TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

5 Paraan para bawasan ang parenting stress

3 min read
5 Paraan para bawasan ang parenting stress

Alamin ang mga payo ni Dr. Janet Hicks ng Belmont University at alamin ang limang mga paraan para pababain ang parenting stress.

Ang pagiging magulang ay hindi lamang puro kasiyahan, nakaka-stress din ito. Mula sa mga gawaing bahay, tamang pagpapalaki sa mga anak, at sa mga gastusin, maraming inaalala ang mga magulang. Ngunit, ang stress ay nakaka-apekto sa tao at maaaring hindi magampanan nang mabuti ang mga tungkulin dahil dito. Para diyan, inihahandog namin ang limang paraan para mabawasan ang parenting stress.

 

Alagaan ang sarili

Importante na hindi pabayaan ang sarili ngunit sa pagaalaga sa mga anak, sa asawa at sa kabahayam, madalas itong nalilimutan. Hayaan ang sarili na magpahinga rin at maglaan ng oras para sa sariling kapakanan.

Kung hindi makalabas para mamasyal, maaaring mag-meditate o mag-ehersisyo nang ilang minuto lamang. Isipin ang mga gagawin para sa araw at ipagpaliban muna ang mga hindi gaanong importante. Tandaan, mas-importanteng alagaan ang sarili para masmaayos na maalagaan ang mga mahal sa buhay.

 

Gumawa ng aktibidad

Ugaliing gumawa ng aktibidad na nakakapagtanggal sa parenting stress. Ito ang mga aktibidad na nakakapagklaro ng isip at nakakapag-parelax sa katawan. Nagdedepende ito sa bawat tao. Maaaring subukan ang mindfulness, muscle relaxation, yoga, ehersisyo, journaling, o iba pang aktibidad. Huwag kalimutan na ang layunin nito ay pabutihin ang pangkabuohang kalusugan.

 

Lumahok sa mga kinahihiligan

May mga kinahihiligan bang aktibidad bago maging magulang na kinalimutan na simula nagka-anak? Kung oo, maaaring balikan at lumahok sa mga aktibidad na ito. Hindi kailangang kalimutan ang personal na passion dahil lamang mayroon nang pamilya.

Tandaan, ang masasayang pamilya ay binubuo ng mga tao ay na binabalanse sa isa’t isa ang mga kagustuhan at hilig. Kung maaari, pwedeng isama ang anak sa aktibidad o kaya naman ay humanap ng ibang maaaring gawin kasama ang bata.

 

Sumama sa iba pang mga magulang

Mahalaga ito lalo na kung ang pakiramdam ay mag-isa ka sa iyong pinagdadaanan. Kadalasan, kapag ang pakiramdam ay napakabigat na ng pinagdadaanan, nalilimutan isipin ng tao na hindi siya nag-iisa.

Maaaring makipagkita sa mga kaibigan na may anak rin at makapag-usap habang naglalaro ang mga bata. Hindi ka lamang nito binibigyan ng mapaglalabasan ng mga stress sa buhay, mayroon ka ring nabigay na kalaro sa iyong anak.

Ang ibang mga magulang ay maaaring magsilbing support group para sa kalusugan ng iyong pag-iisip. At malay mo, makakuha ka rin ng ibang tips para mabawasan ang iyong parental stress.

 

Baguhin ang pag-iisip

Kadalasan, sa pagtuon natin sa ating stress, nakikita natin ito bilang masmalaki kaysa sa kung ano talaga ito. Sa isang maliit na problema lamang, lumalaki ito dahil lamang sa stress na ikinakabit natin dito. Dahil dito, ang mga simpleng problema ay nagigign napakabigat na pinagdadaanan.

Baguhin ang ganitong pag-iisip at tignan ang mga bagay sa kung ano talaga ito. Sa susunod na may maisip na negatibong bagay, hamunin ang sarili na mag-isip ng bagay na mas positibo.

 

Ang iyong mga anak ay magiging maliit lamang nang ilang taon. Magugulat ka nalang na malaki na sila at tatawanan ang mga pinoproblema ngayon. Huwag tumuon sa stress at i-enjoy ang panahon ngayon habang maliit pa ang mga anak. Hindi sila habang buhay na ganito.

 

Source: PsychologyToday

Basahin: 6 na paraan para matanggal ang stress ng buong pamilya, ayon sa mga eksperto

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Is Your Child Experiencing Digestive Discomfort? Here’s How to Tell
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Starting Preschool? 10 Ways to Get Your Child Ready For School
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development
Four Findings Every Parent Should Know About Brain Development

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Camille Alipio-Luzande

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Pagpapalaki ng anak
  • /
  • 5 Paraan para bawasan ang parenting stress
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

    Car Safety Reminders: Bata Nahulog Habang Umaandar ang Sasakyan sa Roxas Boulevard

  • Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

    Open Letter sa mga Magulang: Palakihin Natin ang Ating mga Anak ng Maayos Nang Hindi Sila Nagiging Bully

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko