
Isa pa sa mga naibahagi ni Nanay Isha ay ang pagtira nila sa probinsya. Ayon sa kanya, bilang dating nakatira sa Metro Manila, mas gusto raw nila doon. Hindi na nga raw niya ma-imagine na babalik sa city dahil mas payapa at healthy ang paninirahan sa probinsya.
“It’s so much better here. I can’t even imagine going back to Manila anymore. ‘Pag may family ka na mas masarap talaga na sa province tumira.”
Sa panahong ito, importante pa rin talaga ang bonding and playtime kasama ang kids. Kaya naman sa tulong ng Johnson’s Baby Playdays campaign, sama-sama nating i-encourage ang pagiging active ng mga bata kahit na lockdown!
Alamin ang iba pang mga creative ways para masigurong active sila sa website na ito.
Para mapanood ang mga adventures nilang pamilya, narito ang YouTube channel ni Nanay Isha!
Basahin:
Ayaw ni nanay pero okay kay tatay? 5 dahilan kung bakit hindi dapat ito gawin
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!