Pumanaw na ang award-winning actress na si Jaclyn Jose sa edad na 59. Ikinalungkot ng mga kaibigan, kapamilya, at fans nang kumalat ang balitang ito nitong Lunes, Marso 4, 2024.
Andi Eigenmann sa pagpanaw ng ina: Her legacy will live forever
Kinumpirma ni Andi Eigenmann sa isang press conference ang pagpanaw ng kaniyang ina na si Jaclyn Jose. Nagsagawa ng press conference ang magkapatid na Andi at Gabby Eigenmann upang bigyang linaw ang pagpanaw ng kanilang ina.
Larawan mula sa Instagram ni Andi Eigenmann
Ayon kay Andi, nasawi ang kaniyang ina dulot ng myocardial infarction o heart attack. Kinumpirma nito na pumanaw ang kaniyang ina noong March 2, 2024, Sabado ng umaga.
“It is with great sadness that I announce the untimely passing of my nanay, better known as Jaclyn Jose at the age of 60 on the morning of March 2, 2024 due to a myocardial infarction or heart attack,” pahayag ni Andi sa press conference.
Nagpasalamat naman ang aktres sa lahat ng mga nagdasal at nagpaabot ng pakikiramay sa kanilang pamilya.
Larawan mula sa Instagram ng Jaclyn Jose Official Fans Club
“We’d like to thank everyone who has since extended their prayers and condolences to us as our family is trying to come to terms with this unfortunate incident,” aniya.
“Please provide us the respect and privacy to grieve and we hope this would put all speculations to rest,” dagdag pa ni Andi.
Buhay ni Jaclyn Jose isang obra maestra
Larawan mula sa Instagram ni Jaclyn Jose
Ginunita rin ni Andi Eigenmann ang buhay at legasiya ng kaniyang ina. Aniya, ang buhay ng kaniyang ina ay ang mismong obra maestra at habang buhay na mananatili sa alaala ang legasiya nito.
“I would just like to say that her undeniable legacy will definitely forever live on through her work, through her children, grandchildren, and the many lives she’s touched. As she herself, her life itself was her greatest obra maestra,” saad niya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!