Isoxilan: Pag-gamit, side effects, at presyo

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang Isoxilan ay ang brand name para sa gamot na Isoxsuprine HCl. Mula ito sa manufacturer na Biofemme, Inc at idini-distribute ng United Lab o mas kilala sa tawag na Unilab. Alamin natin ang lahat ng kailangang malaman sa Duvadilan.

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan, at napapanahon, ngunit, hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Para saan ang Isoxilan?

Ang Isoxilan ay ginagamit bilang pampa-relax ng uterus at muscles. Ginagamit ito upang maiwasan ang premature labor. Dahil sa active ingredient nitong Isoxsuprine HCl, nagpapalaki rin ito ng mga ugat na nakakatulong sa pagbubuntis. Napapadaloy nito ang dugo kahit pa naiipit ito ng bigat ng dinadalang sanggol.

Maaari rin itong gamitin para sa peripheral vascular disease, o mga blood circulation disorder bilang karagdagang gamot. Nabibilang sa mga ito ang arteriosclerosis obliterans, thromboangitis obliterans (Buerger’s disease) at Raynaud’s disease.

Tamang doses sa paggamit

Preterm labor

Maaaring uminom ng 2 tableta ng Isoxilan tatlo hanggang apat na beses sa isang araw. Ito ay matapos tumigil ang mga contractions nang hanggang 12 oras dahil sa Isoxsuprine na itinurok sa ugat o muscles.

Maaari din itong gamitin sa IV infusion na sisimulan sa 100mg sa 500ml na infusion fluid. Sisimulan ang infusion rate sa 0.5ml/min (10 drops/min). Tataasan ang infusion rate sa pagdagdag ng 10 drops/min kada 10 minuto.

Kapag naman ituturok sa muscles, kailangan ng 10mg kada 3 oras sa loob ng 24 oras. Matapos ito, bababa ang bilang sa 10mg kada 4-5 oras sa loob ng 48 oras.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Problema sa daloy ng dugo

Kung gagamitin para mapadaloy ang dugo, maaaring uminom ng 2 tableta tatlo hanggang apat na beses sa isang araw. Maaari din iturok sa muscles ang 5-10mg tatlong beses sa isang araw, araw-araw.

Maaaring itong inumin nang may laman ang tiyan o wala. Upang mabawasan ang maaaring idulot na kawalan ng ginhawa sa tiyan, pinapayo na uminom nito kasabay ng pagkain, gatas o antacid.

Hindi maaaring gumamit ng Isoxilan

Ang Isoxilan ay hindi iminumungkahing gamitin agad pagkatapos manganak. Hindi rin ito maaari sa mga nakaranas ng premature na pagbitaw ng placenta.

May ilang mga kondisyon na nagiging rason kung bakit hindi maaaring bigyan ng Duvadilan ang pasyente.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Arterial hemorrhage

Hindi ito ipinapahintulot inumin ng mga nawalan ng dugo sa artery. Kadalasan itong nauugnay sa vessel trauma o sa pagtanggal ng large-bore arterial catheter.

Sakit sa puso

Ang mga sakit sa puso na nabibilang dito ay ang mga sumusunod:

  • Coronary artery disease (paninikip ng arteries)
  • Nakaranas ng pag-atake ng puso
  • Abnormal heart rhythms, o arrhythmias
  • Heart failure
  • Heart valve disease
  • Congenital heart disease
  • Heart muscle disease (cardiomyopathy)
  • Pericardial disease
  • Aorta disease at Marfan syndrome
  • Vascular disease (blood vessel disease)

Malubhang anemia

Ang kondisyon na walang sapat na red blood cells ang tao para magdala ng oxygen sa mga tissue.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hypotension

Ipinagbabawal ito sa mga may mababang blood pressure. Kapag ang blood pressure ng isang pasyente ay mas mababa pa sa 100mmHg systolic, hindi pinapayuhan na gumamit nito. Ito ay dahil, kadalasan, ang Duvadilan ay nakakapagpababa ng blood pressure. Ang pagbaba pa lalo ng blood pressure ng isang tao ay hindi maganda sa kalusugan.

Tachycardia

Isang kondisyon na nagpapabilis ng tibok ng puso nang higit sa 100 beses kada minuto.

Side effects ng paggamit ng Isoxilan

Ang paggamit ng gamot na ito ay maaaring magdulot ng:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Hypotension
  • Tachycardia
  • Pagbilis ng tibok ng puso
  • Pagkahilo
  • Pamumutla

Maaari rin itong maging sanhi ng katamtamang pagbilis ng tibok ng puso ng fetus kung ginamit bilang IV infusion para sa premature labor.

Maaari rin itong magdulot ng malubhang hypotension kapag sinabay sa ibang vasodilators at antihypertensives.

Presyo sa tindahan

Ang Duvadilan ay karaniwang mabibili nang 10mg na mga tableta. Bawat tableta ay nagkakahalaga nang nasa P22.75. Maaari rin itong bilhin bilang solution para sa injection na may lakas na 5mg/ml. Bawat ampoule nito ay nagkakahalaga nang nasa P191.

Itigil ang paggamit ng Isoxilan kung magkaroon ng mga pantal. Upang maiwasan ang pulmonary edema, bantayan ang hydration, tibok ng puso at paghinga ng pasyente. Hangga’t maaari, panatilihin sa pinakamababa ang fluid infusions. Para sa infusion, masmakakabuti ang paggamit ng hypotonic dextrose kumpara sa isotonic saline solution.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Source: Mims, Unilab

Sakit ng ulo: Mga gamot para maibsan ang headache