Karamihan sa mga nagbuntis ay kaginhawaan ang nararamdaman matapos ang siyam na buwan na pagdadalang-tao. Ngunit sa sitwasyon ng isang mommy, labis na kalungkutan ang bumalot sa kaniya matapos silang iwan ng ama ng kaniyang baby.
Mababasa sa artikulong ito:
- Mommy labis na nalungkot ng iwan ng ama ng kaniyang baby
- Payo ng iba pang mommies
- Dapat gawin sa co-parenting setup
Mommy labis na nalungkot ng iwan ng ama ng kaniyang baby
Kalunos-lunos ang nangyari sa isang mommy mula sa theAsianparent community. Ito ay matapos daw siyang iwan ng ama ng kaniyang baby, ilang linggo lang matapos niyang manganak.
Kwento ng anonymous na nag-post sa theAsianparent app, two weeks matapos niyang magsilang ay nakipag-break na raw sa kaniya ang partner niya.
Binahagi ng mommy ang rason kung bakit siya hiniwalayan ng ama ng kaniyang anak. Ayon daw sa lalaki, lagi na raw kasi silang nag-aaway.
Ngunit may iba pa palang anak ang kaniyang partner sa unang asawa nito.
“His only reason is away nalang daw kami ng away and he had a first son sa una niyang asawa. He choose that child at pinalaya niya nalang kaming mag-ina.”
Kahit mahal pa ng anonymous sender ang kaniyang partner, sinabi umano ng ama ng kaniyang anak na hindi na magiging maayos ang kanilang relasyon. Gusto pa sanang ilaban ng mommy ang kanilang pagsasama dahil ayaw niya ng broken family.
“He keep insisted na di na daw kami magkakaayos pa at nagsusustento naman sa bata. I still love him kahit na ang sakit sakit ng ginawa nya sa’min.”
Sa ngayon, tingin ni mommy ay nakararanas siya ng postpartum depression. Kaya naman nanghingi siya ng opinyon sa iba pang nanay na katulad niya kung ano ang dapat gawin.
Payo ng ibang pang mommies
Maraming mommies ang nakisimpatya sa nangyari sa sender. Hindi madali ang pinagdadaanan nito lalo’t kakapanganak niya pa lang.
Ngunit tingin nila, dapat ay hayaan na nila ang ama ng kaniyang anak at mag-focus na lang siya sa kaniyang baby. Paglipas ng panahon ay makaka-move on din siya at magiging happy kasama ang kaniyang anak.
Heto ang ilang komento ng mga mommies sa theAsianparent community:
“Hayaan mo na siya mommy, kahit na sobrang sakit. Mas ok na ‘yong maghiwalay kayo kaysa naman nagsasama nga kayo, hindi ka naman na pala mahal. Sa ngayon, focus ka na lang muna sa baby mo at magpalakas ka. Huwag masyado magpaka-stress sa mga ganyang lalake.”
“Maybe hindi talaga siya handa sa inyo mommy. And hindi mo siya deserve. Hindi niya kayo deserve pareho ng baby mo. Tama na po ‘yong nakita niyo at nafeel na parang wala lang kayo sa kanya. Mommy, someday, pasasalamatan ka ng anak mo for letting that man go.”
“Sa umpisa lang po yan masakit. Give it time. Huwag mo madaliin, matatapos din ang lungkot or pain. At pagdumating ang panahon na yon, be proud kasi nalampasan mo na ‘yong pinaka-painful moment mo.”
“Move on, pero huwag mo siya pakawalan sa sustento kasi obligation niya ‘yon. ‘Yong mga ganyang lalaki, kapag pinag-stay mo sa buhay mo, bibigyan mo lang ng pagkakataon para makapangloko ulit. You deserve someone better.”
BASAHIN:
REAL STORIES: “Ayaw maghanap ng trabaho at puro laro ang inaatupag ng partner ko.”
Annulment vs divorce: Ano nga ba ang pinagkaiba?
Feeling neglected by your wife after having the baby? Here are some things she wants you to know
Dapat gawin sa co-parenting setup
Sa paghihiwalay ng mag-partner, may iba pang lubhang naapektuhan. Ito ay ang kanilang mga anak na posibleng hindi pa alam kung ano ang nangyayari sa kaniyang mga magulang.
Kaya naman mahalaga na kahit hindi na nagsasama ang magkarelasyon ay tumayo pa rin silang parents sa kanilang anak. Dito papasok ang konsepto ng co-parenting, kung saan nagkakasundo ang ex-couple sa pagpapalaki ng kanilang children.
Heto ang ilang tips para maging matiwasay ang co-parenting setup ng mga dating magkarelasyon:
Maging open sa communication
Mahalaga na huwag mag-iwasan at panatilihin ang komunikasyon sa inyong ex-partner. Ginagawa ito para sa inyong anak kaya kahit hindi naging maayos ang pagsasama ay maging open pa rin na makipag-ugnayan sa tatay o nanay ng inyong anak.
Kontrolin ang galit
Posibleng labis na galit ang naging ugat ng paghihiwalay ng ex, at hindi ito maiiwasan. Ngunit kailangang maging patient sa inyong ex-partner para sa inyong anak. Mahirap itong gawin lalo na kapag may masakit na nagawa ang inyong ex sa naging pagsasama.
Unahin ang sarili
Kapag sumobra na ang emosyon o may pinagdadaanang problema, kausapin muna ang inyong ex-partner tungkol dito. Ipaintindi sa kanila na kailangan niyo muna ng break para ma-adjust ang inyong co-parenting setup.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!