X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

Jamie nagsalita na sa dahilan ng pagtatalo nila ni Baron Geisler: "Grabe ang pag-relapse niya lately"

4 min read

Nagsalita na si Jamie Geisler, asawa ng aktor na si Baron Geisler, tungkol sa kumalat nitong viral video kung saan makikitang tinapunan niya ng tubig si Baron.

  • Viral video nina Jamie at Baron Geisler
  • Jamie ibinahagi  ang relapse ni Baron sa pag-inom ng alak

Viral video nina Jamie at Baron Geisler

Jamie nagsalita na sa dahilan ng pagtatalo nila ni Baron Geisler: Grabe ang pag-relapse niya lately

Screenshot mula sa viral video sa Facebook account ni baron Geisler

Kilala si Baron Geisler dahil sa pagiging artista at kontrobesiyal na mga issues nito. Ngayon, may bago na namang pinag-usapan ang netizens.

Viral muli ang video niya at ng kanyang asawa na si Jamie Geisler nang i-upload ito sa kanyang Facebook account na agad namang binura ngunit maagap na nagkaroon ng kopya ang mga nakapanood.

Maririnig sa video na nagtatalo ang dalawa. Sabi ni Jamie Geisler nababaliw na siya kay Baron dahil sa pangmamanipulate nito sa kanya. Sa kainitan ng pagtatalo, makikitang may itinapong tubig ang misis ni Baron sa kanya.

Binweltahan ito ni Baron Geisler na dapat daw na ang misis niya ang kailangan i-rehabilitate at hindi siya.

“Oh my god. What is this? Sinong kailangang i-rehab?”

Hindi lamang pananapon ng tubig ang nangyari dahil nauwi rin sa pambabato at panghahampas ni Jamie kay Baron. Umalma ang aktor at sinabing, “You are hurting me!”

Pinapabalik din ni Jamie si Baron sa Maynila dahil ayon sa kanya wala raw may kailangan kay Baron doon. Agad na kumalat ang video ngunit ibinura rin ni Baron Geisler kasunod ng paghingi ng pasensya sa kanyang Facebook account.

 “I am sorry.. know one is perfect… I wish I had a magic book to turn things around.. And I am a terrible person.”

Baron Geisler at Cebuana wife niyang si Jamie Evangelista

Larawan mula sa Facebook account ni Jamie Evangelista-Geisler

Jamie ibinahagi ang relapse ni Baron sa pag-inom ng alak

Sa isang video sa YouTube channel ng host at entertainer na si Ogie Diaz, ibinahagi niya ang statement ni Jamie Geisler ukol sa pangyayari. Ayon kay Ogie, nagpadala raw ng direct message ang misis ni Baron sa kanya. Sa mensahe, nais daw ipaliwanag ni Jamie ang kanyang side ng istorya sa naturang video.

“I just wanted to explain my side lang sana. I know naman kilala mo si Baron personally.

“Yes, you are right po, grabe pag-relapse niya lately.”

Bungad ng message ni Jamie Geisler kay Ogie Diaz.

Ibinahagi niya rin ang ilang kaganapan tungkol sa pag-iinom ni Baron Geisler na labis na nakaapekto sa kanila. Ayon kay Jamie, naging traumatic daw sa kanilang mga anak ang mga nangyayari kaya sinabihan niya ito last December na kung maaari ay huwag uminom sa kanilang bahay.

Pagkukwento pa ni Jamie, noong Sabado raw ay pinili pa ring uminom ng aktor kahit pa may scheduled sila na alis sa Linggo ng umaga para sa trabaho. Dahil daw sa pag-inom ni Baron ay hindi sila nakasakay sa flight .

Ang tinatawag daw ni Jamie na “sugar mommy” ay ang kaibigang babae ni Baron na nangunsinting uminom sa aktor at dalhin sa hotel. Nag-message pa raw ang aktor na handa siyang lumipad Linggo ng gabi papuntang Manila.

Sinubukan daw puntahan ni Jamie ang asawa sa hotel at nakitang umiinom pa rin ito, kaya labis ang galit niya dahil na rin sa mga nasayang na ticket.

“I have been very patient and forgiving for how many years so napuno na siguro ako.”

Hindi na natiis ni Jamie Geisler ang asawa kaya napagpasyahan niyang tumawag na sa rehabilitation center para ma-detox ang mister. Dahil daw sa ginawa niyang ito ay naging paranoid si Baron, at nagsimulang mag-video. Layunin daw ni Baron na kumuha ng simpatya sa mula sa mga netizens.

Humihingi rin ng patawad si Jamie Geisler sa kanyang naging action noong panahong iyon.

“I apologize for my inappropriate behavior doon sa video.”

Mapapanood ang video dito sa ika-9:15 mark:

BASAHIN:

Epekto ng pagiging striktong magulang, maaaring magresulta sa pagiging alcoholic ng anak

Jamie Evangelista-Geisler kay Baron Geisler: “No one wants you here!”

STUDY: Pag-inom ng alak nakapagpapaliit ng utak

“I’m still hoping and praying na ma-overcome niya talaga ang addiction niya sa alcohol”

Jamie nagsalita na sa dahilan ng pagtatalo nila ni Baron Geisler: Grabe ang pag-relapse niya lately

Screenshot mula sa YouTube channel ni Ogie Diaz

Sa kabila ng kanilang pagtatalo at pag-aaway, hinihiling pa rin daw ni Jamie Geisler na maging maayos ang kalagayan ng kanyang mister. Nasa Manila na raw ang aktor at nagpaalam na sa kanya na sasalang na ito sa rehab.

Partner Stories
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Things to Consider When Choosing a Family Vacation Home, According to Kryz Uy
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Kailangan ng vaccine certificate? 5 steps para makakuha nito online
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Huwag na Mainez Veneracion sa presyo ng gatas. Best deals online sa Shopee!
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.
Lubos na bang nag-aalala ang iyong asawa (at ikaw) sa pagnipis ng kaniyang buhok? Narito ang ilang paraan upang tulungan siya.

Dagdag pa ni Jamie, mananatili na lamang daw muna siya sa Cebu para mag-focus sa mga bata.

Kuwento pa ng misis ni Baron, lumala raw talaga ang pagiging alcoholic ng asawa. Nagiging every two weeks daw ang pag-inom at nagiging depressed dahil dito.

Kaya hangga’t maaari pinapaiwas niya ito sa alak kung sakaling may trabaho dahil labis na may epekto ito sa kanya.

 

YouTube

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Ange Villanueva

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Jamie nagsalita na sa dahilan ng pagtatalo nila ni Baron Geisler: "Grabe ang pag-relapse niya lately"
Share:
  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

  • Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

    Paolo Contis umaming hindi nagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz at LJ Reyes, may kumpirmasyon rin siya sa relasyon nila ni Yen Santos

  • Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

    Paano mababawasan ang anxiety sa buntis?

  • Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

    Laging nagtatalo? 6 tips para maayos ang problema ng mag-asawa na madalas mag-away

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.