Jake Ejercito at Andi Eigenmann co-parenting set-up pinuri ng mga netizens.
Mababasa sa artikulong ito:
- Jake Ejercito at Andi Eigenmann co-parenting set-up sa pag-aalaga sa anak nasi Ellie.
- Sagot ni Jake sa isang netizen na may negatibong komentong sa co-parenting set-up nila Andi.
Jake Ejercito at Andi Eigenmann co-parenting set-up
Image from Jake Ejercito’s Facebook account
Kung may mga magulang na magkahiwalay ngunit maayos paring napapalaki ang anak at dapat tularan, ito ay sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann.
Sapagkat kahit sila ay hindi magkasama bilang isang couple ay magkatulong pa rin nilang naibibigay ang pangangailangan ni Ellie bilang kaniyang ama at ina. Ito nga ay hindi natigil kahit sa gitna ng nararanasan nating COVID-19 pandemic.
Sa pinaka-latest na Instagram post ni Jake Ejercito ay naging emotional ang celebrity sa muli nilang paghihiwalay ng anak. Dahil si Ellie matapos ang pagbabakasyon dito sa Maynila sa pangangalaga ni Jake ay umuwi na sa kaniyang inang si Andi Eigenmann sa Siargao.
“Never not tough 😪”
Ito ang caption ng Instagram post ni Jake na kung saan makikita siyang niyayakap si Ellie sa airport. Ito ay hinatid niya para makauwi na pabalik sa Siargao.
View this post on Instagram
Jake may sagot sa netizen na nagsabing dapat kinonsider muna nila ni Andi ang anak na si Ellie bago naghiwalay
Maraming mga netizens ang na-touch sa post na ito ni Jake. Pero may isang netizen ang iba ang reaksyon sa post na ito ni Jake. Sabi ng netizen, ang tagpo kung saan maghihiwalay ang mag-ama ang dahilan kung bakit ayaw niyang mag-asawa. Sabi niya pa bago umano dapat maghiwalay ay i-consider muna ng mga magulang ang anak nila.
“This is the big lesson of both parents before separating their lives. We must consider our children first😢.Kaya ayaw ko mag asawa eh😂😢”
Ito ang komento ng netizen sa post ni Jake.
Sinagot naman ni Jake ang komento na ito ng netizen at sinabing hindi dapat ito nag-o-overgeneralize. Dahil una hindi nito alam ang pangyayari.
Lalo na kung gaano kahirap rin sa kanila bilang magulang ni Ellie ang sitwasyon. Pero magkaganoon man ay ginagawa nila ang lahat para maibigay ang pangangailangan ni Ellie at ang kapakanan nito ang kanilang top priority.
“Lesson here is not to overgeneralize. Not everyone has it easy and forcing something that will never be will just be worse and even more traumatic for children. These are the cards we were dealt and we try our best to make it work with Ellie’s well-being as top priority.”
Ito ang sagot ni Jake sa netizen.
Image from Jake Ejercito’s Instagram account
BASAHIN:
10 healthy tips na nakapagpabago ng buhay ni Andi Eigenmann
Jake Ejercito, sinagot ang netizen na nagsabing “itinago” niyang anak niya si Ellie
Jake Ejercito responds to Netizens’ praises about being a good Dad to daughter Ellie
Ibang netizens pinuri ang co-parenting set-up nila Jake Ejercito at Andi Eigenmann
Image from Jake Ejercito’s Facebook account
Sumang-ayon naman ang iba pang netizen sa sinabing ito ni Jake. Ayon sa kanila, hindi naman kailangang magkasama ang isang ama’t-ina para maibigay ang pangangailangan ng anak nila.
Sapagkat tulad nila Andi at Jake ay nagagawa parin nilang maibigay ang pagmamahal at buong pamilya kay Ellie kahit magkahiwalay sila. Sinaladuhan rin ng mga netizens ang co-parenting set-up nila sa pagpapalaki kay Ellie.
“Hindi din healthy sa kids if both parents are together pero hindi nmn ngkakaintindihan, mas lalo pang nakaka apekto.”
“Mas hindi maganda sa welfare ng bata ang magkasama na parents na nag aaway sa harapan niya or hindi magkasundo. A complete family doesn’t always mean a happy family. You just gotta accept the fact that in real life, some things don’t work out the way we planned or we wanted to.”
“Ellie actually have the best life compared to those na magasawa for the kids sake. She have a dad and a mom who loves her and when she comes home to siargao a big family. Home in the city and in the province without any stress na nagbabangayan parents or nangangaliwa kase di makaalis sa relationship dahil sa mga bata.”
“The best you can do in this situation is “DOING YOUR BEST AS A PARENTS”. And i think naging successful sila pareho sa pagpalaki kay Ellie bilang isang mabuting magulang para i-priority un.You can’t stay in a relationship when it’s too toxic/complicated already.The more you force to stay just because you may anak kayo the more na maaapektuhan ung bata. Anyway nakaka-inspire po kayo @unoemilio kayo ni Andi.Saludo po ako sainyo ,God bless !💕”
Ito ang ilan sa reaksyon at komento ng mga netizens sa co-parenting set-up nila Jake at Andi sa pagpapalaki sa anak na si Ellie.
Sa ngayon si Ellie ay balik Siargao na sa piling ng kaniyang ina na si Andi at mga kapatid na si Lilo at Koa. Madalas rin silang nagkikita ng ama na bumibisita sa Siargao o kaya naman ay sinusundo si Ellie para makapasyal sa pamilya niya sa Maynila.
View this post on Instagram
Source:
Instagram
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!