Mom of three na ang actress-host na si Iya Villania!
Nitong umaga lang ng Sabado, ibinahagi ni Mommy Iya ang kanyang delivery journey sa kanyang Instagram account. Aminado ang aktres na naging mahirap ang naranasang panganganak nito.
Ang IG story nito ay may caption na “Thank you, Lord. Delivery is hard. Thank you Lord for getting me through that once again.”
Proud na proud naman si Daddy Drew Arellano sa kanilang first baby girl! Sa Instagram account nito, ibinahagi niya ang unang picture ng kanilang little angel.
Meet baby Alana Lauren Arellano!
May baby sister na sila Kuya Primo and Kuya Leon!
Ang celebrity couple na sina Iya at Drew ay nagpakasal noong 2014. Mayroon silang dalawang anak na si Primo at Leon.
BASAHIN:
Iya Villania, inaming takot siyang babae ang third baby nila ni Drew
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!