Iza Calzado nagkaroon ng parasitic disease habang buntis kay Baby Deia. Ang naturang sakit muntik ng magdulot ng kapahamakan sa kaniyang pagdadalang-tao.
Mababasa dito ang sumusunod:
Pagkakaroon ni Iza Calzado ng parasitic disease habang buntis
Sa Instagram ay ibinahagi ng aktres na si Iza Calzado ang naging karanasan niya sa pagkakaroon ng parasitic disease. Ito ay naganap noong nakaraang taon habang ipinagbubuntis niya ang anak nila ni Ben Wintle na si Deia.
Ayon kay Iza, nasa bakasyon siya sa Switzerland ng matukoy na siya ay infected ng naturang sakit. Sa post niya na isang open letter para sa anak na si Deia ay ibinahagi niya ang naging experience na nagdulot daw sa kanila ng anak ng deeper connection sa unang pagkakataon. Dahil ang sakit maaring magdulot ng peligro sa buhay ni Deia kung ito ay makatawid sa placenta.
Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado
“On the evening of August 16, I was told that my recent test results for a parasitic disease called Toxoplasmosis confirmed that it was a recent infection and could be a potential risk for you, if it passed through the placenta.”
Ito ang bahagi ng post ni Iza.
View this post on Instagram
Ilan nga sa sinabing maaring maging epekto ng sakit kay Deia ay brain damage, pagkabulag o kaya naman ay ang pagkakalaglag nito mula sa sinapupunan ng ina. Pero si Iza ginawa ang lahat at lumaban para sa anak. Kahit nga daw nasa tuktok ng bundok noon ng malaman niya ay ginawa nila ang lahat ng mister na si Ben para makakita ng espesyalista na tutulong sa kanilang malampasan ang sakit na nararanasan.
“For the first time in my life, I felt a very primal urge to fight, not only for myself, but for another human. For you, anak. I remember crying as soon as the zoom meeting was done and stepping out of the car, rushing to the edge of the mountain and, with tears streaming down my face, saying “No. No. No! Lalaban tayo, anak. Lalaban tayo!”
Ito ang sabi pa ni Iza na nagpagamot at nagpagaling sa sakit habang nasa ibang bansa.
Sa ngayon, bagamat nakakatakot ang naging karanasan ay masaya siyang balikan ito. Dahil mas pinatatag daw nito ang loob niya bilang isang ina. At mas naging thankful siya sa buhay niya lalo na sa pagkakaroon ng malusog at magandang anak na si Deia sa ngayon.
Larawan mula sa Facebook account ni Iza Calzado
Ano ang toxoplasmosis na delikado para sa mga buntis?
Ayon sa Mayo Clinic, ang toxoplasmosis ay isang infection na dulot ng parasite na tinatawag na toxoplasma gondii. Ito ay madalas na nakukuha sa mga hilaw na karne o kaya naman ay sa dumi ng pusa. Ang infection na ito maaring maipasa sa isang ipinagbubuntis na sanggol. Kaya naman, isa sa ipinagbabawal ng mga eksperto sa buntis ay ang hindi pagkain ng mga hilaw na karne o iba pang pagkain na hindi naluto ng maigi.
Ang sakit na ito ay maaring magdulot ng flu-like symptoms. Tulad nalang ng lagnat, sakit ng katawan at ulo, pamamaga ng kulani at skin rash. Kung hindi ito maagapan nagdudulot ito ng peligro sa pagbubuntis. Ito ay maaring magdulot ng birth defects tulad ng hydrocephalus at problema sa paningin. Puwede rin itong magdulot ng miscarriage o ang pagkalaglag ng sanggol mula sa sinapupunan ng kaniyang ina.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!