Iza Calzado ibinahagi ang motherhood journey nila ni Bianca King: “A journey that’s as rewarding as it is challenging.”

Anak ni Iza na si Deia Amihan 8-months-old na.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iza Calzado ibinahagi ang naging motherhood journey nila ng sister-in-law na si Bianca King. Ayon kay Iza ang pagiging isang ina rewarding bagamat challenging.

Mababasa dito ang sumusunod:

Iza Calzado and Bianca King motherhood journey

Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado

Sa isa kaniyang Instagram post ay binalikan ng aktres na si Iza Calzado ang naging motherhood journey nila ng sister-in-law niyang si Bianca King. Si Bianca ay ikinasal kay Ralph Wintle na kapatid ni Ben na mister ni Iza.

Mapapanood sa IG video na ibinahagi ni Iza kung paano nila ibinahagi ng mister na si Ben ang magandang balita kay Bianca at mister nitong si Ralph. Si Bianca at Iza araw lang ang pagitan ng malamang sila ay kapwa nagdadalang-tao.

“Looking back at how it all began — a miracle that God surprised our family with - two little babies born a few weeks apart, now destined to grow up together.”

Ito ang caption ng post ni Iza tungkol sa naging pagbubuntis nila noon ni Bianca.

Ngayon ang baby girl ni Bianca na si Sadie ay 7 months old na. Habang ang anak ni Iza na si Deia ay 8 months old na.

Larawan mula sa Instagram account ni Bianca King

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Baby ni Iza Calzado

Sa pinakabago niya ngang Instagram post ay nagbahagi si Iza ng mga larawan sa pictorial na ginawa ng kaniyang pamilya para sa 8 month celebration ni Deia.

“Our Deia Amihan at 8 months old is becoming so strong, curious and expressive. She also seems to cooperate well with the camera. At least we know she got something from her mother ??”

Ito ang caption ni Iza sa IG post niya kung saan tampok ang cute 8 months photos ni Deia.

Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Si Iza ibinahagi rin ang nararamdaman niya ngayong 8 months old na ang anak niyang is Deia. Ayon kay Iza, challenging ang pagiging isang ina pero ito ay very rewarding din naman.

“Motherhood: a journey that’s as rewarding as it is challenging. But no matter the highs and lows, it’s always full of love and wonder. ?”

Ito ang sabi pa ni Iza.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement