Jake Ejercito at kaniyang anak na si Ellie, mapalad na nalampasan ang pagsubok na dala ng sakit na COVID.
Mababasa sa artikulong ito:
- Jake Ejercito at Ellie COVID experience
- Sintomas ng COVID sa mga bata
Jake Ejercito at Ellie COVID experience
Habang lumilipas ang mga araw ay mas lalong dumaragdag ang bilang ng mga nagpopositibo sa sakit na COVID. Dahil sa kasalukuyan, sa kabila ng matinding pag-iingat ay marami pa rin ang nabibiktima ng sakit.
Kasama na rito ang mag-amang si Jake Ejercito at ang daughter nila ni Andi Eigenmann na si Ellie. Hindi nakaligtas ang mag-ama sa banta ng COVID, at sila ay napabilang sa dumaraming positive COVID cases sa bansa.
Dalawang linggo pa lamang ang nakakalipas ay ibinahagi ni Jake sa kaniyang Instagram post ang video laman ang kaniyang sampung taong gulang na unica hija. “destination: isolation,” ang caption ng aktor sa kaniyang IG post.
View this post on Instagram
Katulad ng ibang mga nagpositibo ay kinailangan din nilang dalawa na mag-isolate habang sila ay nagpapagaling mula sa sakit.
Malaki rin ang pasasalamat ng aktor dahil ang sintomas na naramdaman nilang dalawa ay mild lamang at hindi umabot sa severe symptoms.
Pagbabahagi niya,
“No one is safe and we were just here isolated for 10 days. Fortunately enough, mild symptoms lang naman.”
Gaya ng sintomas na naramdaman ng ibang tao na nagpositibo sa sakit, nakaranas din sila ng sintomas gaya ng lagnat, ubo, at pangangati at pananakit ng lalamunan.
Larawan mula sa Instagram account ni Jake Ejercito
“Si Ellie had fever for a few days. Sa akin more on sa throat and colds lang. Praise God we are okay,” ito ang pahayag ng aktor sa kaniyang panayam kasama ang “Inside News” mula sa Youtube channel ng Star Magic.
Samantala, nabanggit din ni Jake na hindi sila lumalabas ng anak na si Ellie tuwing ito ay kasama niya sa Manila. Hindi gaya kapag pinupuntahan niya ito sa Siargao kung nasaan ito talaga nakatira kasama ang ina.
Unti-unti na ring nadadagdagan ang edad ng anak kaya naman higit niyang pinahahalagahan at sinisiguradong mayroon silang oras para makapag-bond.
Larawan mula sa Instagram account ni Jake Ejercito
Ayon pa sa aktor,
“Kapag nandito lang kami sa Manila, nandito lang kami sa bahay, talagang we bond more deeper.
And now she’s already 10, siyempre mas nagiging more meaningful and mas malalim ang conversation which is something I’ve really been enjoying.”
Habang lumalaki at nagkaka-edad ang anak ay nababago rin ang paraan kung paano sila mag-bonding. Ang pagbabagong ito ang siya namang kinatutuwaan at ine-enjoy ni Jake.
Larawan mula sa Instagram account ni Jake Ejercito
Hindi maitatanggi ang magandang father and daughter relationship ng dalawa. Ito labis na kinatutuwaan ng maramin netizen.
Dahil kahit pa na hindi sila madalas magkasama, hindi naman nawawala ang closeness ng mag-ama. Mula sa kanilang mga litrato na ibinabahagi sa kaniyang social media, hindi maitatago ang labis na pagmamahal ni Jake sa anak, at ni Ellie sa kaniyang ama.
Larawan mula sa Instagram account ni Jake Ejercito
BASAHIN:
LOOK: Zia Dantes bakunado na kontra COVID
Slater Young and Kryz Uy’s son Scotty tests positive for COVID: “He’s such a happy, active kid and suddenly he’s not so active anymore.”
REAL STORIES: “My husband, toddler, baby, and I got COVID—at wala kaming mabiling gamot.”
Sintomas ng COVID sa mga bata
Higit na mas mababa ang bilang ng mga nare-report na positibong kaso ng COVID-19 sa mga bata kaysa sa mga matatanda.
Kadalasan, ang sakit na ito ay nagdudulot ng mild na sintomas lamang para sa mga bata. Subalit hindi pa rin lubos na masasabi dahil ang ibang bata ay nagkakaroon din ng labis na sakit.
Para sa mga bata, ang impeksyon na dulot ng COVID ay maaaring magresulta sa ilang mga sintomas. Karaniwang sintomas nito ay ang mga sumusunod:
- Lagnat
- Ubo
- Hirap sa paghinga
- At iba pang gastrointestinal problems.
- Pananakit ng tiyan
- Pagka-hilo
- Pagsusuka
- Pagtatae.
Samantala, may ibang bata rin naman na nakakaranas ng pananakit ng ulo, pananakit ng muscles, at kawalan ng panlasa at pang-amoy.
May ilan na lumalala ang sintomas, depende sa kaniyang sitwasyon at medical history. Mayroon din namang ilan na hindi nakakaroon ng kahit na anong sintomas, ang tawag sa kondisyong ito ay asymptomatic.
Ano ang dapat mong gawin sa iyong anak kung mayroon itong sintomas?
Ang kauna-unahang bagay na dapat mong gawin ay tumawag sa doktor. Ito ay lalo na kapag ang iyong anak ay nakakaramdam ng alinman sa mga sintomas na nabanggit sa taas.
Mahalaga rin na sabihin sa doktor ang iba pang detalye na dapat niyang malaman. Gaya na lamang kung ito ay may close contact sa taong nagpositibo sa sakit o napunta ito sa lugar kung saan maraming tao.
Mahalaga rin na i-monitor nang mabuti ang mga sintomas na nararanasan ng anak. Maaari kang magdesisyon na dalhin ito sa ER kung:
- Malala na ang sakit na nararamdaman nito
- Nahihirapan na sa paghinga
- Nagkakaroon ng pananakit ng dibdib
- Pinagpapawisan ng malamig at malagkit
- Malala na ang pananakit ng tiyan
Tandaan na ugaliing maglista o magtabi ng emergency hotlines sa inyong lugar, upang mapadali ang paghingi ng tulong kung kinakailangan.
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerekomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!