X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

6 Iwas stress tips ngayong bagong taon

4 min read
6 Iwas stress tips ngayong bagong taon

Marami ang maaaring panggalingan ng stress lalo na kapag bagong taon. Ito ang aming iwas stress tips para masimulan nang stress-free ang iyong bagong taon.

Ayon sa American Psychological Association (APA), marami ang nakakaranas ng stress sa pagdating ng bagong taon. Karaniwang nagiging sanhi ng stress ang kalungkutan, nararanasang ekonomiya, at maging ilang mga kamag-anak. Sa totoo, nasa kalahati ng mga kababaihan sa US ang nakakaranas ng stress sa panahon na ito. Sa mga ito, 41% ang ginagamit ang pagkain habang 28% naman ay alak ang tinatakbuhan. Subalit, hindi ito maganda sa kalusugan kaya kailangan nila ng masmabisang iwas stress tips.

Alamin ang aming iwas stress tips para ngayong bagong taon!

1. Magpahinga para kumalma

how to get rid of sleep deprivation

Kapag tumitindi ang stress o nakakaranas ng anxiety, makakabuti ang magpahinga nang mula 1 hanggang 5 minuto. Huminga nang malalim at kung maaari ay sa tahimik na kapaligiran upang mapakalma ang sarili at isip. Makakabuti rin ang pagrelax mula sa pagkagising pa lamang. Ayon kay Debra Brendt, eksperto sa visualization at hypnosis, ang pagkalma ng isip ay magandang paraan para simulan ang araw. Kaya pagkagising, isara ang mga mata, huminga nang malalim, at mag meditate. I-visualize na nakakamit ang iyong nais, o balikan ang mga masasayang alaala.

2. Ilagay ang sarili sa posisyon ng iba

Maaaring pagmulan ng stress ang mga tao sa iyong kapaligiran. Maaaring dahil sa isang tiyahin na pinipilit kang ubusin ang ginawa niluto nilang pagkain o kaya naman ay isang kaibigan na pilit kang pinapa-inom. Bago lumala ang stress o magalit, ilagay ang iyong sarili sa kanilang posisyon. Maaaring nais lang ng iyong tiyahin na makitang nagugustuhan ng iba ang kanyang luto. Maaari rin na para sa iyong kaibigan ay isa lamang itong paraan para magbonding ang magkakaibigan. Magpasalamat na lamang at pakawalan ang iyong stress.

3. Gumalaw-galaw

Advertisement

Kahit pa maging sobrang busy, hindi dapat itigil ang regular na pag-eehersisyo. Ayon sa mga pananaliksik, hindi lamang kalusugan ang napapabuti ng pag-eehersisyo kundi pati narin ang kalooban ng nag-eehersisyo. Napapalakas nito ang produksyon ng endorphins, ang nagpapabuti ng mood ng tao. Ayon nga sa pag-aaral mula Uniformed Services University of the Health Sciences in Bethesda, Maryland, ang mga regular na nag-eehersisyong natigil ay nakakaranas ng depression at fatigue isang linggo pa lamang na humihinto. Kaya huwag kalimutan ang isa sa mga pinakamabuting paraan para mawala ang stress.

ehersisyo para sa buntis

4. Kumain ng tama

Paligiran man ng tukso, makakabuting iwasan ang pagkain ng mga matatamis na pagkain na puno ng “empty calories”. Para mapanatili ang lakas, focus, at saya sa sarili, kumain ng mga totoong pagkain. Kumain ng mga gulay at prutas, gumamit ng olive oil at flax seeds, at piliin ang lean protein tulad ng isda at manok. Kung kakain ng tama, hindi kailangan na biglaang tanggalin ang pagkain ng mga junk food sa iyong diet, lalo na kung sugar addict ka. Maaaring ilimita lamang ang sarili mula sa pagkain ng junk food at sweets. Bawasan ang pagkain ng mga ito at siguraduhin na masmarami parin ang totoong pagkain.

5. Gumawa ng “to-do list”

Kapag mayroong to-do list, mapapakalma ang sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon ng gabay. Ganunpaman, kung talagang nakaka-overwhelm ang mga kailangang gawin, makakabuting magkaroon ng dalawang listahan. Sa isa, ilista ang mga kailangang gawin para sa iba. Sa isa pang listahan, mag-lista ng mga maaaring gawin para sa sarili. Magsalitan ng mga gagawin sa dalawang listahan. Halimbawa, matapos maglinis ng bahay, maaaring magsagawa ng self-care na gawain.

6. Maging mapagbigay

christmas gift wrapping ideas

Isa sa pinakamabisang paraan para kumalma at maging masaya at ang pagiging mapagbigay. Ganunpaman, hindi ibig sabihin nito ay ang gumastos nang malaking halaga ng pera. Maaari paring maging mapagbigay kahit pa walang kaakibat na gastos. Maaaring gawin ang gawaing bahay na nakatalaga para sa iyong mga kapatid. Maaari rin gumawa ng mga nakakatuwang tula o istorya na mae-enjoy ng iyong mga magulang. Maging malikhain, sigurading ikakatuwa ito ng iyong mga mahal sa buhay.

Marami man ang mga maaaring maging sanhi ng stress, huwag kalimutan ang iwas stress tips na maaaring makaligtas sa iyong sarili na gawin ang mga bagay na maaari mong pagsisihan.

Basahin din: 5 Paraan para bawasan ang parenting stress

Source: Psychology Today

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • 6 Iwas stress tips ngayong bagong taon
Share:
  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko