X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Tungkol sa Anak
    • Sanggol
    • Preschooler
    • Preteen at Teenager
    • Toddler Years
    • Bata
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Iya Villania, nag-umpisa ng potty training kay Leon at 4 months!

5 min read
Iya Villania, nag-umpisa ng potty training kay Leon at 4 months!Iya Villania, nag-umpisa ng potty training kay Leon at 4 months!

Ibinahagi ng celebrity mom na si Iya Villania ang potty training nila ni baby Leon. Alamin rin ang kahalagahan at ilang tips para sa proper potty training.

Ibinahagi ng celebrity mom na si Iya Villania ang potty training nila ni baby Leon. Alamin ang buong kwento rito! Ngunit ano nga ba muna ang kahalagahan ng potty training?

Sa paglaki ni baby, marami na siyang natutuklasan o nagagawa sa tulong ng kanyang sarili lamang. Katulad ng pagtayo, unang pagsasalita, mga basic emotions at iba pa. Pero hindi magiging successful ang lahat ng ito kung wala ang tulong mo mommy. Ikaw ang matyaga at kasama ni baby sa araw-araw. Sayo niya nakukuha at natututunan ang kanyang dapat matutunan. At isang araw, hindi mo namamalayan na na-adopt na pala niya ito.

Ngunit ang tanong, naturuan mo na ba si baby ng proper toilet training? Naku mommy! Mahalagang matutunan ito ni baby sa murang edad pa lamang kahit paunti-unti. Ito ay para masanay agad siya at hindi mabigla sa training.

Paano nga ba ang proper potty training kay baby?

Kahalagahan ng potty training kay baby

Walang tamang edad para simulan ang potty training kay baby. Ngunit payo ng mga eksperto ay baby pa lamang ito ay kailangan nang sanayin ng paunti-unti.

iya-villania-potty-training

Iya Villania potty training for baby Leon | Image from Freepik

Ang bawat bata ay iba-iba. Kaya naman hindi mo masasabi na ready na si baby sa potty training. May ilang baby na nagsimula ng maaga. Meron rin naman na medyo matanda na kumpara sa mga naunang bata. Pero malalaman mo na handa na si baby sa potty training sa tulong mo mommy. Kung nakikita mo na handa na ito, maaari mo nang simulan ang training. Ngunit kadalasan, lumababas ang ganitong mga sign sa baby sa edad na 18 – 24 months old.

Bukod sa edad ng bata, narito ang mga signs na ready na si baby sa potty training.

  • Walang laman o nananatiling tuyo ang diaper sa loob ng 2 oras
  • Binababa ang diaper o underpants
  • Nakakasunod sa mga simpleng instructions
  • Alam kung siya ba ay naiihi o nadudumi
  • Nagpapakita ng interes na matutong gumamit ng potty o underpants

Tumatagal ang potty training sa loob ng 3 – 6 months. Ngunit may iba rin namang bata na mabilis matuto kaya napapaaga ang pagtatapos ng training.

Tips para sa potty training ni baby

Narito ang ilang tips sa potty training ni baby na makakatulong upang mapadali ang training.

  • Sabihin sa iyong anak na ipaalam sa’yo kapag basa o may laman na ang kanyang diaper.
  • Kumuha ng potty chair para masanay niya na umupo. Sa una, pwede pa siyang magsuot ng diaper pero maaaring tanggalin na ito kapag handa na siya.
  • Ugaliing tanungin kung siya ba ay nadudumi o naiihi. Ito ay makakatulong sa kanya upang malaman ang kaibahan ng dalawa.
iya-villania-potty-training

Iya Villania potty training for baby Leon | Image from Unsplash

  • Gumawa ng timeline o plano kung kailan siya sasanayin.
  • Ipakita sa iyong anak kung paano umupo sa toilet bowl at ipaliwanag kung bakit ito mahalaga at ibang importanteng bagay.
  • Paupuin ang iyong anak sa potty kung alam mong ito ay nais maglabas ng dumi.
  • ‘Wag pagsuotin ng masikip na damit ang iyong baby na mahirap tanggalin. Kailangan ito sa training para mabilis nilang matanggal ang damit.
  • Gumawa ng potty training routine. Halimbawa, paupuin ang iyong anak sa umaga sa potty kapag tuyo ang diaper nito o kaya naman paupuin sila dito pagkatapos uminom ng madaming tubig.
  • Bigyan ng maliit na reward ang iyong baby sa bawat successful na training.

Iya Villania potty training for baby Leon

Isa ang aktres at host na si Iya Villania sa mga celebrity mom na nagsasanay ng potty training sa kanilang mga chikiting. Pero alam mo bang 4 months old nagsimulang sanayin ni mommy Iya Villania sa potty training si baby Leon?

Sa isang Instagram post ni Mommy Iya, ibinahagi nito ang journey ng kanyang pagsasanay sa kanyang anak na si Leon sa proper toilet training.

Ayon dito, ilang weeks na niyang hindi nilalagyan ng diaper si baby Leon sa gabi. Hinihintay siya nitong dalhin siya sa toilet atsaka dito ilalabas ang dumi. Minsan naman ay kusang pumupunta sa toilet si baby Leon. Ngunit may pagkakataon din na naiihi ito sa underwear.

“As for this little stud, well we’ve been going weeks without a wet diaper thru the night. The mama is still a little hesitant to put him in briefs at night but I’m happy with the progress even if we laze around in bed in the morning, he’ll wait til I put him on the toilet to let it out! Sometimes he runs to the toilet when he needs to go.”

iya-villania-potty-training Iya Villania potty training for baby Leon | Image from Iya Villania Instagram

Nagbiro pa si Mommy Iya na kapag nauubusan si baby Leon ng brief ay humihiram ito kay Kuya Primo.

“We started potty training Primo just before he turned 1 🙂 With Leon, we accidentally started at 4 months.  I was just playing with the idea when I sat him on the toilet before bath time and to my surprise, he did his business! So I continued 🙂 Leon turns 2 in August. You can make it happen faster once you start but we like to take it slow.”

-Iya Villania (@iyavillania)

Dagdag pa nito na sinimulang sanayin ni Mommy Iya si Kuya Primo nang ito ay 1 year old. Ngunit 4 months naman kay baby Leon. Wala pa ito sa plano pero nasanay lang siya na paupuin si baby Leon sa toilet kapag maliligo. At dito na nga nasanay ng paunti-unti.

Hindi rin nakalimutang magbigay ng advice ng aktres sa mga mommy na pwedeng simulan ng maaga ang potty training ni baby pero kailangan ‘wag itong madaliin.

 

Ikaw mommy? Anong potty training nyo ni baby? I-share mo naman ‘yan!

Source: Mayo Clinic
BASAHIN: Safe at tamang paghiga ng buntis upang makaiwas sa stillbirth
Partner Stories
How edamama was Born
How edamama was Born
Cebuana Lhuillier partners with Western Union to bring Digital Money Transfer Services in PH 
Cebuana Lhuillier partners with Western Union to bring Digital Money Transfer Services in PH 
Don’t forget about self-care, new mommy!
Don’t forget about self-care, new mommy!
3 ways for mom to better handle these extraordinary times
3 ways for mom to better handle these extraordinary times

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Mach Marciano

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Mga kilalang tao
  • /
  • Iya Villania, nag-umpisa ng potty training kay Leon at 4 months!
Share:
  • Iya Villania ibinahagi ang sikreto kung paano i-potty train ang kaniyang mga anak

    Iya Villania ibinahagi ang sikreto kung paano i-potty train ang kaniyang mga anak

  • LOOK: Iya Villania ipinanganak na ang kanyang 3rd baby!

    LOOK: Iya Villania ipinanganak na ang kanyang 3rd baby!

  • Viy Cortez sa adjustment nila ni Cong noong mabuntis siya: "Kapag mayroon kaming problema, kailangan naming lutasin."

    Viy Cortez sa adjustment nila ni Cong noong mabuntis siya: "Kapag mayroon kaming problema, kailangan naming lutasin."

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

app info
get app banner
  • Iya Villania ibinahagi ang sikreto kung paano i-potty train ang kaniyang mga anak

    Iya Villania ibinahagi ang sikreto kung paano i-potty train ang kaniyang mga anak

  • LOOK: Iya Villania ipinanganak na ang kanyang 3rd baby!

    LOOK: Iya Villania ipinanganak na ang kanyang 3rd baby!

  • Viy Cortez sa adjustment nila ni Cong noong mabuntis siya: "Kapag mayroon kaming problema, kailangan naming lutasin."

    Viy Cortez sa adjustment nila ni Cong noong mabuntis siya: "Kapag mayroon kaming problema, kailangan naming lutasin."

  • Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

    Sanggol muntik nang mamatay matapos pakainin ng mashed potatoes

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2022. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.