Bilang artista at ngayon ay isang ina, hindi napigilang ikompara ni Iza Calzado ang motherhood sa pelikulang iba’t iba ang genre.
Iza Calzado on motherhood: Being a mama is a world of its own
Perfect timing daw ang pagdating ng kanilang baby Deia Amihan sa buhay nila ng asawang si Ben Wintle. Ito ang pahayag ng celebrity mom na si Iza Calzado.
Noong nasa 20’s pa lang daw kasi siya ay alam na niyang hindi pa siya handang maging isang ina, Pero ngayon na stable na siya sa iba’t ibang aspeto ng kaniyang buhay ay handang-handa na nga siya sa motherhood.
Larawan mula sa Instagram ni Iza Calzado
“I’m not the type who go on like I should have, would have, could have. I really believe everything happens in God’s perfect time,” saad ni Iza Calzado sa interview ng ABS-CBN.
“Wow, ganito pala ang maging nanay. Being a mama is a world of its own,” dagdag pa ng aktres.
Bukod pa rito, hind inga naiwasan ng aktres na ikompara ang pagiging ina sa pelikula. Aniya, kung pelikula ang motherhood, lahat ng genre ay pinagsama-sama sa isang pelikula. Ganoon daw karaming emosyon ang mararamdaman ng isang ina.
Larawan mula sa Instagram ni Iza Calzado
“Kung pelikula ito, lahat ng genre pinagsama-sama sa isang pelikula. Nakakaloka. Ang sarap. It’s like getting a stamp, ‘You’re a mom.’ It’s a new chapter. It’s exciting and it really came at a perfect time,” ani ng aktres.
Aminado naman ito na hindi rin madaling maging isang ina. Lalo na umano sa unang tatlong buwan kung saan ay karaniwang nakararanas ng postpartum moments ang isang babae matapos manganak.
Larawan mula sa Instagram ni Iza Calzado
Aniya, ang pagiging isang ina raw ay trabaho para sa mga superhero. At aminado siyang hindi niya ito kakayanin kung wala ang suporta ng mga taong malapit sa kaniya at ng kaniyang yaya. Nag-iwan din ng mensahe si Iza para sa mga tulad niyang ina.
“Motherhood is filled with self-love, but it can also be very empowering. The best way to empower yourself is to pat yourself at the back and give yourself that break.”
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!