Sexbomb Izzy Trazona to son Andrei who is now a proud drag queen: “I am always here for you…your mama, mahal na mahal kita.”

Si Andrei sumagot na post ng ina na gusto niya lang maging totoo sa sarili niya at alam niya darating ang panahon na magiging proud rin ito sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Dating Sexbomb dancer na si Izzy Trazona nag-react sa pagiging drag queen ng only son niyang si Andrei. Andrei may sagot rin sa message para sa kaniya ng kaniyang ina.

Mababasa dito ang sumusunod:

  • Izzy Trazona sa kaniyang anak na si Andrei
  • Sagot ni Andrei sa mensahe ng ina niyang si Izzy.

Izzy Trazona sa kaniyang anak na si Andrei

Larawan mula sa Facebook account ni Izzy Trazona

Isa ng drag queen ang only son ni dating Sexbomb Girl Izzy Trazona. Siya ay may drag queen name na Sofia na tinatawag din ang kaniyang sarili na isang Sexbomb legacy dahil sa ina. Ang dating Sexbomb girl may open letter sa anak niyang si Andrei sa kaniyang Facebook account.

Ayon kay Izzy, miss na miss niya na ang anak. At kung may hesitations man siya sa napili nitong career at gender preference, ito ay dahil gusto niya lang itong protektahan sa kung anumang maaring makaharap ng anak. Umamin din siyang sa ngayon ay may hindi sila pagkakaunawaan ni Andrei.

“Sometimes, parents & their children have disagreements and its normal. But I know both sides have that pain in their ❤️ and wishes that they will just simply agree w/ each other. Both have their own reason of what they are fighting for.”

“Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you. I am always here for you…your mama, mahal na mahal kita.”

Ito ang bahagi ng post ni Izzy na naka-address sa anak niyang si Andrei.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sagot ni Andrei sa mensahe ng ina niyang si Izzy

Larawan mula sa Facebook account ni Izzy Trazona

Si Andrei naman sumagot sa post ng ina na noong una ay sinabi niya sa isang interview na suportado siya sa choice at hilig niya. Ayon kay Andrei, ginawa niya lang iyon para ma-protektahan din ang ina. Pinaabot niya rin dito ang pagmamahal niya, pero sa ngayon na nasa tamang gulang na siya ay gusto niyang maging totoo sa kaniyang sarili. At higit sa lahat maging responsable sa desisyon na napili niya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“As much as I love you, you know that I don’t wanna live in a lie. I’m sustaining myself for years now and I am living responsibly honest. I’m tired of this conversation about me being gay and doing drag. I wanna end this argument by saying that “| wanna live my own truth and someday you will be proud of what I will become.”

Ito ang sagot naman ni Andrei sa post ng ina niyang si Izzy Trazona.

Larawan mula sa Facebook account ni Izzy Trazona

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement