At the age of 40, first time na magkakaroon ng baby ang aktres na si Iza Calzado sa husband nitong si Ben Wintle.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Iza Calzado is expecting a baby!
- Advantages of becoming a parent in your 40’s
Iza Calzado is expecting a baby!
“It’s never too late!” Sabi nga ng marami. You can always start a new chapter in life kahit anong edad mo pa.
Ganitong-ganito ang surpirse sa dumating sa artistang si Iza Calzado na finally ay magkakaroon na ng baby. Nagulat ang lahat noong ibalita niyang magkakaroon na rin siya sa wakas ng unang baby at the age of 40 sa husband nitong si Ben Wintle.
Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi niya ang kanyang sun-kissed selfie suot ang isang white dress kung saan na-flex niya ang kanyang baby bump na kinuhanan sa London, United Kingdom.
Pagbubungad ni Iza sa caption, “They say life begins at 40.”
“So I had all these big plans for my for 40th year on Earth as it also coincides with my 20th year in the industry. I already completed a few of the exciting projects lined up for me and there were a few dream projects in the pipeline. I was ready to usher in this new chapter in my life.”
“Then you came along. Unexpectedly. You may not have been in my immediate plans but I instinctively knew that this was THE plan.”
“In my forty years I have come to discern when God is steering me to a different direction. A path I may not have thought of yet it always turns out to be the best for me. So now, I surrender to His will with no resistance.”
Binanggit niya rin sa kanyang caption ang isang sikat na linya niya sa isang pelikula.
“As a character of mine said in a film, “In love there is no fear.” So I will choose to live each day giving life to you vibrating from this frequency — LOVE.”
Isang miracle raw na maituturing ang anak niya sa kanya at ito raw and pinakamagandang regalong natanggap niya sa kanyang kaarawan,
“They were right. Life does begin at 40. Simply put, your life begins as your mother turns forty. To know that life is growing inside me is great miracle. You are my miracle. You are my guiding light.”
Thank You, Lord, for the most beautiful birthday gift. Our ABUNDANCE.”
Advantages of becoming a parent in your 40’s
Marami naman talaga ang opinion patungkol sa pagiging magulang sa edad na 40 years old. May mga nagsasabing masyado na itong matanda para mag-aalaga pa ng bata.
Ang ilan ay nagsasabing hindi na dapat ba nagbubuntis ang kababaihan sa ganitong edad. Ano’t ano pa man, ikaw ang magdedesisyon sa kung kailan ang tamang panahon para magbukas muli ng panibagong chapter ng buhay.
Narito ang ilang advatages kung bakit maganda rin ang maging parent sa edad na ito:
First time parent at 40’s are:
- Financially stable at kayang magtustos ng pangangailangan ng pamilya.
- Stronger ang relationship sa partner dahil maaaring matagal na kayong nagsasama.
- Hindi na takot na manghingi ng tulong mula sa kaibigan o pamilya.
- Mas marami nang experiences sa buhay na maaaring magamit sa pagiging parent.
- Mas trained na ang pagkocommunicate mo sa pamilya dahilan upang makabuo ng healthy relationship.
- Hindi mo na mararanasan na pakiramdam mo ay lagi mong namimiss out ang mga ganap with friends dahil karamihan na rin sa edad na ito ay parents na.
- Emotionally prepared ka na para sa parenting.
- Flexible na rin ang iyong career.
- Marami nang makakatulong sa iyo na nauna nang naging parents.
- Mentally fit ka na rin para sa edad na ito dahil sa maturity.
- Mas committed ka na bilang isang magulang.
Kaya nga hindi pa naman huli ang lahat para magsimula ng isang pamilya kahit pa nasa edad na 40 na. Sa kabila ng maraming negatibong opinyon, marami rin naman ang positive na epekto nito para sa isang tao.