Jake Ejercito on co-parenting with Andi Eigenmann, inaming hindi naging basta-basta at marami muna ang pinagdaanan bago nila nagawa.
Mababasa sa artikulong ito:
- Jake Ejercito on co-parenting with Andi Eigenmann.
- Paano pinalalaki ni Jake Ejercito ang anak na si Ellie.
Jake Ejercito on co-parenting with Andi Eigenmann
Pagdating sa co-parenting, isa na sa mga celebrity couple noon na nais gayahin ng marami sa atin ngayon ay sina Jake Ejercito at Andi Eigenmann. Sapagkat kahit hiwalay na at maraming isyu ang pinagdaanan nila ay nanatiling may maayos silang relasyon para sa anak nilang si Ellie.
Makikita ito sa mga social media post and updates ni Jake na kung saan maluwag niyang nasusundo o napupuntahan si Andi para makasama.
Ito naman ay maayos na tinatanggap at hindi tinututulan ni Andi na ngayon ay may sariling pamilya na sa Siargao kasama ang surfing professional na si Philmar Alipayo.
Mukhang mang easy at smooth ang co-parenting set-up ni Andi at Jake Ejercito para sa anak na si Ellie, pag-amin ni Jake ito ay hindi basta-basta nangyari.
Naibahagi ni Jake ito sa vlog ng GMA actress na si Francine Diaz na kung saan natanong siya ng ilang personal questions sa kanilang ginawang interview.
“Hindi siya madali and marami kaming pinagdaanan bago kami dumating sa point na ‘to that we find the right balance.”
Ito ang sabi ni Jake tungkol sa kung paano nagsimula ang co-parenting set-up nila ni Andi. Dagdag pa niya, maraming factors kung bakit naging mahirap noong una ang set-up na ito para sa kanila.
Kabilang na rito ang kanilang batang edad noon at ang pride na natutunan naman nilang isangtabi habang lumalaki na si Ellie.
“Marami kaming ups and downs parang roller coaster. Kasi when we became parents 21 lang kami pareho. And then siyempre ‘yong pride, immaturity. It took a while, years bago kami dumating sa point na ito na inuuna na namin ‘yong welfare ni Ellie.”
Ito ang sabi pa ni Jake.
Pagdating ni Ellie sa buhay ni Jake Ejercito
Umamin rin siya na noong una ay hindi pa siya ready sa pagiging ama. Ang dahilan nga ay ang mura niyang edad na iba pa ang priorities niya. Pero habang lumalaki si Ellie ay nabago ang pananaw ni Jake pati na ang mundo niya.
“When Ellie came talagang nagbago ‘yong mundo ko. Hindi lang sarili ko ‘yong iniisip ko. I have someone to look after, alagaan.”
Kung may word nga umano na magde-describe sa feeling ng pagiging isang magulang para kay Jake ito ay ang salitang “fulfilling”. Dahil ito ang nararamdaman niya habang nakikita ang maayos na paglaki ni Ellie sa kabila ng set-up ng pamilya nila.
“I guess ‘yong different joy na nararamdaman ng magulang is habang lumalaki ‘yong anak, nakikita mo ‘yong progress.
And alam mong part ka noon, na it’s because of you. Kaya ‘yong person that your child is becoming is somehow because of you. Fulfilling siya. Very fulfilling,” sabi pa ni Jake.
Image from Jake Ejercito’s Fan Page Facebook account
BASAHIN:
Jake Ejercito responds to Netizens’ praises about being a good Dad to daughter Ellie
Jake Ejercito sinagot ang netizen na nagsabi na bago maghiwalay, “We must consider our children first”
10 healthy tips na nakapagpabago ng buhay ni Andi Eigenmann
Jake inaming ini-spoil niya si Ellie
Sa ngayon pagbabahagi ni Jake, lagi niyang sinusulit ang mga oras at pagkakataon na magkasama sila ni Ellie. Pag-amin niya hindi niya man gusto ng i-spoil ito ay wala siyang choice dahil minsan lang silang magkasama. Ito ay dahil ang bawat moments na kasama niya si Ellie ay gusto niyang laging maging memorable sa kanilang dalawa.
“Whenever she’s with me laging memorable kasi sinusulit ko lagi ‘yong pagkakataon. Kaya kahit ayaw ko man I have no choice but i-spoil siya kasi minsan lang kami magkasama.”
Kung mayroon nga raw isang bagay na gusto ni Jake na matutunan ng anak at gayahin sa kaniya ay ang hilig niya sa pagbabasa ng libro. Dahil sa very active lifestyle ni Ellie sa Siargao ay hindi niya nakahiligan ito.
“Ang gusto kong matutunan niya is ‘yang magbasa, magbasa ng books. So whenever she’s with me medyo talagang nahihirapan ako. Pinipilit ko siyang magbasa.”
Ito ang ilan sa ginagawa umano ni Jake sa pagpapalaki sa anak na si Ellie.
Pangarap ni Jake para kay Ellie
Image from Jake Ejercito’s Fan Page Facebook account
Sa tanong naman, kung anong lagi niyang pinapangarap bilang isang ama para sa anak na si Ellie, ito ang nasagot ni Jake Ejercito.
“I just want her to find herself and to never feel na kulang siya.”
Sa ngayon si Ellie ay sampung taong gulang na at kasalukuyang nakatira sa Siargao kasama ang inang si Andi Eigenmann.
View this post on Instagram
Source:
YouTube
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!