Pagpapakain ng itlog sa baby: Safe nga ba para sa kanila?

Maraming benefits ang pagpapakain ng itlog sa baby ngunit maari rin itong maging mapanganib lalo sa mga allergic rito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Itlog sa baby? Safe nga ba sa kanila?

Marahil nagtataka ka kung bakit hindi ito magiging safe samantalang itinuturing ito na superfood dahil sa mga bitamina at nutrinang taglay nito. Dagdag pa ang murang presyo at maraming klaseng luto na puwedeng gawin dito. Mapa-prito, nilaga o scrambled egg siguradong mabubusog na ang iyong baby kasama pa ang magandang dulot nito sa kaniyang kalusugan.

Pero gaya ng soy, peanut at iba pang pagkain na nakaka-allergy, ang itlog din ay may allergens na sensitive sa mga taong allergic dito. Ngunit dahil healthy at malambot, ang itlog ay isa sa mga unang pagkain na ibinibigay sa baby.

Noong una ay ipinapayo ng mga pediatrician na maghintay muna na mag-isang taon ang baby bago magpakain ng itlog dito dahil sa allergic reactions na maaring maidulot nito sa mahina pa niyang katawan. Ngunit may bagong rekomendasyon na mula sa mga medical experts, ang pagpapakain daw ng itlog sa baby ay puwede nang gawin ng pakonti-konti kahit wala pa man itong isang taong gulang. Ito ay dahil sa mga bitamina at iba pang nutrina na makukuha ng baby sa itlog na kailangan ng kaniyang katawan.

Health benefits ng itlog sa baby

Ang isang buong itlog ay nagtataglay ng 77 calories at 6 grams’ ng protein. Mayroon din itong riboflavin, Vitamin B12, folate, phosphorus, selenium at iba pang nutrina ng kailangan ng isang baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang dilaw ng itlog nga lang o yolk ay nagtataglay na ng 250 milligrams ng choline na tumutulong para sa normal na cell activity. Ito din ay kailangan ng atay o liver para sa maayos na function nito. Ang choline din ay tumutulong sa transportasyon ng mga nutrina sa buong katawan at nagpapatalas ng memorya ni baby.

Ang puti ng itlog naman ay nagtataglay din ng mga nutrina at protina ngunit ang iba nga lang dito ay maaring makapagdulot ng mild hanggang severe allergic reaction.

Noong una ay pinaniniwalaang ang pagpapakain ng itlog bago pa man ang isang taong kaarawan ng baby ay maaring mag-dulot dito ng allergy. Taliwas sa lumabas na resulta mula sa isang pag-aaral na ipinublished sa The Journal of Allergy and Clinical Immunology noong 2010. Matapos mapag-aralan ang records ng 2,600 na baby, lumabas sa pag-aaral na ang late na pagpapakain ng itlog sa baby o matapos pa ang kanilang unang taong birthday ay mas nakakapagdulot ng allergy kumpara sa pagpapakain ng itlog sa baby sa pagitan ng ika-apat o anim na buwan nito.

Allergy symptoms ng itlog sa baby

Samantala, ang pagkakaroon naman ng allergy sa itlog ng isang baby ay maaring makapagdulot ng panganib sa mahina pa nitong katawan. Maaring ito ay magkasakit, magkaroon ng rashes o makaranas ng iba pang allergic reactions gaya ng sumusunod na maari ring makita kapag ito ay nakakain ng iba pang pagkain na nakaka-allergy:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Hives, pamamaga, eczema o pamumula ng balat
  • Pagtatae, pagkahilo, pagsusuka
  • Pangangati sa paligid ng bunganga
  • Pag-atsing, pagkakaroon ng runny nose o nahihirapang huminga
  • Mabilis na tibok ng puso, mababang blood pressure at iba pang heart issues

Ang tindi ng allergic reaction ng isang baby ay nakadepende sa dami ng nakain nito at sa lakas ng immune system niya. Ngunit sa mga hindi pangkaraniwang pagkakataon, ang simpleng allergic reaction ay nauuwi sa seryosong kondisyon na kung tawagin ay anaphylaxis na mapanganib sa buhay ng isang baby.

Ilan sa sintomas ng anaphylaxis ay ang hirap sa paghinga at ang pagbagsak ng blood pressure na nangangailangan ng agarang medikal na atensyon.

Ang pagkakaroon naman ng allergy ay kadalasang namamana o hereditary. Kaya kung ang isa sa inyong pamilya ay may allergy sa itlog mas mabuting hinay-hinayin ang pagbibigay ng itlog sa baby. Ganun din kung ang iyong baby ay mayroong eczema, dahil ang pagpapakain ng itlog ay maaring mas magpalala pa sa skin condition na ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung sakali namang allergic nga sa itlog ang iyong baby, huwag mag-aalala dahil malalagpasan at kalalakihan niya rin ito. Madalas ang egg allergy ay nawawala kapag tumuntong na ang isang bata sa limang taong gulang.

Pagpapakain ng itlog sa baby

Para naman dahan-dahang maipakilala ang itlog sa baby lalo na sa mga 7 months pataas na kailangan ng isa hanggang dalawang kutsara ng protein sa isang araw, may mga paraan na maaring gawin para din masiguro na ito ay safe sa kaniya at hindi magiging dahilan ng allergy.

Upang malaman kung allergic ang baby sa itlog, subukan ang 4-day wait strategy. Ito ay pagpapakain ng itlog sa baby sa unang araw o day 1. Matapos ng day 1 ay huwag magdagdag ng anumang pagkain sa diet ng iyong baby sa loob ng apat na araw. Kung makakapansin ng allergic reaction, ipaalam agad sa iyong doktor. Kung wala namang sintomas nito sa loob ng apat na araw, ito ay indikasyon na hindi allergic sa itlog ang iyong baby.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagpapakain naman ng itlog, unahing ipakain sa baby ang dilaw ng itlog o yolk. Narito ang tatlong paraan para maihanda ito.

  1. Ilaga ang itlog at kunin ang dilaw nito. Durugin ang yolk sa breastmilk o formula milk at ipakain sa baby. Kung nakakakain na iba pang solid foods ang iyong baby maaring magdagdag ng avocado, saging o mashed potato dito.
  2. Mula sa hilaw na itlog, ihawalay ang egg yolk sa egg white. Mag-init ng kawali at lagyan ito ng butter. Tapos ay i-scramble ang yolk kasama ang iyong breastmilk o whole milk. Maari ring maglagay ng oatmeal, prutas o gulay dito.
  3. Mula ulit sa hilaw na itlog, ihawalay ang egg yolk sa egg white. Ihalo ang yolk sa nalutong oatmeal o gulay at i-scramble tapos ay himayin sa maliliit na piraso.

Kapag tumungtong na ng isang taon ang iyong baby ay maari na itong kumain ng buong itlog na puwedeng ihalo sa pancakes, waffles at iba pang baked na pagkain. Ang mga simpleng omelet naman na may artistic touch o dagdag na cheese ay magandang pampabuhay naman sa gana niyang kumain.

 

Sources: HealthLine, HealthLine, HealthLine

Basahin: Menu at recipes ng pagkain ng baby na akma sa kaniyang edad

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement