X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Ang inakalang "colic" baby, may mapanganib na sakit sa puso pala

4 min read
Ang inakalang "colic" baby, may mapanganib na sakit sa puso pala

Isang iyakin na baby ang inakalang may colic lang. Iyon pala ay maroon itong rare at mapanganib na heart disease! | Photo: Stuff.co.nz

Lahat ng bata ay umiiyak. Minsan lambing nila ito sa mga nag-aalaga, madalas ito ang paraan nila para masabi ang pangangailangan nila tulad ng gutom, at para masabing may masakit silang nararamdaman. Ngunit kapag may sobrang iyakin na baby, madalas ang unang suspetya dito ay pagkakaroon ng colic.

Pag-Colic na ang nararamdaman, labis ang pag-iyak at walang tigil, nang wala namang dahilang nakikita ang mga nag-aalaga. Itinuturing na colic at hindi lang simpleng iyakin na baby kung umaabot ng 3 oras at nangyayari ng hanggang 3 beses sa isang linggo, sa loob ng tatlong linggong sunud-sunod.

iyakin-na-baby

Iyak ng iyak si baby sa gabi | Image from Unsplash

Karaniwang nangyayari ang pagiging colic sa mga sanggol. Kaya naman ito ang inakala ng isang nanay sa Auckland na si Darcy Williams nang hindi niya mapatahan ang kaniyang 5-buwang gulang na baby na si Tallan. Ito rin ang tinurong dahilan ng hospital staff kung saan tinignan ang iyakin na baby.

Ngunit hindi pala colic ang dahilan ng pagiging iyakin na baby ni Tallan. Mayroon pala siyang hindi pangkaraniwan na sakit sa puso.

Sobrang iyakin na baby

Nang ipinagbubuntis ni Darcy si Tallan, walang nakitang kakaiba ang mga duktor sa kaniyang baby. Normal ang heart rate at oxygen levels nito. Pang-apat sa magkakapatid si Tallan. Sa mga nauna niyang anak, nahirapan din si Darcy sa pag-aalaga dahil mga iyakin na bata ang mga ito. Kaya inakala niya na kagaya ng iba niyang anak, gano’n din si Tallan.

“Inuubo siya dati parati,” kuwento ni Darcy. “Inisip ko na baka gutom lang siya. Kapag pinapakain ko, dumedede tapos humihinto na lang siya bigla. Paulit-ulit niya itong ginagawa.”

Tuluyan nang na-alarma si Darcy nang napansin niyang hapo si Tallan matapos nitong magpa-bakuna. Mukhang nahihirapan itong huminga. Kaya ipinakonsulta ito sa duktor. Dahil walang ibang sintomas na makita ang duktor, pinauwi ang bata.

Hindi pa rin bumuti ang lagay ni Tallan kinabukasan. Sa obserbasyon ni Darcy, nahihirapan na talaga itong huminga kaya naman ibinalik niya ito sa ospital. Pneumonia ang unang diagnosis ng duktor at ipinag-utos ang x-ray. Dito na nakita ang tunay na problema.

Sa resulta ng x-ray, nakita na enlarged ang puso ni Tallan.

iyakin na baby

Sobrang iyakin na baby, dapat bang ipangamba? | Image from Stuff.co.nz

Ano ang ALCAPA?

Nang suriin mabuti, napag-alaman na may anomalous origin of the left coronary artery from the pulmonary artery o ALCAPA ang bata. Nangyayari ito sa isa sa bawat 300,000 na buhay na sanggol. Ang sakit sa puso na ito ay isang hindi pangkaraniwang na depekto sa pagkakabuo ng artery ng puso. Dahil ang sintomas nito—ang pagiging bugnutin ng baby—ay katulad ng pagkakaroon ng colic, hindi ito agad nada-diagnose. 90% ng mga sanggol na may sakit na ganito ay namamatay bago pa sila mag isang taon.

Dahil sa seryosong panganib na kinakaharap ni Tallan, agad siyang inoperahan sa puso matapos siyang ma-diagnose. Inayos ang artery ng baby sa puso, pati na rin ang kaniyang mitral valve.

Sa ngayon, naghihintay pa rin ang pamilya kung nag-work ba ang operasyon kay Tallan.

Pinipilit ni Darcy na maging positibo. Nagpapasalamat din siya na na-diagnose ang sakit bago pa ito lumala.

“Nakakaramdam ako ng matinding anxiety,” pahayag niya. “Hindi ako mapalagay kapag wala ako sa tabi niya.”

Nais din ni Darcy na bigyang babala ang ibang magulang tungkol sa sakit na ito.

iyakin-na-baby

Sobrang iyakin na baby, dapat bang ipangamba? | Image from Unsplash

Sintomas ng ALCAPA

Madaling mapagkamalan na colic ang ALCAPA dahil normal magkaroon ng sobrang iyakin na baby. Ngunit ito ang mga sintomas at warning signs na kailangan bantayan:

  • umiiyak o nagpapawis habang dumedede
  • hindi malakas dumede
  • nahahapo
  • nagpapawis
  • mukhang may masakit sa baby
  • bugnutin

Ang mga sintomas na ito ay lumalabas sa mga unang buwan matapos ipanganak. Kaya ‘wag papabayaan kung iyak ng iyak si baby sa gabi at alam mong hindi ito normal para sa kanya.

 

Source:

Stuff, NCBI, Childrens Hospital

BASAHIN:

May Colic si baby: Mga dapat malaman ni mommy at daddy

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Candice Lim Venturanza

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Kalusugan
  • /
  • Ang inakalang "colic" baby, may mapanganib na sakit sa puso pala
Share:
  • Kids who cradle dolls on their left side have better social and cognitive skills

    Kids who cradle dolls on their left side have better social and cognitive skills

  • Madalas na pag-iyak ng baby, maaaring sanhi ng colic

    Madalas na pag-iyak ng baby, maaaring sanhi ng colic

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

  • Kids who cradle dolls on their left side have better social and cognitive skills

    Kids who cradle dolls on their left side have better social and cognitive skills

  • Madalas na pag-iyak ng baby, maaaring sanhi ng colic

    Madalas na pag-iyak ng baby, maaaring sanhi ng colic

  • Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

    Ryan Agoncillo on Yohan's adoption: “Medyo nag-iingat ako ayokong mapa-ibig don sa bata.”

  • Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

    Sylvia Sanchez nangangamba sa paglipat ni Ria Atayde: "Pag bahay mo, hindi dapat maging tambayan."

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.