Ano ba ang kwentong mag-asawa ninyo ni Mister? Paano kayo nagkakilala? Ano ang mga pinagdaanan at sumubok sa inyong pagsasama? Paano ninyo nalampasan ang mga ito?
Mababasa sa artikulong ito:
- Kwentong mag-asawa: Huwag kang mag-asawa ng mayaman, mag-asawa ka ng masipag
- Mga pagsubok na pinagdaanan ng mag-asawa at paano nila ito nalampasan
Narito ang kwentong mag-asawa na sinubok ng maraming problema subalit sa kabila nito ay patuloy na nagpupursigi para sa kanilang pamilya. Basahin ang kanilang kwento rito.
Kwentong mag-asawa: Huwag kang mag-asawa ng mayaman, mag-asawa ka ng masipag
Masakit mang aminin, pero madalas ang ating mga magulang ay gustong makapangasawa tayo ng nakakaangat sa buhay o may kaya sa buhay. Sa simpleng salita may pera at mayaman.
Huwag kang mag-asawa ng mayaman, mag-asawa ka ng masipag! | Larawan mula kay Mommy Hiedie
Hindi naman natin sila masisisi dahil nais lamang nila ay ang hindi tayo mahirapan. Subalit kung ako ang tatanungin, mas gugustuhin kong makapangasawa ng isang masipag at determinado tao sa buhay.
Ang totoo, kaming mag-asawa ay parehong galing sa hirap. Nagsimula kami ng walang wala talaga. Masasabi naming hindi madali ang aming mga pinagdaanan.
Sinubok kami ng iba’t ibang problema sa aming buhay mag-asawa. May mga panahon na halos sumuko na kami ngunit hindi minsan man sumagi sa isip namin ang panghihinayang na pinili namin ang isa’t isa.
BASAHIN:
5 karaniwang pinag-aawayan ng bagong mag-asawa at paano ito masosolusyonan
Because of LDR, hanggang chat lang ang relasyon naming mag-asawa”
REAL STORIES: “There is no perfect marriage or relationship, but two people who always try to adjust and grow together will have a successful one.”
Mga pagsubok na aming dinanas
Naalala ko dati kapag walang wala kaming pera, nagdadasal kaming mag-asawa at pinapalakas namin ang loob ng isa’t isa. Sinabi namin na sa kabila ng mga paghihirap na ito ay dadating din ang ginhawa. Basta’t manalig kami sa Diyos at patuloy na matiyaga.
Naging empleyado kami parehas, naging OFW rin ang akin asawa noon. Pero hindi niya kinaya ang hirap sa pagtatrabaho sa ibang bansa at mawalay sa aming pamilya, kaya umuwi siya kaagad after 6 months.
Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan namin hindi kami sumuko. | Larawan mula kay Mommy Hiedie
Iba’t ibang negosyo na rin ang pinasukan naming mag-asawa, kung ano-anong ibenebenta namin para lamang maka-survive sa aming pang-araw-araw na pangangailangan.
May mga panahong nagpiprito kami ng maruya, turon, umaangkat kami ng retasong tela at ginagawa naming basahan, nagtinda ng RTW at kung ano ano pa! Para lamang maitawid namin ang aming pamilya at mabigay sa aming mga anak ang kanilang pangangailangan.
Nalugi, bumangon, nalugi,bumangon at babangon ng babangon kami na magkasama.
Sa kasalukuyan ay nakapagpatayo na kami ng aming sariling Botique na mayroon ng apat na branch, isang restaurant at isang pwesto ng Take Out Meal. May mga naipundar na rin kami para sa aming mga anak.
Sa ngayon, napakarami pa naming plano at gustong makamit para sa aming mga anak kaya Patuloy pa rin kaming mangangarap na magkasama.
Ang lahat ng paghihirap ay may kapalit na tagumpay, basta hindi kayo susuko. | Larawan mula kay Mommy Hiedie
Hinding-hindi magiging hadlang ang kahirapan upang makamit ang ninanais natin.
Sa pagpili ng ating magiging kabiyak, sa halip na humanap tayo ng mayaman, humanap tayo ng masipag, may takot sa Diyos at determinado sa buhay.
Tandaan natin na anumang pagsubok ang dumating sa ating buhay ay malalampasan natin ito. Lalo kung ang ating asawa o kapareha ay determinado na gawin ang lahat para sa ating pamilya.
Kahit na mahirap, kung magkasama niyong susuungin ito ng may pagtitiwala sa sarili at determinasyon ay walang imposible. Basta’t magtiwala sa isa’t isa, tulungan ang isa’t isa, at higit sa lahat laging humingi ng gabay sa Panginoon.
Sana may natutunan kayo sa aming “Kwentong Mag-asawa” na ito. Kung nakakaranas kayo ng pagsubok ng iyong asawa, sana maging inspirasyon ito upang hindi kayo basta-basta sumuko. Lalo na para sa inyong pamilya at kinabukasan ng inyong mga anak.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!