X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Rochelle Pangilinan ibinuking na dating "babaero" at "gimikero" ang asawa noong binata

4 min read
Rochelle Pangilinan ibinuking na dating "babaero" at "gimikero" ang asawa noong binata

Masaya at matatag na pagsasama, ano ang sikreto ng mag-asawang si Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap? Alamin dito.

Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap umaming ayaw sa isa’t isa noong una. Arthur dati umano kasing babaero at gimikero ayon kay Rochelle.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap love story.
  • The secret of Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap’s happy marriage.

Bukingan ng mag-asawang sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

Image from Rochelle Pangilinan's Instagram account

Sa kanilang guesting sa programang Mars Pa More nito lamang nakaraang araw ay nagkabukingan ang mag-asawang sina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap. Si Arthur ibinuking ni Rochelle na babaero at gimikero umani noong sila ay magkakilala.

“Kasi nililigawan ako may nililigawan din siyang iba.”

Ito ang natatawang pagbabahagi ni Rochelle sa kung paano niya nasabing babaero noon ang mister niya na ngayong si Arthur. Dagdag pa ni Rochelle, gimikero din daw ito na tulad niya noong sila ay magkasama pa sa programang Daisy Syete.

Samantala, pag-amin naman ni Arthur sa parehong programa, hanggang ngayon ay hindi siya komportable sa mga pa-sexy outfit ni Rochelle kapag sumasayaw. Lalo na kapag ito ay naka-tangga at nag-isplit pa.

“Siguro kasi 'yong kinalakihan ko sa Iloilo hindi kami sanay sa ganoon. Kaya noong dumating siya medyo na-culture shock ako.”

Ito ang paliwanag ni Arthur kung bakit. Sa katunayan noong kasal nga daw nila nang may pa-surprise sexy dance si Rochelle ay nagulantang ang mga auntie ni Arthur at napahawak nalang sa kanilang pamaypay.

Rochelle at Arthur sinabi ring hindi nila bet ang isa’t isa noong una

Sa kanilang naging panayam sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” matapos ang kanilang naging kasal ay inamin ng dalawa na noong una ay ayaw nila sa isa’t-isa. Ang dahilan ay ang malaking pagkakaiba sa personality nila.

“Di ba ayaw mo sakin non? Ayoko rin yung dating niya. Kasi 'yong image niya na Sexbomb masyadong kikay, pa-sexy. Ayoko talaga ng ganun. Sabi ko gimikera siguro tong babaeng to, di ko magugustuhan parang ganun.”

Ito ang sabi noon ni Arthur tungkol kay Rochelle.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana, dahil ang dalawa ay natutunan ding magustuhan ang isa’t isa. At sa kinatagalan ay nauwi narin sa tunay na pagmamahalan.

Pagbabahagi naman ni Rochelle, bagamat noong una ay may alinlangan siya kay Arthur, nabago ito ng mas makilala niya ang other version ng babaerong nakilala niya.

“Yung 1st year namin mag-boyfriend-girlfriend kapag nag-away kami nilalayasan ko siya. Kung kami, kami. Kung hindi, hindi.

Tapos noong minsang napaaway ako sa isang lugar tapos naging isyu siya sinundo niya ko sa airport tapos dinala niya ako sa church nila.  Doon sabi ko, ah seryoso 'to.”

BASAHIN:

LOOK: Baby ni Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

8 na dahilan kung bakit mahalaga sa mag-asawa ang “eye contact” sa pagtatalik

6 mistakes na ‘di mo alam na nagagawa mo kaya nagiging boring ang pagtatalik niyong mag-asawa

Sikreto ng masaya at matatag na relasyon nina Rochelle at Arthur

Rochelle Pangilinan ibinuking na dating babaero at gimikero ang asawa noong binata Image from Arthur Solinap's Instagram account

Mula noon ayon kay Rochelle, ang Panginoon na ang naging sentro ng kanilang relasyon. Hanggang sila ay maikasal at magkaroon ng anak na si Shiloh na ngayon ay dalawang taong gulang na. Kuwento pa ni Arthur, bilang lalaki ay may isang bagay rin siyang natutunan ng magkapamilya na. Ito ay ang mag-sorry kahit hindi niya kasalanan. Ito ang natatawang pagbabahagi ni Arthur.

“Yong babae kasi minsan kasi kailangan talagang, ma-pride yan sila. So parang ako na lang 'yong gumagawa ng way na pag-usapan yung issues namin. Ngayon natutunan ko na huwag sabayan 'yong galit niya.”

Ito ang nasabi pa ni Arthur sa panayam sa kanila ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Love story ni Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

Ang relasyon sa pagitan ni Rochelle at Arthur ay nagsimula ng magkasama sila sa afternoon drama series na Daisy Syete sa GMA. Sila ay naging opisyal na mag-boyfriend at girlfriend noong August 2008. Hanggang sa noong 2016 ay nag-propose na ng kasal si Arthur kay Rochelle na agad namang sinagot ng “yes” ng sexy dancer.

August 2017 sa kanilang 9th anniversary ikinasal sila Rochelle at Arthur. Ang kasal ay isang Christian wedding na ginanap sa Tagaytay.

Ito ay dinaluhan ng malalapit na kaibigan nila sa industriya ng showbizness, pati na ng kanilang mga kaibigan at pamilya. Doon ay nagpalitan sila ng vows na kung saan pareho nilang sinabi sa isa’t isa na ang Panginoon ang magiging sentro ng kanilang pamilya. At kahit lumipas man ang panahon ay sisikapin nilang walang magbabago sa pagmamahal na nararamdaman nila sa isa’t isa.

Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap

Image from Rochelle Pangilinan's Instagram account

Source:

Rappler, KMJS

Photo:

Image from Rochelle Pangilinan's Instagram account

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Rochelle Pangilinan ibinuking na dating "babaero" at "gimikero" ang asawa noong binata
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.