Ibinahagi ni Iza Calzado ang kanyang naging karanasan sa ABS-CBN ‘Paano Kita Mapapasalamatan’ nang magkaroon ito ng COVID-19. Tampok rin sa pilot episode nito kung ano ang naging importanteng parte ng kanyang kasambahay sa naging journey niya sa nasabing virus.
Iza Calzado binigyan ng susi ng kanilang bahay ang kasambahay bilang pasasalalamat
Tampok sa pilot episode ang aktres na si Iza Calzado. Ikinwento nito ang kanyang naging journey nang magkaroon siya ng COVID-19.
Kilala bilang matatag na tao ang aktres na si Iza Calzado. Ito ay dahil bata pa lamang ay marami nang naranasan na nagpatibay sa kanya. Kaya nang makumpirmang positibo siya sa COVID-19 ay hindi agad siya nawalan ng pag-asa.
“Ang dami dami nang nangyari sa buhay ko. Ang dami nang hirap ang pinagdaanan ko. Sabi ko, hindi ito magtatapos dito. Hindi COVID ang magpapatiklop sa akin.”
Isa ang kanyang asawang si Ben Wintle sa naging inspirasyon ni Iza sa paglaban niya sa virus. Ayon sa kanya, hindi niya nakikitaan ng kahit anong pagkahina ang kanyang asawa.
“Yung asawa ko hindi ko siya nakitaan na pinanghinaan ng loob pero nakita ko kung gaano kabigat yung dinadala niya.
Iza Calzado on “Paano Kita Mapapasalamatan” | Image from ABS-CBN Entertainment
Ngunit nang sinabi ng doctor na bumubuti na ang kalagayan ng aktres, dito niya unang nakitang umiyak ang asawa.
“Noong una kaming nakakuha ng good news, na parang sinabi ‘nung doctor na ‘Good news, she’s showing signs of improvement.’ Doon siya umiyak. Hindi ko alam na buong time pala, kasi yung asawa ko ay magaling magdala. “
Bahagi pa ng aktres na noong nalaman niyang positibo siya sa COVID-19, agad niyang naisip ang kanyang kapatid na 16 years old. Aminado siya na isa sa hindi niya kayang iwan bukod sa kanyang asawa ay ang kapatid nito dahil siya na lamang ang nag aalaga sa kanya.
Isa pa sa naging malaking parte ng COVID-19 journey ni Iza ay ang kanyang kasambahay na si Donna Garcia. Lubos ang pasasalamat ng aktres sa kanyang kasambay dahil sa pagpili at hindi pag-iwan sa kanila.
Iza Calzado on “Paano Kita Mapapasalamatan” | Image from ABS-CBN Entertainment
Kwento pa ng aktres, pinili ni Donna ang manatili sa kanila kahit na ito ay pinapauwi na sa kanilang bahay ng pamilya niya.
Ayon kay Donna, naging mahirap ang kanyang desisyon lalo na at nag-aaalala sa kanya ang kanyang pamillya.
“Ang hirap po eh. Mas pinili kong mag stay kahit ayaw ng anak ko pero sabi ko sa kanya kailangan din ako ng amo ko.”
Naging emosyonal ang aktres habang kinukwento ang kanyang kasambahay. Dito niya na-realize na pinili ni Donna ang magstay at manatili sa kanyang pamilya.
“Malaking bagay ‘yon para sa akin.”
Todo todo ang pasasalamat ni Iza Calzado sa kanyang kasambahay na si Donna Garcia. Ibinahagi rin nito na hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanila kung wala ang tulong nito.
“Ang dami mong sinakripisyo para sa amin. Sa amin mo ibinigay ang pagmamahal mo at taos puso akong nagpapasalamat. Pinatunayan mo na hindi lang employer o employee ang relationship natin. Posibleng maging iisang pamilya tayo. At dahil doon, sana tanggapin mo ang isang simbolo na ibibigay ko sa’yo.”
Dahil sa nangyari, isang malaking pasasalamat ang binigay ni Iza sa kanyang kasambahay. Ibinigay nito ang susi ng kanilang bahay dahil para sa kanya, parte na siya nito at bahay na rin niya ang bahay nila.
Iza Calzado on “Paano Kita Mapapasalamatan” | Image from ABS-CBN Entertainment
Isang mensahe ang hatid ni Iza sa kanyang kasambahay na si Donna Garcia.
“Ito ay ang susi ng bahay, bahay natin ito. Dahil ano man ang mangyari sa buhay, saan man tayo dalhin nito, tandaan mo na may susi ka sa bahay namin. Parte ka ng bahay na ito Dahil ‘yan sa pagmamahal at pagmamalasakit na binigay mo sa amin. Maraming maraming salamat sa iyo.”
Inere noong June 13 ang pilot episode ng ABS-CBN’s ‘Paano Kita Mapapapasalamatan’. Mapapanood ito online at ang show ng nasabing host ay ang aktres na si Judy Anne Santos.
Hatid ng programa ang magbigay ng pag-asa lalo na ngayong global crisis at ang pasalamatan ang mga taong nagsisilbing inspirasyon sa lahat.
Source:
ABS-CBN Entertainment
BASAHIN:
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!