STUDY: Hindi pagtulog ng baby sa gabi, hindi dapat ikabahala
Kabilang sa pag-aaral na isinagawa ang 44 na mga sanggol sa edad na 6-month-old. | Lead image from Shutterstock
Si baby na kasalukuyang 6-month-old ba ay iyak ng iyak sa gabi o kaya naman ay hindi natutulog? Hirap ka rin ba na panatilihin ang kanilang sleep pattern at schedule?
Mababasa sa artikulong ito ang:
- Sleeping pattern ng mga sanggol sa gabi
- Ano ang dahilan bakit hindi nakakatulog sa gabi ang mga sanggol
- Myth sa co-sleeping
Normal na sa mga moms ang mag-alala kung ang anak nila ay hindi consistent ang sleeping pattern sa gabi. Ngunit ayon sa bagong pag-aaral mula sa McGill University, ito ay normal at hindi dapat ikatakot.
Payo ni Professor Marie-Helene Pennestri sa mga magulang, lead researcher ng pag-aaral, kailangang sanayin ang mga sarili sa pagtulog ni baby sa gabi dahil ito ay isang proseso at hindi milestone sa kanilang sanggol.
Sleeping pattern ng isang sanggol
Kabilang sa pag-aaral na isinagawa ang 44 na mga sanggol sa edad na 6-month-old. Pinakiusapan ang mga nanay ng sanggol na i-record sa kanilang sleep diary ang pagtulog ng mga baby saa loob ng 13 na gabi. Sa paraang ito, malalaman at masusukat nila ang pinakamahabang oras na hindi makatulog ang sanggol sa gabi.
Bilang resulta ng pag-aaral, nakita na karamihan sa pagtulog ng mga sanggol ay inabot ng anim na oras. Ito ay sa loob ng limang gabi sa 13 na araw.
Pagpapasuso at pagtulog kasama si baby, maaaring makaapekto sa sleep pattern nila
Isa pang nakita ng mga researcher sa pag-aaral na ito ay maaaring makaapekto sa sleep pattern ng baby ang ilang parental practices sa pagpapasuso at pagtulog kasama sila.
BASAHIN:
Coleen Garcia, ginawang smoothie ang placenta para sa mabilis na recovery matapos manganak
Mga panganib ng co-sleeping na dapat malaman ng mga magulang
MOM-titasking! 7 activities na pwedeng gawin habang nagbre-breastfeed kay baby
Hindi ibig sabihin nito na ang paggising sa gabi ay nakasasama ngunit ang mga breastfeeding moms ay mas mataas ang tyansa na magkaroon ng baby na gumigising sa gabi. Kasama na rin dito ang mga magulang na kasama ang baby matulog saa kama.
Ayon pa kay Professor Marie-Helene Pennestri,
“Parents are often exposed to a lot of contradictory information about infant sleep. They shouldn’t worry if their baby doesn’t sleep through the night at a specific age because sleep patterns differ a lot in infancy.”
Dagdag pa niya na maaari talagang magbago ang sleeping pattern ng mga sanggol. Maaaring tatlong gabi ay mahaba ang tulog nila ngunit ‘wag asahan na ito ay sunod sunod na. “One important piece of the puzzle is understanding parents’ perceptions and expectations of infant sleep. In future research, we hope to explore what ‘sleeping through the night’ really means to them,”
Co-sleeping myths na hindi dapat ikabahala ng mga magulang
First time mommy ako at nakasanayan ko na itabi ang baby ko habang natutulog. Napapanatag kasi ako kapag nakikita at nasa tabi ko lang ang anak ko. Atleast alam ko ang sitwasyon niya habang natutulog. Ngunit marami ang nagsabi sa akin na hindi ko dapat sanayin ang bed sharing kay baby dahil delikado raw ito at mahihirapan siyang bumukod sa amin.
Narito ang ilang mga co-sleeping o bed sharing myths tungkol kay baby na lagi kong naririnig. Dapat ko bang ikabahala ito?
1. Delikado ang co-sleeping sa iyong anak
Alam niyo bang ang pagtulog kasama si baby ay nakakapag pababa ng risk ng SIDS o Sudden infant death syndrome? Ayon sa pag-aaral ang mga batang kasama sa pagtulog ng kanilang mga magulang ay napapabuti ang kanilang kalusugan at nagkakaroon ng regular na paghinga at heartbeat.
Para sa mga breastfeeding moms, makakatulong rin para bigyan ng gatas sa gabi ang iyong anak kung ito ay katabi mo sa kama.
2. Hindi delikado ang co-sleeping sa iyong anak
May ilang mga kaso tungkol sa pagkamatay ng kanilang anak dahil sa co-sharing. Okay lang ang itabi ang iyong anak sa pag-tulog ngunit kailangan pa ring mag-ingat at ‘wag makapante habang natutulog. May pagkakataon kasi na nagkakaroon ng suffocation o hindi makahinga ang bata dahil sa mga bagay na nas paligid ng kama. Kasama na ang kumot, unan o mga laruan na maaaring tumabon sa kanilang mukha habang natutulog na nagiging dahilan ng suffocation.
Kung nakasanayan mong itabi ang iyong anak sa kama, kailangan mong maging maingat at iwasan ang madaming bagay sa ibabaw ng kama.
3. Mahihirapan matulog mag-isa ang iyong anak
Ang myth na ito ay kalahating totoo. Maaari mong itabi ang iyong anak sa pagtulog sa unang mga buwan nito. Ngunit kung alam mong handa na itong matulog mag-isa, pumapasok rito ang pagsasanay ng ‘fading method’. Ito ay kapag magkatabi kayong matulog ng iyong anak at kapag nakatulog na siya, dahan-dahan kang aalis at iiwanan ito. Makakasanayan ito kung paunti-unti at dahan-dahan itong iiwan sa higaan.
Maaaring gumamit ng isang bagay kung sasanayin ito katulad ng kumot, side pillow o stuffed toy. Tandaan lang na hindi advisable na bigyan ng mga laruan o kumot ang mga batang prone pa sa SIDS o Sudden infant death syndrome.
Translated with permission from theAsianparent Singapore