Isko Moreno lolo na! Joaquin Domagoso kumpirmadong may baby na

Confirmed nang may baby si Joaquin Domagoso at Raffa Castro.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Proud to be lolo na ang dating Manila mayor na si Isko Moreno dahil na-reveal na may baby na ang kaniyang anak na si Joaquin Domagoso.

Mga mababasa sa artikulong ito:

  • Lolo Isko Moreno confirmed: Anak na si Joaquin Domagoso may baby na!
  • Isko Moreno and Joaquin Domagoso's father and son relationship

Isko Moreno ganap nang lolo

Panibagong taon, panibagong blessing sa bagong chapter ng buhay ng dating actor at politician na si Isko Moreno dahil siya ay ganap nang lolo.

Confirmed na grandfather na ang dating Manila mayor na si Isko Moreno dahil sa announcement na mayroon na ngang baby ang 20-year-old son niyang si Joaquin Domagoso.

Kinumpirma rin ito sa isang interview sa broadcaster at dating actor na si Diego Castro. Siya naman ang ama ng girlfriend ni Joaquin na si Raffa Castro. Si Raffa ang youngest daughter ng mamamahayag.

Larawan mula sa Instagram account ni Raffa Castro

Pagkukwento ni Diego, nagulat daw siya nang malaman na buntis na ang kaniyang youngest daughter. Ngunit ayon sa kaniya, natuwa naman siya sa katapangang ipinakita ni Joaquin nang humarap ito sa kanila para ipaalam ang bagong blessing sa kanilang pamilya.

Pagkukwento ni Diego Castro, maayos naman na silang nagkausap ni Joaquin patungkol sa sitwasyon. May respeto rin itong humarap sa kanila at maayos ang pakikitungo nito sa kanila.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"I've met sila JD long time na. He's a good kid, nag-uusap kami. He was respectful enough to talk to me about the situation and he's doing well."

Masaya rin daw siya na nakapagpo-provide ito nang maayos para sa kanilang pagbubuo ng pamilya,

"I think as a dad and of course he's providing well so I'm happy about that."

Matatandaan na una itong ibinalita ng showbiz columnist na si Cristy Fermin. Ayon kay Fermin, mayroon ng anak si Joaquin Domagoso at binahagi na rin ang pangalan ng anak nito na si 'Scott'.

“Heto po, ipinanganak na po ang baby ni Joaquin Domagoso na kamukhang-kamukha raw ni Mayor. Batang lalaki na pinangalanan nilang Scott."

"Alam mo ba kung ano ang tawag kay mayor sa Tondo ng mga kapitbahay niya? Iskat, parang Iska."

Larawan mula sa Instagram account ni Joaquin Domagoso

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dagdag pa ni Cristy, sobrang cute pa nga raw ng baby ni Joaquin.

“Napaka-cute raw po ng baby ni Joaquin Domagoso, ang tambok-tambok ng pisngi, ang taas ng ilong at ang guwapo-guwapo,”

Nauna nang lumabas ang isyu ng pagiging ama ni Joaquin nitong mga nakaraaang buwan. Bagay na hindi naman tinanggi o kinumpirma ng kampo ng pamilya Moreno o Castro.

Marami rin ang na-curious noon kung sino ang naging ina ng magiging anak niya dahil naging mysterious ang identity ni Raffa. Marahil ito ay upang protektahan na rin ang safety both ng mag-ina sa publiko.

Bagaman nanatiling tahimik ng ilang buwan, ngayon naman ay kapwa proud daddy at proud lolo ang mag-ama.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Isko and Joaquin's father and son relationship

"To listen."

Ganito raw parating pinapaalalahanan si Joaquin Domagoso ng kanyang amang si Isko Moreno. Mahalagang gawin daw kasi niya parati ay makinig sa mas nakakaalam upang matuto.

Unti-unti na rin kasing tumatanyag ang pangalan ni JD ngayon sa larangan ng showbiz, kaya naman punong abala si Isko sa paggabay sa kanyang anak. Para kay JD malaking tulong daw ang ginagawang ito ng kanyang ama.

Larawan mula sa Instagram account ni Isko Moreno

“It sounds so simple but actually it’s very important and very meaningful.”

Nire-remind daw siya lagi ng kaniyang ama na makinig sa superiors, co-star, at iba pang kasama dahil wala pa siyang gaanong kaalam-alam sa larangan ng showbiz.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

"He reminds me to listen to my manager. Wala pa ako masyadong alam sa showbiz, so I cannot just go in and pretend that I know everything."

"Papa said that I need to listen to my superiors, sa mga may alam, to my co-stars during the shoot kasi doon daw lalabas ang reaction ko kung talagang nakikinig ako.”

Maiingat na ginagabayan si Joaquin ng kanyang ama dahil pinapasok nito ang parahong larangan na pinagmulan din niya. Kumbaga, nagiging mentor or adviser na rin si Isko sa mga hindi dapat at dapat gawin ni Joaquin sa showbiz.

Dagdag pa ni Joaquin, nais niya raw na manataling humble kahit pa unti-unti nang nakilala ang kanyang pangalan ng karamihan. Gusto niya raw kasing maging mapagpakumbaba.

“I stay the same.”

“Ayokong umangat ang pagtingin ko sa sarili ko. I stay humble, stay grounded. I guess the thing that has changed is the way people regard me. They want to have selfie with me, pa-picture sa akin, at okey lang naman sa akin all the time.”

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Ange Villanueva