Iwa Moto on her kasambahays: "Kung anong kinakain namin, 'yon din ang kinakain nila"

Pag-amin ng dating aktres parang hindi niya kaya kung wala ang mga kasambahay niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iwa Moto nakikipagtulungan sa kaniyang mga kasambahay sa pagpapatakbo ng kanilang bahay ng mister na si Pampi Lacson.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Iwa Moto bilang fulltime housewife at ina.
  • Paano tinatrato ni Iwa Moto ang mga kasambahay niya.

Iwa Moto bilang full-time housewife at ina

Image from Iwa Moto’s Facebook account

Sa pamamagitan ng series of TikTok videos ay ibinahagi ni Iwa Moto ang buhay niya sa ngayon. Nakilalang sexy actress noon si Iwa na ngayon ay fulltime ng misis at ina sa pamilyang binuo nila ni Pampi Lacson. Sila ay mayroong dalawang anak na sina Mimi, 8 yo at CJ, 9-months-old.

Ayon sa mga TikTok videos ni Iwa ay very hands-on siya sa pagiging may-bahay. Bagama’t mayroon siyang dalawang kasambahay na humahalili sa kaniya.

Ito ay sina Analyn at Joan na ayon kay Iwa ay itinuturing niyang bahagi na rin ng kanilang pamilya. Kahit nga umano ang mga ito ay sinuswelduhan nila ay hinahatian niya pa rin ang mga ito sa mga gawaing-bahay. Sa katunayan, pagdating sa pagluluto para sa kaniyang pamilya ito ay eksklusibong si Iwa ang gumagawa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Nagluluto ako ng lunch for my family. Kapag maaga ako nagising at hindi ako napuyat sa gabi nagluluto rin ako ng breakfast. Naglilinis din ako ng kwarto ng umaga, every day.”

Ito ang pagbabahagi ni Iwa sa ilan sa ginagawa niyang gawaing-bahay sa araw-araw. Bukod pa rito ang pag-aalaga niya sa 9-months-old niyang anak na si CJ na dahilan ng pagkapuyat niya sa gabi.

Kaya naman laking pasalamat niya sa mga kasambahay niya na itinuturing niyang katuwang na pagpapatakbo ng kanilang tahanan.

“Katuwang ko sila Joan at Analyn dito sa bahay. Kasi tinutulungan nila ako on how I make sure that the house is running properly for my family,” sabi pa ni Iwa.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Iwa Moto’s Facebook account

Iwa parang pamilya at kapatid na ang turing sa mga kasambahay niya

Dagdag pa ni Iwa ay kapamilya na ang turing niya sa mga ito. Kaya naman ang tingin niya sa mga ito ay hindi naiba. Ultimo mga basic needs ng mga ito tulad ng sabon at shampoo ay sagot na nila.

“Sa food lahat kung ano kinakain namin ‘yon din ang kinakain nila. Or kapag ayaw ni Joan ng ulam nagluluto siya ng kaniya. I always tell them ng lahat ng nasa ref pwede nilang kainin.”

Hindi tulad ng ibang amo, si Iwa ay very close daw sa kaniyang mga kasambahay na parang kapatid niya na.

“Lumalabas nga ako ng CR na nakahubad nandyan lang siya (Joan). Wala akong pakealam, ganoon. Para kaming magkapatid na.”

Hindi rin umano nila nakakalimutan ng mister na si Pampi na i-reward ang mga kasambahay nila sa magandang mga trabaho ng mga ito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Kapag medyo maganda ‘yong work ni Pampi, ‘di tight ‘yong budget we give them something na parang thank you. Minsan 500, 1000 ganoon.”

@iam_iwaReply to @wena2178 😉♬ original sound – Aileen Iwamoto

BASAHIN:

Iwa Moto and Jodi Sta. Maria show that blended families do work!

Benepisyo at karapatan ng mga kasambahay sa Pilipinas

Dimples Romana, niregaluhan ng bagong bahay ang kasambahay niya for 17 years

Iwa sa pagtrato sa kaniyang mga kasambahay: “Kung tatratuhin ninyo silang tao, iyon ang importante.”

Pero hindi rin umano niya pinapalampas kung may nagawang mali ang mga ito. Bagama’t ito ay sinasabi niya sa maayos na paraan.

Pag-amin ni Iwa ay parang hindi niya kayang mabuhay kung wala ang mga kasambahay niya. Dahil ito ang tumutulong sa kaniya na magampanan ang obligasyon niya bilang asawa at ina. Kung tutuusin ay hindi umano siya naiba sa mga ito dahil gumagawa rin siya ng gawaing-bahay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Talagang literal na nagtutulungan dito sa bahay. kasi I cannot do all those things by myself.”

“So technically para rin akong katulong kasi gumagawa rin ako ng gawaing bahay. Housewife ako. Obligasyon ko ‘yon, trabaho ko ‘yon, hindi ako sinuswelduhan dun.”

May mensahe rin si Iwa sa mga taong tila minamaliit ang trabaho ng mga katulong o kasambahay. Sabi niya hindi mahalaga kung ano ang tawag sa kanila. Ang importante ay kung paano mo sila itratrato na hindi lang basta utusan kung hindi ng pantay at maayos na isa ring tao.

“Oo sinuswelduhan ko sila. Oo inuutusan ko sila. Yes, lahat ng iyon pero I do it nicely. I ask them nicely. I am fair to them, I give them time to rest.”

“It is how you treat people. It doesn’t necessary need the label. Kung tatratuhin ninyo silang tao, iyon ang importante.”

Ito ang sabi pa ni Iwa.

Taong 2012 ng kumpirmahin ni Iwa na sila ay may relasyon ni Pampi Lacson, ang dating asawa ng aktres na si Jodi Sta.Maria. Sila Jodi at Pampi ay may anak na 15-anyos ng si Thirdy.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Image from Iwa Moto’s Facebook account

Source:

Iwa Moto TikTok